CHAPTER 6 - Day with Him 1

42 2 3
                                    

CHAPTER 6 - Day with Him 1

Masakit ang ulo niya. Tumatakbo sya. Humihingi sya ng tulong ngunit walang dumarating. Papalapit na ito sa kanya. Papalapit...

"Huh !? Nasan ako? " tanong ni Hannah sa sarili. Di pamilyar sa kanya ang lugar. May pagkamagarbo ito at halatang mamahalin ang mga kagamitan sa kwarto. Malungkot ang kulay ng kwarto. Itim at may halong kaunting puti. Anung nangyari sa kanya? Pawis na pawis siya. Tiningnan niya ang kanyang kasuotan.

Ahhhhhh!!!!!

Anu to!? Di nya ito damit. Isang itong malaking puting polo. Parang panlalaki. Iyon at tanging undergarments lang ang suot nya.

Kaagad siya bumangon mula sa malambot na kama. At tumingin sa labas. Hinawi nya ang puting kurtina. Nakita nya ang labas mula roon. Nasa isa siyang napakataas na hotel sa Makati.

Wow ang ganda !!! Tanaw ang buong syudad. Parang lagam ang mga tao at ang lilit ng mga sasakyan.

Mga ilang minuto pa at nakaramdam sya ng tawag ng kalikasan.

Hala ! Nasaan ba yung cr? Ang sakit na nito. Feeling ko lalabas na.

Nakahawak siya sa kanyang puson. Lumabas sya ng silid at nakita niya ang magandang kusina at sala nito. Malapit sa kusina ay isang pinto. Dali-dali syang pumasok at nagbawas. Makailang segundo ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng shower. Ibinuga ang mainit na usok nito sabay paglabas ng isang lalaki. Una niyang nakita ang matitibay nitong bitin pataas ,di niya napigilang mapalunok , nakatapis ng towalya ang pribadong parte nito nakahinga sya ng maluwag. Sabay tingin uli sa dito at sa pagkakataong iyon ang abs at dibdib nito ang bumungad.

Lord, di mo sinabi sa cr lang pala makikita ang isang adonis. Ang kinis ng balat. Ang puti. Ang ganda ng mga muscles. >.<

"Like what you see? "

"Huh ?"

"Stop drooling over my body Hannah. Baka matunaw ako nyan. "

Nagulat sya kilala sya nito? At parang pamilyar din ang boses nito.

Napatingin sya sa lalaking ito at naalala nya ang kasalukuyang katayuan niya. Napatingin sya sarili at ulit sa nakasmirk na lalaki. Dumampot sya ng kahit anung bagay at binato sa lalaki.

"A-hhhhh! Ahhhhhhh!!!!! Lumabas ka dito !! Labas ! Pervert! Manyak ka Ryuu! Pervert! Pervert ka!"

Patuloy pa rin sya sa pagbato ng mga gamit. Nagagawa namang salagin ito ni Ryuu.

"Wait !? Who's pervert? Ikaw kaya tong pumasok sa cr ko ng walang paalam."

"Ang kapal mo! Lumabas ka na ! Pervert!"

"Hoy! Ikaw kaya itong pervert. Makatitig ka sa katawan ko. Naglalaway ka na nga oh!"

Napapunas naman si Hannah sa bibig niya. At narinig niya ang malakas nitong pagtawa.

"Okay. Sige na lalabas na ako. Maghilamos ka na rin may muta ka pa. Pipikit na rin ako sa paglabas kahit wala naman akong makikita sayo miss panda print."

Katulad nga ng sinabi nito ay lumabas ito ng nakapikit.

Panda print? Anung ibig niyang sabihin?

Mga ilang segundo pa ay...

"Manyak mo Ryuuuu!!!!!!! "

***

Paglabas niya ay nakita niyang nasa sala nito. Nakabihis ito ng white shirt at jogging pants may maliit rin itong tuwalya sa balikat. Kahit ganoon ang damit nito ay di sya mukhang basahan bagkus ay parang mas na dagdagan ang kakisigan nito.

Kimi Dake Wo (Only You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon