Chapter 3: friends

44 0 2
                                    


Nandito Na kami ngayon sa bahay umuwi Na kami dahil sinabi ko sakanila Na masama ang pakiramdam ko. Hanggang ngayon Hindi ko parin makalimutan yung pinag-usapan namin kanina ni Russel, may iba syang gusto? Edi fine! Magsama sila!!. Nung narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto ko, agad kong pinunasan ang luha ko, oo kanina pako umiiyak. Linuwa naman ng pintuan ko yung dalawa kong kaibigan si Sidney at Eiffel.

"Bestie umiiyak kaba?" Tanong ni Eiffel, ganon Na ba kahalata? Ganon naba kahalata yung nararandaman ko?.

"Huh?.... Hindi ah" patay malisya kong sagot sakanila, mukhang di ko sila napaniwala ah.

"Magsinungaling kana sa iba wag lang sa amin bestie, alam namin kapag umiiyak ka kaya wag mo nang itanggi, bakit ka ba umiiyak?" Sabi naman ni Sidney at umupo silang dalawa sa kama ko at tumabi sakin.

"Kasi.....kasi tinanong ako ni Russel kung gusto ko daw ba talaga sya at ang sabi ko oo, kaso sabi nya may iba nadaw syang gusto" sumandal ako sa dibdib ni Eiffel at humagulgol ng iyak, pinabayaan nya lang akong sumandal sakanya at hinimas-himas nya ang likod ko.

"Langyang kuya ko nayan!! tara Eiffel resbakan Na natin yan!!" Natawa naman ako bigla sa sinabi ni Sidney, hay..... Sya talaga ang protective bestfriend nya.

"Oo nga Sidney tara Na!! Resbakan Na natin yang kuya mo nayan!!" Haha eto talagang mga kaibigan ko ang pro-protective sakin. Habang si Eiffel naman ay kunwari sinusuntok-suntok Pa ang palad nya Na parang ready nang makipag suntukan.

"Hahaha kayo talaga alam nyo kung paano ako patawanin kapag umiiyak at may problema ako. Kaya nga love Na love ko kayo mga bestie eh!" Sabi ko sakanila at bigla namang sumigaw si Sidney ng

"Group hug!!!!" At nagyakapan kaming tatlo.

"Uy oo nga pala sila Dianne nanjan kaya dalian mo Na at mag-ayos kana. Cge una Na kami ni Eiffel sa baba ah!" Sabi ni Sidney at hinatak Na si Eiffel pababa. Ay oo nga pala!! Sila yung nakita namin kanina sa resto. Namiss ko sila ah, matagal-tagal narin kasi kaming di nagkaka-kita kita dahil naghiwalay Na kami pagkatapos namin ng elementary. Nag-ayos Na ako agad dahil exited nakong makita ulit sila. Hindi kasi kami nakapag-usap kanina sa resto dahil nga di nako komportable na makita at makatabi si Russel. Angel MOVE ON!!.

Bumaba nako Sa sala at agad naman akong sinalubong nila Dianne, Justyn, Macky, Jeanne, Aileen, Marcus at si Yasmen. Bat wala atang couple ngayon si Yasmen LQ ba sila ni Joshua? Hay....yung Joshua talaga nayun ang labo hay...

"Hi bestie!!" -Dianne

"Kamusta kana bestie?" -Justyn

"Pogi parin ba ako bestie?" -Macky

"Dyosa ka paren hanggang ngayon bestie!!" -Jeanne

"May pagkain ka ba dyan bestie?" -Aileen

"May aircon ba dito bestie ang init eh" -Marcus

"Hi bestie hanggang ngayon maganda paren pala ako sayo!" -Yasmen

"Wait!! Wait lang!! Isa Isa lang ok.... ok?!!" At salamat naman tumahimik nadin sila.

"Hi din Bestie!" Sabi ko Kay Dianne

"Ok naman ako bestie, eto dyosa paren" sabay kindat ^__< at nag-inarte naman ng parang nasusuka ang loko!! Sya nalang nga nangangamusta tapos ganon PA reaksyon nya? Hay....

"Ahmm..... Bahagya lang bestie haha" sagot ko Kay Macky, haha nakakatawa yung reaksyon ng face nya, yung parang galit na di mo malaman yung reaksyon hahaha baliw talaga sya!!

"Hay.... Jeanne dati ko pa yan alam, wala pa nga ako sa mundo alam ko ng dyosa ako eh" sabi ko naman kay Jeanne.

"Hay.... Ikaw talaga Aileen D ka paren nagbabago noh? Matakaw ka paren katulad ni Sidney, nasa ref kuha kanalang dyan" sabi ko kay Aileen at tumingin kay Sidney hala!! Baka matunaw ako nyan Sidney, ang sama ng tingin Nya sakin.

"San ka bang galing bansa Marcus? Bakit ang hilig mo sa malamig huh? Superhero ka na ba ngayon?" Sunod-sunod kong tanong sakanya at bigla naman syang sumagot.

"Hindi kaya ako superhero bestie Tao lang naman ako Na masyadong sensitive sa balat" hay..... Minsan nagtatanong ko nalang sa sarili ko Na bakit kaya to nagustuhan ni Aileen? Oo sila ni Aileen noong una ayaw pang magtapat ni marcus, pero sa wakas narealize din nya Na may gusto pala sya kay Aileen at nagtapat ang loko sa chat! At ganon din naman si Aileen.

"Yuck bestie ah..... Yuck kaya.... baka nakakalimutan mo oo maganda ka pero marerealize mo nalang Na isang araw di kan pala nya mahal at masasak--" di ko Na natapos kasi biglang sumabat si Yasmen.

"Wait lang nga bat napunta yung usapan natin sa love huh?" Ay oo nga pala napunta nanaman kami sa love, hehe pasensya Na may pinanghuhugutan yung Lola eh.

"H-ha wala balik Na tayo sa usapan kanina. Miss ko Na kayo mga bestie!!!" Pag wawalang malisya kong sagot Kay Dianne.

"No! Hindi pwede! sabihin mo muna samin kung sino yung pinanghuhugutan mo!" Sabay sabay nilang sabi, maliban Kari Sidney at Eiffel, naku po! Patay ang Lola nyo. Tinignan ko bigla yung dalawa at binigyan ng tingin Na nagsasabing kayo na ang magsabi sakanila look, hay..... Buti naman nagets nila kung Hindi lagot ako.

"Ganito kasi yon guys"  nag-aalangan na tumingin sa kin yung dalawa at binigyan ako ng tingin Na nagsasabing lagot ka samin mamaya look, hala!! Kinabahan ako lalo! Mas lalo akong patay ngayon nganga!!.

"Ahmm.... Papano bato sasabihin?" Pagsisimula ni Eiffel Na parang kinakabahan at tumingin nanaman sakin Na nagsasabing lagot ka talaga sakin mamaya haha oo na lagot nako.

"Dali Na!!!" Sabay sabay nanaman nilang sabi. At parang nagulat naman yung dalawa kaya nasabi nila ng mabilis at di man lang nagpapaliwanag gaya nito

"Waaaah!! sabi kasi kanina ni Russel Kay Angel Na may gusto syang iba!!! Oh yan ok naba?!! Kung makapang-sigaw kayo dyan wagas!!" Ang bilis ng pagkakasabi nung dalawa kaya nagulat naman yung pito at napatingin sakin ng diretso. Hala!! Kinakabahan naman ako.

"Ah... Yun pala yung dahilan" sabi nilang lahat maliban dun sa dlawa.

"Oo yun nga!! Oh ano masaya Na kayo? Kasi nalaman nyo Na?!!" Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ko at humagulgol ng iyak, wala Na akong pakialam sakanila kung ano man ang naging reaksyon nila. Basta nasasaktan lang ako.

Itutuloy....


The Playboys LoveWhere stories live. Discover now