6

17 2 0
                                    

Hindi na namin namalayan ang oras napapasarap na rin ang inuman. Nakapaghapunan narin kaming apat. Inabot na kami ng alas onse ng gabi ngunit walang Lee na nagpakita kaya ang dalawang tukmol ayon at hindi maipinta ang mga pagmumuka.


" Pinuntahan mo ba sa kwarto ang mahal na prinsesa? Alas onse na pare hindi parin un kumakain. Hindi ba natin gigisingin?" Narinig ko na tanong ni Shaun kay Dan habang nag-uusap kaming dalawa ni Cy.


"Hindi ko siya nakita kanina. Nakalock ang kwarto hindi naman sumasagot. Tulog mantika talaga un kahit kailan. - Dan


"Sigurado ba kayong nasa kwarto lang siya? Hindi kaya umalis?" Singit ko sa kanila "Dis'oras na ng gabi baka nasa labas pa iyon, bakit hindi niyo tawagan ?"

"Oo nga pare" sabay na sagot ng dalawa

Saktong tatawagan na ni Dan si Lee ng may mapansin kaming Taxi na huminto sa gate netong bahay. Sa nakita ay agad na bumaba ang dalawang lalaki. Gusto kong matawa ng parehong hindi maipinta ang muka ng dalawang ngunit hindi ko na pinahalata baka magalit. haha.


Kawawa naman itong si Lee at pinagtutulungan ng dalawa niraratrat ng tanong hindi muna pinagpahinga pagkapasok na pagkapasok ayun sinabon kaagad.


Kesyo kung saan ito galing ? Sinong kasama, Bakit ngaun lang daw nakauwi at anong oras na at ngaun lang ito nakauwi. Tanging pagtawa lamang ng babae ang narinig kong tugon neto.

Hindi ako tsismoso sadyang malakas lang sila mag-usap. Napatawa nalang kaming dalawa ni Cy sa sinabi ni Dan na ewan ko sayo. Haha. Nangungunsumi yata ang kaibigan ko.


"Really pain in the ass! tsk!" Narinig kong sabi ni pareng Dan siya ang unang bumalik habang si Shaun naririnig namin nangungunsumi parin. Napatawa nalang ako.


" Mukang tinamaan na ang kaibigan ko ha" Sabi ko sabay tawa. Napapailing nalang ang loko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay sumunod narin si Shaun. Katulad ni Dan ay naghihimutok rin ito.

Tinawanan nalang namin at ung loko sinabayan pa kami.


Bumalik kami sa pag-iinom malapit ng mag alas dose ngunit wala pa kami sa kalahati. Hindi naman sa sunog baga kami napagusapan lang na ubisin ang dalawang case ng RH kundi hindi kami titigil. Kung ano ano lang rin ang napag-usapan namin. Kwentuhan ng mga kaganapan sa buhay noong mga panahong hindi kami nagkikita. Napag-alaman ko na sa UK palang eh magkakasama na pala sila sa bahay with so called Lee. Kaya pala hindi na nakagtataka na dito sa Pilipinas sa isang bubong nakatira ang tatlo.

"Matanong ko lang pare may mga bahay naman kayo bakit nagrent pa kayo? I mean pwede namang umuwi kayo sa inyo" Hindi ko mapigilang tanong sa dalawa

"Nasa province na sila mama, ako nalang ang nandito kaya nagrerent ako"- Shaun " Ito namang si Dan e ayaw kasama sa bahay ang bayaw niya doon na daw nakatira kaya ayun sumama samin." Dagdag pa neto


"Eh si Lee ?" Hindi ko mapigilang itanong.

"oo nga bakit kasama niyo si Lee dito "- Cyclo

Nagkibit lang balikat ang dalawa. Nagtataka man binitiwan ko nalang ang usapan.


..


" Mga pangit bakit pork adobo ang ulam ?" Rinig kong tanong ng boses. Siguro si Lee na iyon hindi ko makita ang mukha ng dalaga dahil nakatalikod ako sa pintuan.


"Magbukas ka nalang ng de lata" sagot naman ni pareng Dang. " Hindi siya kumakain ng pork pasensya na pare hindi kita nasabihan, hindi sa ayaw niya ng luto mo sadyang hindi lang siya kumakain nun."


"Ayos lang pare walang problema" "Parang si Charlie" sabay na sabi namin ni Cy.

Napatingin ako sa gawi niya at sabay naman angat ng tingin niya. Gulat na gulat ang Mukha niya na nakatingin sa akin o sa likod ko? Agad akong lumingon sa likod. Kulang ang salitang gulat sa nakita kong babaeng papunta sa pwesto ng mga kaibigan ko.

I was taken a back. I dont know what to say.

Literally I am speechless.

Mukha akong tanga na nakatingin sa likod ng babaeng matagal na panahon kong hinihintay. Hindi ko akalaing dito ko lang pala siya makikita. 6 years kong hinintay ang pagkakataong ito ngunit hindi ko parin alam kung anong gagawin ko. Tatawagin ko ba ? Yayakapin ko ba ? Hindi kaya mas magalit ito sa'kin kapag ginawa ko un. Nanginginig ang kamay ko pati narin ang mga tuhod ko. Ghad! Love ayaw mo talagang kalimutan kita at nagpakita ka kaagad?

"Cha -- rlie " boses ni Cy ang nagpabalik sakin sa realidad.

Agad na lumigon ang babae tulad naming dalawa gulat na gulat rin siya.


"Cyclo ? Oh my gosh really its you!" sabay punta kay Cyclo at yumakap ito.

WAIT FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon