Angel POV
Nandito nga pala kami ngayon sa dorm ng dalawa kong kaibigan sila Eiffel at Sidney. Dito ako matutulog ngayon dahil sabi daw nila mama wala naman daw akong gagawin don, aasarin lang ako ng magaling kong kapatid Na si Lance. Nandito kami ngayon sa sala nanonood kami ng tv, wala kasi kaming magawa.
“hoy mga bestie exited naba kayo sa school bukas?” tanong ni Eiffel. Oo nga pala bukas papasok Na kami sa highschool, 2nd year kaming tatlo.
“Ehem! Bakit parang exited ka dyan bestie?" Tumingin naman sakin yung dalawa, tinignan ko si Sidney at nakangiti lang sya sakin alam Na cguro nito yung iniisip ko.
“wala Na kayong pake don!" Tignan mo to ang bipolar talaga, kanina lang exited tapos ngayon nagagalit.
“Ay! Oo nga pala doon din pala mag-aaral si kuya" pagpaparinig ko Kay Eiffel, bigla naman syang humarap sakin. Huli ka balbon!
"Si Lance? Doon din mag-aaral?!" Tanong nya sakin. Tumango naman ako.
“oo bakit?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
“sige tulog nako! Magbea-beauty rest muna ako para naman mapansin ako bukas ni Lance" Nako naman ang bilis talagang magbago ng mood non!
"Hoy bestie alam mo nakakahalata nako dyan eh" sabi naman ni Sidney.
“ano naman nahahalata mo bestie? Tanong ko sakanya.
“di mo ba napapansin Kay Eiffel parang nagda-diet at nagpapaganda? Parang nagpapapansin Kay Lance?” sagot nya.
"Hoy! Mga bestie naririnig ko kayo dyan!" Sigaw ni Eiffel mula sa kwarto niya or sabihin Na nating kwarto namin. Natawa naman kaming dalawa ni Sidney.
*****
Nasa labas nako ngayon ang tagal kasing mag-ayos ng dalawang yon or sabihin na nating magpaganda. Ako? Kahit hindi nako magpaganda, maganda nako madami ngang nagkaka-crush sa akin sa school dati eh kaya nabansagan akong campus crush.
Hay.... After 14527986 years napatos nading mag-ayos yung dalawa kong kaibigan.
“mahuli sya magdra-drive ng car!" Sigaw ni Sidney habang nakikipag-unahan kay Eiffel papunta sa kotse.
"Nauna ako!" Sabi ni Sidney habang hingal Na hingal Na nakahawak sa kotse.
Pumasok Na kami sa kotse. Si Eiffel ang nagdra-drive ngayon dahil natalo sya kanina sa pakikipag-unahan Kay Sidney. Kami naman dito ni Sidney ay pasarap lang. Ako naka headset habang nakikinig ng mga kanta ng Air Supply, si Sidney naman nag-lalaro ng games sa iPod nya ang childish talaga nitong kaibigan ko.
Magpaparking Na sana kami kaso may sumingit naman Na isa pang kotse Wow! Yaman ah! Montero yung tatak ng kotse! Nila pero mas mayaman kami ;-) Bumaba naman kami nila Eiffel, bumaba din yung mga nakasakay sa Montero, aba! Hala sila kuya! Gaya-gaya lang ang peg?
>___<
>___<
>___<
Waaaaaah!!! Sila kuya Lance, Russel at Jake?!!
“hi lil!! sis miss me?" Tanong naman nitong magaling kong kuya. Ouch! Ang sakit ah, ang sakit mangurot nitong si bestie ah kapag yung maganda kong katawan nag-kapasa lagot sya sakin!!
“miss me mukha mo kuya!" Sigaw at irap ko sakanya.
“hi Angel" waaaah!!! Nag-hi sakin si Russel!! >__<
“h-hi din R-russel" sagot ko sakanya Na nauutal, cgurado ako pinagtatawanan nanaman ako nito ng mga kaibigan ko.
“haha ang cute mo talaga kapag nagblu-blush Angel" atsaka nya ako kinurot sa pisngi, hinawakan ko naman ang mukha ko ang init!! Ikaw kasi Russel eh! Pinapakilig mo ko!! >__<
YOU ARE READING
The Playboys Love
Fiksi RemajaTatlong lalaking mapaglaro ng puso at tatlong babaeng matitino. May pag-asa kayng magka-ayos silang anim?