9

6 2 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Wala akong pasok sa opisina dahil sabado. Pagkatapos maghilamos napagdesisyonan kong magjogging nalang. Hindi na rin ako lalayo dito na lamang ako tatakbo sa loob ng subdivision.

Wala naman akong masyadong gagawin sa araw na ito pagkatapos kong magjogging magpapahinga lamang ako at uuwi sa bahay ni Mom. Matagal tagal na rin nang huli akong dumalaw sa kanila.

Tamang bonding lang sa mga pinsan kong nagkataon ay naroon din sa bahay. Nagkumustahan sa mga trabaho at kung anong ganap sa kanya kanya naming buhay dahil hindi na kami madalas na nagkikita. Naglaro lang kami ng Call of Duty maghapon at pagsapit ng alas singko nagpaalam na akong umalis.

Ayaw pa sana akong pauwiin ni Mom dahil sabado naman daw at wala akong pasok. Sinabi ko nalang na may lakad ako at babalik na lamang sa linggo.

Sa isang tindahan sa kanto ko na lamang susunduin si Cy. Hindi na ako dadaan sa kanilang bahay para hindi na kami matagalan pa. Doon nalang din kami maghahapunan kela Dan tutal doon naman ang inoman.

Traffic na nang papunta kami kela Dan kaya medyo natagalan. Habang nasa kotse hindi mapigilan ni Cy na pag-usapan si Charlie. Wala daw halos pinagbago maliban sa gumanda siya lalo. Pinagpapantasyahan pa yata neto ang mahal ko ha.

"Pero pre paano kung magkita kayo ulit mamaya?" Tanong ni Cy na nagpatawa saakin.

"Hindi maiiwasan yun pre doon siya nakatira nakalimutan mo na ba?"

"Paano nga anong gagawin mo?"

"Hindi ko alam pre."

Humalakhak lang ang loko.
"Baka matulala ka nanaman walang mangyayari sainyo kung wala kang gagawin."

Tama si Cy walang mangyayari sa amin kung tutulala lang ako kapag nakita kita. Huwag sana akong pangunahan ng kaba at hiya kapag nakaharap na kita. Marami tayong dapat pag-usapan.


Alas otso na kami nakarating sa Apartment nila Dan. Ang tahimik parin ng lugar. Tanging mga lagaslas ng dahon lamang ang maririnig mong tunog mistulang horror movie na napanood ko. Natawa ako sa naiisip ko.

Bukas ang gate at pintuan ng Apartment pumasok na lamang kami ni Cy hindi na kumatok pa. Naabutan naming naghahanda ng hapunan si Shaun at si Dan ng kami'y nakarating sa kusina.

"O pre nandito na pala kayo tamang tama ang dating ninyo" Dan "Kumain na muna tayo."

Umupo na kami ni Cy sumunod na rin ang dalawang lalake. Nagsisimula na kaming kumain ng magtanong si Cy.

"Si Nathalie hindi ba siya sasabay?"

"Hindi. Sa labas na un kakain." Si Shaun na sumama bigla ang timpla

"Umalis pala siya." Sabi ni Cy. Nakikinig lamang ako sa usapan nila hindi na ko nakisali pa. Natagalan kaming matapos kumain dahil nagkukwentuhan sila ng kung ano ano lang. Kwento, tawa, kwento, tawanan hanggang sa magpasyang tapusin maghugas na ng pinagkainan.

Paakyat na ako sa Balcony ng Apartment nila ng may narinig kaming makina ng sasakyan. Nagpatuloy ako sa pag-akyat. Mula sa taas nakita kong huminto ang sasakyan sa gate netong Apartment. May bumabang lalake mula sa sasakyan papaunta sa passenger seat at parang madudurog ang puso ko sa nakikita ko. Ang babaeng lumabas mula sa passenger seat ang babaeng pinakamamahal ko.

WAIT FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon