Chapter 3

12.7K 470 19
                                    

"I have a good news, bro." Bungad ni Gabriel na basta na lamang pumasok sa opisina ni Matt.

"What's this time, Gabriel? Busy ako, kaya siguraduhin mong magandang balita ang dala mo." Itinabi ni Matt ang ginagawa.

Tinapunan niya ng tingin ang kapatid na naka-dikwatro sa harap.

"She's back." Gab said with a naughty smile playing on the corner of his lips.

"Who?" Kunot noong tanong niya.

"Sino ba sa tingin mo? Edi, ang long lost love of your life mo!"

Umiling siya, kinuha ang ballpen at pinaglaruan ang dulo.

"Si Shailine?"

Gabriel smirk like a villain, "gago ka kasi, sinaktan mo 'yung tao."

Yumuko si Matt upang kunin ang nalaglag na takip ng ballpen, ibinato niya iyon sa kapatid na alerto naman sa pagsalo.

"Alam mong planado ang nangyari, hindi ko gusto ang ginawa ko. Sa tingin mo ba, gusto kong saktan siya? Hindi, Gabriel. Ginawa ko 'yun para marating niya ang kung ano ang meron siya ngayon at hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Alam kung galit na galit pa rin s'ya sa'kin hanggang ngayon."

"Kahit na ikaw naman ang nagdurusa sa bawat araw na lumilipas? Eh, kung nakipaghiwalay kana lang sana ng maayos noon, di 'yung may nalalaman ka pang lukohan, tss!" Matalim na tingin ang ibinigay ni Matt sa kapatid, na prenting naka-upo, "bakla ka rin kasi," sa pagkakataong iyon ay ang ballpen nang hawak ang ibinato niya kay Gab. Nakailag naman ang huli at mapang-uyam na ngumisi, "anyway, 90th birthday pala ng lolo ni Shailine bukas at death anniversary na rin yata ng lola niya and guess what?" Masamang tinitigan niya si Gabriel, "we are invited. Get ready of yourself, bro 'coz you're into trouble."

He loosen up the necktie, inusod niya paurong ang swivel chair at pinagkros ang binti. Placing the palm at the back of the head.

"I'm not coming."

"Oh? Ayaw mong makita kung gaano na kaganda ni Shailine?"

Ngumiti siya nang matamlay sabay iling, pinagulong patalikod ang upuan. Pinagmasdan ang pader ng opisina na tila mayroong hinahanap na bagay. Sa loob ng mahabang panahon ay walang ibang babae na nagkapuwang sa puso niya. Even Florence Aguilera, alam niya na sa una pa lang nila na pagkikita ay may hidden agenda na ito. She used the power of her father to get near him. But he's clever than her, nobody can manipulate the Altamontes except their father.

Gayon pa man ay naging magkaibigan pa rin sila ni Florence. Inamin nito na ina-akit nga siya at sa pamamagitan ng pagiging magka-sosyo sa negosyo umaasa ito na makukuha ang loob niya but then she was perfectly wrong.

Iisa lang ang babae sa buhay niya, at hindi siya sigurado kung pagmamay-ari na ito ng iba. Hanggang ngayon ay wala siyang mukha na maihaharap kay Shailine.

Napakagago niya para saktan ang dalaga noon sa paraang iisipin nito na niloloko niya. He used to pay the woman that night. Sinadya at planado ang lahat. After the incident, matapos siyang iwan nito, hindi na niya magawang humarap pa sa kasintahan.

He clenched his jaw, remembering how miserable the life he had been through for the past 8 years at hanggang ngayon dala-dala pa rin niya ang bigat sa dibdib. He suffered too much. Maaaring gago siya, Oo. At inaamin niya yun, kahit ilang babae na ang naikama, tanging si Shailine pa rin ang palaging hinahanap ng puso't isipan.

Ipilig niya ang ulo, duwag siya pagdating kay Shailine. Kahinaan niya ang dalaga. Nalugmok siya nang husto nang malaman na umalis ito ng bansa. He even begged her parents to give him an info about her location. Sa una, nag-aalangan ang mga magulang nito pero sa huli ay naawa rin at ibinigay sa kanya.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon