“Hindi ako magpapakasal sa kanya” pasigaw na sinabi ni Aiden. “At hinding hindi ko gagawin yon.”
“Just try know her. Alam mo naman na ang pamilya lang nila ang makakatulong satin ngayon.” Halos nagmamakawa na sabi ni Mrs. Lucero kay Aiden.
“Fine, kikilalanin ko sya. Pero hindi ko ipapangako na papakasalan ko siya.”
|♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡|
Aiden’s POV
Hindi ako makapaniwalang magagawa sakin yun ni mama. Kung hindi lang sana nawala si papa, hindi mangyayari to. Hindi sana nalulugi yung kumpanyang pinaghirapan nya. Hindi ko na sana kailangan magpakasal. Hindi pa ko handa, and besides, ganun ba talaga kapanget yung anak nila at kailangan pa ipagkasundo? Alam kong kaya ko tong mag-isa at hindi ko kailangan ng anumang tulong galing sa pamilya nya.
“Get ready, you’ll have a dinner with her at 7:00pm” utos ni mama.
Pero 5:00pm palang ah?
“Masyado pang maaga.”
“Ikaw ang lalaki kya dapat ikaw ang maghihintay sa kanya.”
Sumunod nalang ako. By 6:00 pm nasa resto na ko. 7:00pm wala padin. Eh kung umuwi nalang kaya ako? Hindi na ata sisipot to.
“Baby!” Sigaw ng isang babae mula sa likod ko.
“Sorry miss, hindi ako yung taong~”
“Sus ikaw naman Mr. Karl Aiden Lucero, ako yung FIANCE mo!”
Kaya pala ipinagkasundo. May sayad yata to.
“Umorder ka na ng makauwi na ko ng maaga.”
“Yung upuan” Sabi nya ng nakangiti
“Huh?”
“Hilahin mo para sakin” Nakangiti padin.
“Bat ko naman gagawin yun eh my sarili ka naming kamay.”
“Ganun kasi yung ginagwa nila sa mga napapanuod kong movie” Nakangiti padin. Nakakirita na ha. “Sige ka hindi tayo makakauwi ng maaga nito.”
At nag pa-uto na nga ako.
“Oh eto na. Uupo lang hindi pa magawa.”
“Yan... napaka gentleman naman ng FIANCE ko”
“Kailangan ba talaga nilalakasan yung word na “FIANCE”? Kadiri! Nakakasuka!”
“Eh bakit totoo namang FIANCE na kita ah?”
“Kumain nalang tayo.” Tinawag ko yung waiter. “Beefsteak please.”
“Sakin ito... ito... ito pa.... tpos ito..” Sabi nya sa waiter habang tinuturo sa menu list.
“Ay teka!” Tawag nya dun sa waiter na paalis na. “Extra rice ”
“Teka.. makakain mo ba yun lahat?”
“Kulang pa nga yun eh. Nahihiya kasi ako sayo ”
|♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡|
Ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganto kalakas kumain sa harap ng isang lalaki. Pinagtitinginan na kami ditto. Walang poise, ang baboy.
“Ito gusto mo?” Sabay abot nung beefsteak ko, ubos na kasi ung ulam nya.
“Nakakahiya naman. Pero salamat.”
|♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡|
“Oh tara na”
“Teka.”
“Wag mo sabihing gutom ka pa?”
“Ang sakit ng tyan ko”
“Eh pano ang baboy mo kasi”
“Buhatin mo nalang ako ”
“Buhatin mo sarili mo!” Sabi ko habang paalis. Matanda na sya kaya na nya sarili nya.