CHAPTER 1

127 4 3
                                    

Kim Luke Dela Cruz

KRIIIIIIIIIIIIIIIING.......
KRIIIIIIIIIIIIIIIING......
KRIIIIIIIIIIIIIIIING......


Kinapa ko ang nag aalarm na orasan sa side table ng maliit na kwarto ng tinutulugan ko. Bumangon ako at nag lakad na parang wala sa sarili patungong CR. Puyat ako dahil sa pag babasa ng paborito kong comics sa Internet.  


Pagkatapos kong maligo ay narinig ko ang marahang katok ni mama mula sa labas ng kwarto ko. "Jade anak! Gising ka naba? May pasok ka pa, bumaba ka na ha." 


"Opo ma, susunod po ako." Sabi ko at mabilis din na nagbihis. Sinoot ko yung white plain tshirt ko na hindi gano'n ka fit sa akin, bago ipinatong yung black oversized checked jacket. Sa pang ibaba naman ay ang simpleng darkgreen cargo pants at 'yong black old school kong vans.


Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng kama, at ang earphones ko na nakakalat kung saan, bago naglakad sa likod ng pinto at kinuha ang itim na ball cap ko doon.


Hindi ko na matandaan kung kailan pa nagbago ang timpla ko sa pananamit. Basta komportable ako ay wala na akong pakealam kahit baduy o hindi maganda ang itsura ko  para sa paningin ng ibang tao. 


"Magandang umaga mga mahal kong nilalang." Nakangiting bungad ko ng maabutan sa hapag ang aking ina, at ang dalawa kong kapatid na lalaki.


Nakita ko ang pag angat nila ng ulo, at nginisian ko lang sila bago tumabi kay mama na nilalagyan ng pagkain ang plato sa harapan ko. "Kumain ka nang kumain Jade, at ihahatid ka ng mga kuya mo sa school." 


Kumunot ang noo ko, at binalingan ang  ngumunguyang si Jassell. Tinapunan n'ya ako ng tingin dahil alam nya ang ibig kong sabihin. Nilunok n'ya ang kung anong nasa bibig n'ya para makapag salita. 


"Ihahatid ka namin ni Kuya Justin, dahil iisang way lang naman ang dadaanan natin." Aniya at muling sumubo ng kanin. 


Agad naman akong napatalon nang marinig ko ang marahang sigaw ni kuya Justin na s'yang panganay samin. "Jade! Basang-basa pa 'yong buhok mo. Hindi ba pwedeng patuyuin mo muna 'yan bago ka lumabas ng kwarto mo?" Saway sakin ni Kuya Justin, na medyo iritado dahil sa tumutulong tubig sa buhok ko.


"Eh hindi naman talaga babae 'yan eh. Tignan  mo at parang mas lalaki pa sa atin kung manamit." Panunuya ni Jaselle. Humalakhak s'ya kaya naman sinamaan ko s'ya ng tingin.  

Muli akong bumaling kay kuya Justin. "Opo, ito na." Sarkastikong sabi ko bago bumalik sa taas para magpatuyo ng buhok. 


Ilang sandali at bumaba din ako at pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa magpasya na kaming umalis.


"Sige ma, mauna na kami at baka ma'late pa si Jade sa klase." Sabi ni kuya Justin bago kinuha ang bag n'ya. 


"Sige Justin, mag ingat sa pagdadrive. Mag ingat kayo." Nilapitan ko si mama at hinalikan s'ya sa pisngi. Si mama na lang ang natira sa amin, hindi ko alam kung sa'n naroon ang aming ama. 

KAKAIBABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon