Kinabukasan pag gising ko wala na sya. Walang pagkain sa lamesa, nakakapanibago. Kahit hindi ko kinakain o tinitikman manlang ang mga luto nya, araw-araw parin syang naghahanda ng pagkain. Walang nag aayos ng polo ko. Ang tahimik ng bahay, hindi ako sanay.
Paglabas ko ng bahay biglang may lalaking lumapit sakin at tinakpan ng panyo ang ilong ko, bigla nalang akong nahilo.
|♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡|
Bago pa magising si Aiden, umalis na ako ng bahay, ayokong maging pabigat sa kanya, ayaw kong ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya kung hindi naman niya ako mahal. Wala naman akong sariling pera kaya eto, lalakadin ko hanggang bahay.
“Miss pinapasundo ka ni Mr. Estabillo”Sabi nung lalaking biglang nangharang sa akin. Ako? Pinapasundo? Hindi pa ginagawa yun ni Papa sa akin, imposible.
“Sorry, hindi ata ako yun” Kunwaring ngiti ko tapos tinuloy yung paglalakad.
“Hindi, kayo nga kasi yon, sumama ka nalang samin. Pinapatawag ka ng tatay mo” Sabi nya sabay hawak sa braso ko.
“Masakit” Ang higpit ng paghawak nya, gusto ko ng tumakbo pero hindi ko kaya dahil sa higpit ng hawak nya.
“AHH~” Sinubukan kong sumigaw pero bigla nalang my tumakip sa bibig ko at binuhat ako papasok sa dumating na van.
|♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡|
Pag gising ko, nasa loob na ako ng isang kwarto kasama si Aileen na wala pading malay. Gusto ko siyang lapitan, kaso nakatali yung isang paa ko. Pero mas ok na yon, kesa siya yung nakatali. Wala kasi siyang tali, nakahiga lang sya sa kabilang sulok ng kwarto.
Biglang may pumasok na lalaki dala yung tray ng pagkain. Lumapit siya saakin at inabot yung isang platong mas marami ang laman. Tapos pumunta siya kay Aileen.
“Hoy” Ginigising niya pero ayaw padin magising ni Aileen.
“Gising na.” Sabi nya ulit pero may kasama ng pagsipa sa binti ni Aileen. Lumalakas ng lumalakas yung pagsipa nya hanggang sa nagising na si Aileen. Nilapag nalang niya yung plato sa tabi ni Aileen at umalis.
“Aiden” Aiden? Ngayon lang nya ako tinawag ng ganon. “Nasan tayo??”
Sasagot na sana ako kaso bumalik yung lalaki, may dala naming dalawang basong tubig ngayon.
“Yan ang hirap sa mga mayayaman eh, wag kayong mag alala pagdating ni bossing malalaman na din ninyo kung magkano ang kapalit ng mga buhay nyo.” Sabi nya habang nilalapag yung mga baso sa harap namin at umalis.
“Kidnap for Ransom”. Sabi nya, “Hindi magsasayang ng pera si Papa para lang sakin.”
|♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡|
“Kunin mo yung babae, sabi ni boss.” Sigaw nung lalaki. Nagising ako at biglang napaupo. Tulog pa noon si Aileen at papalapit na sa kanya yung isa sa mga lalaking kumidnap samin.
“Teka anung gagawin nyo sa kanya? San nyo sya dadalhin?”
“Ano ba sa tingin mo? Babae siya, lalaki si boss.”
Nagising si Aileen at halos kaladkadin na nung lalake dahil ayaw niyang sumama. Hindi pwede to, kailangan pigilian ko.
“Pinapatay nila ang tatay mo diba?” Galit nanaman ang naramdaman ko. “Igaganti ka na ni boss”
Tumingin sakin si Aileen. Hindi ko pinansin.
|♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡|
Makalipas ang ilang oras bumukas muli ang pintuan ng kwarto. Halos maiyak na ko sa nakita ko, si Aileen, halos wala ng malay. Inaalalayan na syang lumakad nung lalaking kumuha sa kanya kanina. Yung damit nya punit punit na. Ang dami niyang sugat. Pag alis nung lalaki, pinilit ko siyang lapitan kaso hindi kaya dahil nakatali ang paa ko. Hindi na kasi siya gumagalaw. Minulat nya yung mga mata nya.
“Baby~” Tawag ko. Hindi ako sanay pero sinubukan ko. Mapagaan ko manlang ang pakiramdam nya matapos ng mga nangyari sa kanya.
“Alam mo bang 10 million ang hinihingi nila kapalit natin?” Hindi ako sumagot. Hindi yon ang gusto kong marinig.
“Ok lang ako. Wag kang mag alala” Ngumiti siya at tumalikod.
|♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡|
Dumaan ang 3 pang araw na ganon. Si Aileen nalang ang laging sinasaktan at pinagtritripan ng mga kumidnap sa amin. Suntok at sampal lang ang naaabot ko sa tuwing pinipigilan ko silang kunin si Aileen.
Hanggang sa isang umaga lumapit sakin si Aileen, ngumiti siya. Hinawakan nya yung kamay ko at my inilagay.
“Pasensya na babe ah” Sabi niya, alam ko ng may mali. “Hanggang dito nalang kita kayang protektahan”
Bago pa ko sumagot, pumasok na yung sundo nya. Lagi kasi siyang kinukuha para pahirapan at pagtripan. Pinigilan ko nanaman pero dahil sa nakatali ang paa ko, wala nanaman akong magawa.
Pag alis nila tinignan ko yung kamay ko, tinignan ko kung ano yung binigay nya. Dalawang susi. Yung isa para sa tali ko sa paa at yung isa para sa pintuan.
|♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡|
Hindi pwedeng ako lang ang makakalabas dito. Kailangan kasama siya. Sumilip ako sa labas ng kwarto, nung nakasigurado na akong wala ng tao, lumabas na ako at hinanap sya.
“Hoy! Pano ka nakatakas!” Sigaw nung isang lalaki sakin. Tumakbo ako palabas.
“Wag!!” Narinig kong sigaw ni Aileen. Lumingon ako, nakita kong pinipigilan niya yung mga humahabol sakin. Natutumba man sya sa mga sampal at bugbog na natatanggap nya, tumatayo parin siya para pigilan sila sa paghabol sakin.
Humarap siya sakin. “Tumakbo ka na!” Sigaw nya. At ang susunod nalang na narinig ko ay ang tunog ng baril. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.
Pakiramdam ko mamamatay na ako.
Tumulo ang mga luha nya.
Ngumiti.
Nagsimulang tumulo yung dugo nya mula sa ulo nya... sa noo nya.
Kinabahan na ko. Hindi ko kayang mawala sya.
“MAHAL KITA”
Ngumiti padin sya. Pagtapos nyang sabihin yon, unti-unti na syang pumikit at bumaksak. Tumakbo ako pabalik kay Aileen. Nagsitakbuhan na yung mga lalaking tauhan ng kumidnap samin.
“Aileen”
Ginigising ko sya pero wala na talaga. Hindi pwede. Sabay kaming makakalabas dito. At makakalabas kami ng buhay. Hindi pwede dahil gusto kong makabawi sa lahat ng nagawa ko.
Pero wala na siya..
“Pasensya na babe ah. Hanggang dito nalang kita kayang protektahan” Eto pala yung ibig niyang sabihin.
Nagawa nyang isakripisyo ang sarili nyang buhay para makatakas ako.
Hindi na maibabalik ang panahon at oras. Hindi ko naiparamdam kung gaano ko siya kamahal. Sinayang ko ang panahong kasama ko pa sya. At ngayon hinding hindi ko na siya makakapiling pa.
~End ~