A/N: halos lahat Aiden's POV :)
|♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡|
“Dito na sya titira”
“Pero Ma, ayoko sa kanya. At isa pa, hindi pa naman kami kasal”
“Napagkasunduan na namin yon. Gusto kang makausap ng tatay nya ngayon.”
|♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡|
Hindi pwede to. Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya. Hindi din sya pwedeng mahulog sakin dahil masasaktan lang sya.
Kakatok na sana ako sa pinto nang marinig kong my kausap si Mr. Estabillo, yung tatay ni Baboy.
“Kaya ko nga pinapatay si Lucero diba? Para makuha yung kumpanya nya.”
Sila ang nagpapatay kay Papa??
“Alam mo naming sila lang ang matinding kalaban natin sa industriyang ito.”
“So, anong balak nyo ngayon?” tanong nung kausap nya.
“Just imagine. Estabillo Company + Lucero Company? Malaking pera ang makukuha ko dyan!”
Umalis na ko. Hindi ko sya kayang harapin baka kung ano pa ang magawa ko.
Hindi ko alam na kayang manloko ng babaeng yon.