Yen's POV
Pinilit kong maging masaya sa harap ng mga kaibigan ko dahil alam kong maapektuhan sila kapag nakita nilang nasasaktan ako
Bonding tayo! yaya ko sa kanila
agad silang napalingon sakin! oo alam na nilang bumalik yong Ex ni Nathan may tsismis ba namang matatago itong si JP talagang wala kaya ayon napagsabihan pa ako umalis lang man daw akong walang explaination mula kay Nathan alam ba nila ang salitang natatakot ako baka hindi ako yong piliin niya
Ligo tayo ng sapa! matagal tagal na rin kasing di natin nagagawa to eh...
ikaw lang naman, lagi kaya naming ginagawa to!! ~Jesryl
nag artista ka kasi!!~marj
so talagang ipapamukha pa ng mga to na kasalanan ko bakit di na ako nakakaligo ng sapa dahil sa nag artista ako ganoon???
**********
andito na nga kami sa sapa ngayon at nagsi ligo na sila lahat
akala ko ba yen na miss mo ang bonding??? ~TJ
eh.. mukhang iba ang namimis mo ah!!! ~ Levi
ngumiti lang ako sa kanila kahit pilit kahit dahil alam kung kahit mag deny pa ako alam kong mahahalata ng mga to!
yen pwede ba kahit ngayon lang wag mo muna siyang isipin!~Mae
tumango lang ako
yen tandaan mo may karapatan kang sumaya! tandaan mo yan! ~cynthia
tamaaaa!!! agree ng lahat
kaya naman ngumiti na talaga ako at napatawa sa mga pinagsasabi ng mga to
ayan! chorus nila ulit
magpakasaya tayo!! hoooooo!!!!! ayon ang ingay-ingay na talaga
hoy! anong gagawin niyo? angal ko ng bigla akong hawakan ni TJ at JP
sandali huwwaaaaagggggg!!!!! aaaahhhhhh!!!! sigaw ko ng bigla nila akong binuhat at inihagis sa sapa kaya ito ang basa ko na at nagtawanan na silang lahat
na miss ko talaga to promise yong buhay na ganito yong sila lang sapat na kahit naliligo lang kami sa sapa masaya na kami
Pagkatapos naming maligo at nakapag bihis na ay kumuha sila nong sa niyog yong dinidikitan ng mga dahon yong kulay brown na yong nahuhulog na sa lupa tapos yong pinaka dulo niya pinutol namin
at ginawa naming pang ride mula sa itaas ng burol pababa ang saya para kaming sumakay ng roller coaster
ang saya talaga!
ng biglang umulan ng malakas tatakbo na sana ako para makahanap ng pwedeng masilungan ngunit pinigilan ako ni JP
mas lalong sasaya pag naligo na lang tayo sa ulan!~JP
at hinigit niya na ako pabalik sa grupo may magagawa pa ba ako? wala na! ayon nag habulan kami takbuhan lang sa ulan paikot-ikot at tanging tawanan lang namin yong naririnig...
ONE OF THE BEST DAY OF MY LIFE!!!
____________________________________________________________________________
Salamat ulit sa mga nagbabasa!
BINABASA MO ANG
My Dancefloor King
Ficción GeneralIsang sikat na mananayaw at isang simpleng babae na very religious ang magkakatagpo is there a chance na magka gusto rin sa kanya si boy gayong pati location nila ay magkalayo. At ang buhay na meron sila ngayon ay magka salungat. Would she follow...