Oh diba nagpromise ako na gagawin ko to after ng BTS hehehe ito na siya eheheh
________________________________________________________________________________
[Haruhi's POV]
"Kyaaaaa Oh my God!! Iputok mo na!! Ahhh!! Bilis tira pa!! Tira pa!!! Ayan!! Lalabas na siya! Bilis!!!"
Hinahabol kami ng tank.. Naglalaro kami ng left for dead.. BWahahah pasensya ganyan ako kaingay maglaro.. Minsan nga nababatukan na ako ni kuya ehh.. Bonding kasi namin talaga ang computer.. Pati yung DOTA.. Kaso loser ako lagi pag nag 1v1 kami.. Siya na magaling magDOTA. Actually may DOTA tournament siyang sinalihan.. Siyempre panalo siya.
Pero ito na ang huling laro namin ngayon.. Nakakalungkot nga ehh.. Aalis na kasi ako mag-aaral ako sa ibang planeta.. Este ibang lugar.. Yung tita ko kasi ang may ari nung College na papasukan ko.. Sabi niya libre na daw ang aral ko pag doon ako nag-aral.. Saka sosyal yung school na yun, super private school.. Mamaya maka dekwat pa ako ng mayaman doon. Bwahahah siyempre joke lang yun. Saka never pa akong na-inlove, although maraming nanliligaw sa akin.. Binabasted ko lang baka kasi maligaw lang sila ng landas hahaha..
After naming maglaro ehh hinatid na ako ni kuya sa boarding house nung school. Actually medyo kinakabahan ako ehh.. Kasi puro lalake ang kasama ko sa boarding house.. As far as I know limang lalake sila doon.. At wala akong nagawa, dahil ayun nalang ang available na boarding house sa school na mura at safe, kasi nagkalat ang security guards sa school pag gabi, sabi ni tita... Actually sosyal yung boarding house na yun, kasi naman hindi siya normal na bahay, para siyang villa na pang mayaman per maliit lang.. Three rooms.. Meaning yung isa sa kanila ehh ka-room mate ko!! (__ __) baka naman ma-rape ako doon? Nauna na nga pala ang mga gamit ko doon.. Except ang underwears ko.. Siyempre dala ko yun.. Baka kung ano pang gawin ng mga lalake na yun diba?
"Haruhi hindi na kita ihahatid papasok ahh, late na kas ako sa work ko ehh.."
"Sige kuya Sendo.." niyakap ko siya ng mahigpit.. "Bibisitahin mo ako dito ahh.. gusto ko every week o kaya everyday.."
Napatawa "Sige ba hahaha.." actually nagdalawang isip pang pumayag si kuya Sendo sa boarding house, kasi nga puro lalake.. Ako nalang ang pumilit kasi gusto ko talaga mag-aral doon.. BTW sa bundok nga pala tong school kaya walang dorm sa paligid.. Hindi naman ako pwedeng ihatid sundo ng kotse katulad nung ibang estudyante.. Hind naman kasi kami kayamanan.. Sa abroad nagttrabaho ang mom ko, sa isang sikat na hotel sa Dubai. Tapos si daddy manga artist sa Japan.. Kaya eversince the world began, kami na ni kuya magkasama.. First time naming magkakahiwalay.. Isa rin na reason kaya pumayag akong mag-aral dito, para makapag hanap na ng sintang irog si kuya, sa sobrang busy niya sa pag-aalaga sa akin ehh hindi na nagka-girlfriend. Odiba ayos.. Oh sino gusto maging boyfriend ng kuya ko diyan??? ehehe gwapo yun promise, saka hindi lang six pack abs nun.. Eight pack.. bwahaha isa siyang Civil Engineer slash Model.. Ganda ng sideline niya no?
Anyway nagpaalam na ako kay kuya at umalis na siya... Ako naman papasok na sa boarding house.. Dadahan dahan kong binukas yung pinto..
May naririnig akong naglalaro ng games.. Tapos parang barilan.. Waaaa naglalaro sila ng games sali ako!! Mukhang mag eenjoy ako dito.. Ako na excited haha..
Dahan dahan akong lumakad papunta sa sala.. Then I saw five guys.. Natigil sila sa paglalaro nung nakita nila ako.. "I saw her first!!" Nanlaki ang mga mata ako.. Para silang pack ng mga hot na hot na werewolves na kumaripas ng takbo papalapit sa akin. Then next thing I know, pinalibutan na nila ako...
"Hi miss pwedeng makipagkilala?" sabi nung isang guy na malalim ang mata.
"Hi miss ang ganda mo naman pwede ka bang ligawan?" sabi nung guy na may Beats na headset.
Jusmiyo mga manyak ata itong napasukan kong bahay.. "Miss tulungan na kita sa gamit mo.." Sabi nung guy na may seductive eyes. Kinuha niya yung dala kong bag.. Oyy teka sandali lang.. Iba laman niyan..
"Oyy ako na magdadala niyan.." sabi nung isang guy na may salamin.. Nag-aagawan na sila sa bag ko.. Waaaaa wag!! hindi na ako makapag react ng ayos.. Nawiwindang na ako.. "SINABING AKO NA EHH!!" nilakasan niya yung hatak, tapos nabitawan nung kaagaw niya yung bag.. Napaurong siya tapos umitsa yung bag.. Bumukas at sumabog sa flooring yung laman..
O////O I was literally blushing.. Nakakahiya.. Yung mga panty at bra ko nagkalat sa flooring.. Speechless ako ng sobra.. Tapos pinulot ko ng mabilis yung mga underwear ko tapos umakyat ako sa second floor ng dali dali.. My God nakakahiya!!!
"Pink na pinto, pink na pinto.." sabi ko sa sarili ko.. Ayun nga pala yung kulay ng pinto ng room ko.. Ayun ang sabi sa akin nung may ari ng boarding house. Nasa dulo ng hallway sa second floor ang room ko.. Dali dali akong pumasok ng kwarto ko at ni-lock ko yung pinto.. "Josme mga rapist ata ang kasama ko ehh.. Goodluck sa akin..
[End of intro]

BINABASA MO ANG
Starving for Love (on hold)
RomansaPaano kung ikaw nalang ang natitirang babae sa mundo? At may limang lalakeng na in love sa'yo?? Pero siyempre joke lang yun.. Si Haruhi ay isang first year college student, at namali siya ng boarding house na pinasukan. Dahil limang lalakeng malalak...