8

2 2 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas nang huli tayong magkita. Naging busy ako sa trabaho kaya hindi nakakasama sa gimik ng barkada. Sobrang aga kung pumasok sa office at uuwi ng sobrang late na rin. Mabuti na rin ang ganito kahit papano nawawala ka sa isip ko.

Hindi pa tayo nag-uusap simula nang bumalik ka. Pangako kapag natapos tong project na to mag-uusap tayo. I can't wait to see you my love.

Break time ng mabasa ko ang text mula kay Dan.
Dan: Inom tayo pre dito s bahay ulit. Hahaha  tagal na nating hindi nagkikita.
Me: Sige pre bukas ng gabi para walang pasok kinabukasan.

Niyaya ko na'rin si Cy para may makasama mukhang gusto pa yata sumama ng asawa. Sinabi ko na lamang na sa ibang araw na lang siyang dumalaw sa kaibigan niya dahil gabi na kami pupunta doon. Walang mag-aalaga sa mga bata kung dalawa pa silang aalis.

Maaga akong nakauwi ngaung araw nakapagtataka at natapos ko kaagad ang ginagawa na hindi namamalayan. Sabik siguro akong makita si Charlie kaya ganadong ganado akong matapos ang proyekto.

Hindi na muna ako umuwi sa Apartment ko napagdesisyonan kong dito na kela Cyclo at Mags maghapunan. Tinatamad na akong magluto pagod ako maghapon sa opisina.

Maingay sa tahanan nila ng dumating ako. Iyak ng iyak ang bunso nila na karga karga ni Cyclo. Kinuha ko na sa kanya ang bata kahit pagod at buti naman tumahan ng kinarga ko na.

"Bakit umiiyak to pre?"

"Hindi pa rin kasi umuuwi ang Mama niya hinahanap na ng bata." Cy habang kumakamot ng ulo

"Saan ba nagpunta?"

"Alam mo pre hindi ko rin alam. Ang sabi niya may pupuntahan lang daw siyang importante."

"Bakit hindi mo alam asawa ka ?" Naiinis na tanong ko kay Cy " Hindi ba dapat sinabi niya kung saan siya pupunta?"

"Paulit ulit ka naman pre e" Sabi ni Cy na naiinis na rin. Tara kumain nalang tayo.

Dahil gutom na rin ako at ang makikain talaga ang sadya ko sa kanila sumunod na ko sa hapag.

Buti kahit wala si Mags nakapagluto muna bago umalis. Masarap talaga magluto tong asawa ng beat friend ko  naparami tuloy ang kain ko.

Ako na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan naming dalawa. Si Cy naman pinapatulog na ang mga anak niya. May anak na rin kaya kami ni Charlie kung hindi siya umalis ? Haha ano ba naman tong mga pinag-iisip ko.

Alas onse na ng gabi nakauwi si Mags nakapagtataka at nakangiti ang babae habang kumukuha ng galon ng tubig ref.

"Masaya ako ngaun Wynd. Ang saya saya ko hahaha" Sumasayaw sayaw pa ang babae habang tumatawa

"Masaya ka kasi tulog na ang mga makukulit hindi ka na mahihirapan magpatulog." Sagit ko naman sa kanya

"Basta masaya ako."Mags

Hinayaan ko na lamang magsalita ang isa habang tumatawa. Parang nababaliw na yata ang asawa ng kaibigan ko. Yung ibang kinukwento hindi ko na naiintindihan basta pauliit ulit niyang sinasabing masaya siya ngaun. Nagkunwari na lamang akong nakikinig sa mga sinasabi niya kahit wala na kong naiintindihan.

Pagkatapos kong punasan ang mga nahugasan nagpaalam na rin ako sa mag-asawang uuwi na.

WAIT FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon