CHAPTER 4: I'LL NEVER GIVE-UP....

0 0 0
                                    

Aerika's POV

The number you have dialled is out of coverage area, please try your call later...

God!! Luis please answer your phone!

The number you have dialled is out of coverage area,please try your call later...

Ugghhh! Bakit ayaw mong sagutin!

The number you have dialled is out of coverage area, please try your call later....

Luis pls kausapin mo ako!!

Pagkatapos naming mag-usap sa rooftop hinanap ko si Luis sa buong school kaso hindi ko sya makita, tinanong ko na din yung iba nyang kaibigan.. Hindi naman daw nila alam. I called at their house sabi wala pa daw sya kaya I try to call him kaso out of coverage.

Nag-aalala na ako sa kanya, gusto kong magpaliwanag dun sa pictures kaso sarado yung isip nya ngayon baka hindi nya ako pakinggan.

Ang tanga mo kasi Aerika eh! Bakit kasi pumayag ka dun di ba?!

Ugghh! Ito na naman eh! Oo na kasalanan ko na pero alam ko bang may taong galit sa akin??

Kailangan kong makita agad si Luis para makapag-explain sa kanya!

Nagdesisyon muna akong umuwi para makapagpahinga at  makapag-isip para makipag-usap sa kanya, pupuntahan  ko na lang sya bukas sa kanila tutal same village lang kami.

Tama!! Pupuntahan ko na lang sya sa kanila! Bakit di ko ba agad naisip yun?

Ang tanga kasi eh!

Oo na! Ako na talaga!....

~~

"Pasensya na, ija pero hindi pa kasi sya umuuwi eh.

" Ganun po ba? Sige po salamat"

Nasaan ka ba kasi Luis?

Pagkagising ko kanina dumiretso agad ako dito sa kanila Luis para sakaling maabutan ko sya dito kung aalis man sya kaso hindi naman sya umuwi.

God! Luis saan kita hahanapin?

Kahapon ko pa sya hinahanap pero di sya nagpaparamdam.. Kinakabahan na ako.

Kung ikaw si Luis, saan ka pupunta??

Tanong naman ng utak ko

Sa totoo lang wala akong maisip kasi hindi naman kami nagkakilala ng husto nung nagpapanggap pa kami. Oo nakilala ko yung totoong Luis pero sapat ba yung panahon na yun?

Bahay?

Wala nga...

School?

Wala nga...

Park?

Pumupunta ba sa park yun?...

Condo?

Pwede...

--ring--- --ring---

I pick up my phone.

"Hello?"

"Aerika sama ka sa amin!"

Si Dennisse lang pala...

"Hello Aerika?

"Hmm.. Ok sige, saan ba?"

"Sa -tooot-  bar na lang, dumiretso ka na lang huh? Biglaang nagyaya kasi Mia gusto makipag bonding kaya tinawagan kita agad"

FALLING INLOVE WITH THE PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon