John's POV
Nagulat talaga ako sa sinabi ni yen kanina hindi lang ako kami lahat ay nagulat sa announcement niya pati si ate Ella
Yen, seryoso ka ba sa sinabi mo kanina? tanong ko sa kanya andito kami ngayon sa lugar na dati na rin naming pinuntahan kung saan kami tumatambay pag stress kami masiyado baka kasi stress lang at pagod si yen
Oo maikli niyang sagot
So seryoso nga siya
Pero bakit???
Isinandal niya yong ulo niya sa balikat ko bago siya nagsalita
Kasi pagod na ako john, ayoko ng ganito, inaamin ko John NASASAKTAN ako kaya gusto ko munang magpahinga sa showbiz
Para ko na rin kasing niloloko yong sarili ko nakangiti nga ako Sa harap ng lahat pero deep inside dinudurog na yong puso ko. At Alam ko rin kasi na pag nasasaktan ako naapektuhan din kayoNaiintindihan Kita yen, at Kung ano man ang magiging desisyon mo ay tatanggapin ko kasi Mahal----
napahinto agad ako sa mga pinagsasabi ko ano ba naman tong bibig na to oh..
Umayos ng upo si yen saka siya tumingin sakin bumilis bigla yong tibok ng puso ko sa sobrang kaba feeling ko nag slow mo ang lahat sa amin ni yen
Hoy! John ano yong sabi mo??
Bahala na nga..
Yen, gusto kita!
biglang nanlaki yong mata niya sa gulat
Oo yen, gusto kita at Mahal kita!
Pero John......
Hinawakan ko yong kamay niya "di mo naman kailangang sumagot yen, Alam ko namang Mahal na Mahal mo si Nathan at ganoon din si Nathan ang gusto ko lang ay ang hayaan mo akong mahalin ka, at wag ka lang magbago manatili ka lang sa tabi ko kahit isa lang kaibigan..
Salamat john, salamat sa pagmamahal mo pero john Hindi ako karapat dapat sa pagmamahal na yan.
Yen, di ba sabi ko hayaan mo lang akong mahalin ka di ako naghihintay ng kapalit tandaan mo yan!
Alam kong napaka bless ko dahil except sa mga kaibigan ko sa Mindanao dumating kayo sa Buhay ko at tinuring niyo akong pamilya.. tapos niyakap niya ako gumanti na rin ako ng yakap sa kanya
Ano ng plano mo ngayon? Tanong ko ng kumalas na siya sa pagkakayakap sakin
Uuwi muna ako ng Mindanao! Kung kanina siya yong nagulat ngayon naman ay ako naman ang nagulat uuwi na siya ng Mindanao
Kailan??
Mamayang hapon tipid niyang sagot wow! Di naman yata nagmamadali si yen
Pero bakit agad-agad?
Ngumiti siya ngiting lalong nagpapaganda sa kanya bukas pa sana ang alis ko kaso tinawagan kasi ako ni JP timing daw ang pag-uwi ko kasi invited kami sa isang activity mag p-perform kami ng drama skit bukas ng hapo kaya dapat bukas nandon na ako practice pa kasi.. mahaba niyang sagot
Ganoon ba feeling ko ngayon pa lang nami miss ko na si yen
Pwede naman akong bumisita don diba?
Oo naman anytime!
Pagkatapos non ay hinatid ko na siya sa bahay nila mag aayos pa kasi siya ng gamit
******
Yen's POVAndito na kami ngayon sa Airport nandito na silang lahat except sa kanya well expected ko na yon nagkausap na naman kami kanina sa phone pati siya nagulat sa desisyon ko pero rerespituhin daw niya ang desisyon ko susunod daw siya don sa weekend pero ganoon pa man umaasa pa rin ako na makikita ko siya
Kinuha ko ang phone ko ng mag vibrate ito at binasa ko na ang text
I'm so sorry babe I can't go my show kami ni elliah.. But I promise susunod ako sa weekend I love you! Mag ingat ka..
Ini off ko na yong CP ko pagkatapos kong mabasa ang text niya..
I guess I need to go! At isa-isa na silang nagpaalam pati sina mama, ate at lola si papa andoon naman sa Mindanao nakakatuwa lang isipin dahil andito silang lahat parang ang tagal ko naman atang mawawala eh.. sa Mindanao lang naman ako pupunta... Niyakap ko rin sila isa-isa at pari- pariho lang yong bilin nila mula Kay lola hanngang sa huling member ng BOYS STEPS ang sabi mag ingat ka don..
At umalis na ako..
-----------
While waiting sa klase ko naka gawa ako ng draft.. keep on reading po God bless VOTE & COMMENT na rin PO..
BINABASA MO ANG
My Dancefloor King
Ficção GeralIsang sikat na mananayaw at isang simpleng babae na very religious ang magkakatagpo is there a chance na magka gusto rin sa kanya si boy gayong pati location nila ay magkalayo. At ang buhay na meron sila ngayon ay magka salungat. Would she follow...