CHAPTER 2

69 2 0
                                    

Mayabang

Kasalukuyan akong nasa faculty room, na atasan akong i-record ang mga pangalan nang mga late enrollees, at transferees dito sa Yonsei University. Isa ang school na 'to sa pinaka mayaman at kilalang paaralan dito sa 'syudad. Mayayaman, at halos mga high profile ang mga tao dito, kaya't ganun na lang nila ituring ang mga studyanteng talino lamang ang ginamit para makapasok dito.

Isa na ako sa mga 'yon. May iba pa akong option na piliing pasukan no'ng una. Wala sa listahan ko ang school na 'to. Ayaw kong maging pabigat sa mga kapatid ko, kaya naman sinubukan kong mag apply sa scholarship ng iba't ibang school. Pinalad ako at nakapasok ako dito.

Nabalik ako sa riyalidad nang nahulog ang isang folder. Pinulot ko ito at halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko ng makita ko ang laman sa loob nito. 

Mas matalino pa ata si Paul sa taong 'to. 

Natawa ako sa sariling naisip, nakita ko kasi ang isang form na may mga mababang marka mula sa isang transferred student. Panigurado ay mayaman ang isang 'to  kung kaya't gano'n na lang bigyan ng halaga ang walang ka kwenta kwentang mga grado ng isang 'yon.

Mabilis ko nang tinapos ang ginagawa ko. May usapan kami ng tropa na tatambay kami sa 'ming hangout place.

Napabuntong hininga akong naglalakad ng may isang lalaki ang humarang sa harap ko. Naglahad s'ya ng isang kulay purple na papel. Maganda ang design nito. Kumunot ang noo ko.

"Pwede ba kitang mayayang lumabas sa Sunday?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Sinulyapan ko s'ya at pinasadahan ng tingin. Matangkad, naka soot s'ya ng uniform. Makisig, maputi. Masasabi kong gwapo. Pero kinunutan ko s'ya ng noo.

"Ayos ka lang? Maling tao ata ang inaaya mo."

Mula sa pagkakayuko ay tinunghay n'ya ang paningin sa 'kin. Pumula ang pisngi n'ya at nag iwas ng tingin.

"Jade. I'm Nick. I-I just want to invite you for lunch this coming Sunday." Muling pumula ang pisngi n'ya. Nakalahad pa din ang  papel na masasabi kong isang love letter.

"Nope."

Tinalikuran ko s'ya. Batid kong mula sa kan'yang tindig. Mayaman, kaya naman alam kong pinag t'tripan lamang ako ng isang 'yon.

"Hoy Jade, sino 'yon?" Bungad ni Paul na kararating lang din sa tambayan. Nakita ata n'ya ang nangyari.

Umupo ako sa tabi ni Rian. "Ewan, isa nanaman sigurong alagad ni Eloisa." Tamad na sagot ko.

Nakita ko ang pagtataka ng sa mukha ni James na umiinom ng milktea, gaya ni Matt . "Anong pinag uusapan n'yo?"

Kinwento ko ang nangyari sa kanila, kaya naman ako ang naging bida sa usapang pinamumunuan ni James at Paul.

"Iba din. Kahit lalaki ang dating ay madami pa din ang nabibighani sayo Jade." Humalakhak s'ya.

"Pang apat na ata 'yon sa tinanggihan mo." Ngumisi si Paul bago ako inakbayan.

"She's pretty. Normal na madaming magkagusto sa kan'ya kahit pa gan'yan ang porma n'ya." Ani Rian na nanliliit ang matang nakatingin sa 'kin.

"Tumigil nga kayo." Inirapan ko sila.

"Alam n'yo na ba?" Natahimik kami ng magsalita si Matt. Nagkatinginan kami sa pagtataka. Itinaas n'ya ang salamin. "Nabalitaan kong, lumipat dito ang anak ng may ari ng school."

"Eh ano naman ngayon?" Nakapikit si Paul habang nakahiga sa lap ko.

"Wala naman ang may paki, 'pre." Tatawa tawang si James.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAKAIBABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon