#1: Why Can't It Be

647 30 16
                                    


Why Can't It Be | A ViceRylle Story

.

.

.

"And for me, all I want now is maging maligayang - maligaya ka. Yung talagang malalim na klase na joy 'cause I know that you deserve it. You've made so many people happy and I just want to wish you all the best lalo na sa iyong lovelife." Hanggang ngayon ay wala parin ako sa sariling umupo sa sofa ng backstage habang inaalala parin ang birthday message sa akin ni Karylle.

I have to admit it, nasasaktan parin ako. At sobrang nasasaktan parin ako. Kahit ipakita't sabihin ko man sa tao at kay Karylle na okay na ako, alam ko sa sarili ko na hindi pa. Akala ko okay na at kaya ko ng magsimulang muli pero sadyang pinamumukha sa akin ng realidad na hindi naman talaga ako okay at ang lungkot lungkot ko.

I know, kahit hindi niya sakin sabihin alam kong isa 'yon sa mga way niya para humingi muli sakin ng tawad. She wants me to be happy and forget all the memories that we've made together. But how? Paano? Ganoon na lang bang kadaling kalimutan sa kanya lahat? She's so happy. I can feel it with her voice. Kahit sa mga text niya, alam kong masaya siya with Yael.

Masakit, oo. Nakakadurog. Nakakapanghina. Pero wala e. Tama siya. I'm gay and I have a big name here in this industry at pag pinaglaban namin yung nararamdaman namin, kami ang talo at kami din ang mawawalan.

Kaya pinili na lang niya yung tama kasi sa tingin niya mali ako. Sa tingin niya lahat ng sayang naramdaman namin, isang malaking pagkakasala. Ganoon na lang ba lagi? Pag magmamahal ako, mali? Nakakatawa.

"Sige, girl. CR muna ako." Alam kong kanina pa ko tinititigan ni Anne habang nakatulala kaya pinili ko munang magpaalam. Sanay na din siguro siya dahil simula ng maging kumplikado ang lahat samin ni Karylle, ganito na ako.

Gaya nga ng nasabi ko kay Anne, dumiretso ako sa CR ng dressing room ko. Ramdam ko rin ang pagtitig sa akin nila Buern at ng iba pang mga bakla pero deadma na lang. Isa lang ang gusto kong mangyare, ang malabas muli itong mga luhang halos tatlong araw ko ng pinipigilang bumagsak.

Pagkapasok ko sa banyo ay siya ding patak ng luha ko. Bakit ko nga ba kasi lolokohin ang sarili ko? Hindi ako okay. Hindi parin ako okay. Nasasaktan parin ako sa mga nangyayare.

I told her that I'm okay para hindi na siya makonsensya kasi ako din naman ang masasaktan pag nakita kong hindi siya masaya sa araw ng kasal niya dahil sa konsensya. At ayaw kong gawin 'yon. Ayaw kong masira ang pinakamasayang araw niya dahil sa lintek kong nararamdaman. Pinakamasayang araw niyang naging sanhi ng biglang pagkawasak ko.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, walang pinagbago. Baklang bakla parin. Babaeng babae. Pero babae din ang gusto ko. Nakakalito. Di ko na malaman kung isa ba akong tomboy o bakla.

Ano na nga ba ako ngayon? Sino na nga ba ako ngayon? Isa lang naman ang nasisigurado ko sa pagkatao ko ngayon na, ako si Vice Ganda. Isang baklang sumikat dahil sa kabaklaan. Baklang takot masira ang karera kaya pinili na lang na masaktan at isantabi ang gusto niya't makakapagpasaya sa kanya at mas piniling intindihin ang kasiyahan ng iba kesa sa mismo niyang kasiyahan.

Bigla na lang akong nabalik sa realidad ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Napangiti na lang ako ng makita ko ang nakalagay rito...

From: Karylle Tatlonghari

O, ano? Naiyak ka ba sa long sweet message ko? Haha! =)

Napailing na lang ako habang tumatawa sa nabasa ko dahil oo, nakakaiyak ito. Sobrang nakakaiyak. Di lang nakakaiyak kundi nakakadurog.

To: Karylle Tatlonghari

Oo, girl. Nakakaiyak, sobra. Bet na bet mo talaga akong pinapaiyak, 'no? Charot!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Point of View | ViceRylle One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon