CHAPTER 5: GOODBYE...

0 0 0
                                    

Dennisse's POV

Kanina pa kami nandito sa hospital. Pumunta agad ako dito pagkatapos akong tawagan ni Mark. Nag-aalala ako para kay Aerika at the same time naaawa ako kila tita. Pagdating ko dito nakita ko na lang na iyak ng iyak sila tita, si Mark bumili lang daw ng makakain, si Luis hindi ko alam.

Hindi din namin alam kung bakit nasagasaan si Aerika basta sabi ng driver hindi daw nakatinggin si Aerika sa daan ng mawalan sya ng control. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa best friend pero isa lang nasa isip ko...may kinalaman si Luis dito.

"Tita, kain po muna kayo"

"Ok lang ako,ija sige mauna ka na"

Hanggang ngayon nakikita ko pa din sa mata ni tita yung sakit, lungkot, pagkaulila at pag-aalala para kay Aerika. It's been 2 hours since we arrived here and still nasa ER pa din sya.

Hindi ko din matanong si Mark tungkol sa nangyari. Hinaantay ko din si Luis para malaman kung bakit nangyari to kay Aerika pero walang Luis na dumadating...

Hindi ko kayang mag-antay lang dito habang yung best friend ko nag-aagaw buhay.

"Tita aalis po muna ako"

"Saan ka pupunta?"

"May kakausapin lang po"

"Mag-iingat ka huh?"

"Opo,babalik na lang po ako mamaya"

"Sige, ija"

"Una na po ako"

Kailangan kong maka-usap si Luis. Kailangan kong malamang kung anong nangyari sa kanila ni Aerika. Kailangan kong malaman ang lahat.

Mark's POV

"Tita, kamusta na po si Aerika?"

"Wala pa ding balita. Hindi pa kasi lumalabas yung doctor kaya hindi naman alam kung ano ng lagay ng anak namin."

"Sana maging maayos sya"

"Sana nga. Mark sabihin mo nga sa akin ano ba talaga nangyari kay Aerika?"

"Tita..."

"Please Mark, hindi na namin alam kung anong nangyayri sa anak namin. Hindi nga namin alam kung bakit sya nagkaganyan. Hindi na namin maalagaan yung anak namin"

Umiiyak na sabi ni tita. Sa totoo lang naaawa ako sa kanya. Naaawa ako kasi hirap na hirap na sya. Kanina nung pagdating nya dito umiiyak na sya hindi na din sya umalis para antayin lang yung doktor.

"Tita kasi po....."

flashback...

Kanina ko pa hinahanap si Aerika para mayaya syang lumabas pero hindi ko sya makita. I try to find her hanggang sa mapunta ako sa bench.

"Hahahahahahahahahahahahahahahahah!"

"Ganyan na ba tingin mo sa akin?"

Teka boses ni Aerika yun huh? Di ako pwedeng magkamali kilala ko boses nya kaya sinundan ko kung saan yun nanggagaling.

"Wala namang iba"

"Minahal mo ba ako,Luis?"

F*ck Aerika ano bang ginagawa mo? Bakit kailangan mong magmakawa sa kanya.

Alam ko lahat ng nangyayari sa kanya. May inupahan akong private investigator para malaman lahat ng ginagawa nya. Nalaman ko ding peke lang yung relationship nila pero totoong nagconfess si Aerika kay Luis.

FALLING INLOVE WITH THE PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon