Chapter 18

10.6K 495 39
                                    

"Hey, buddy! Easy!"

"Clarence! Naku, ang batang ito. Salamat po, sir. Pasinsya na po kayo dito sa alaga ko. Mahilig kasi tumakbo nasa loob pa naman ng restroom ang mommy nito."

Tumango si Matthew. Ginulo niya ang buhok ng bata, pagkuwan ay inayos din. Tumingala ang inosenteng mukha nito sa kanya. A strange feeling envelope inside him. May nag-uutos sa kanyang yakapin ang inosenteng bata.

The little boy furrowed his brows. Sobrang cute nito. Napangiti siya. May naalala kasi siya.

"Dada..." sambit ng bata. Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ni Matt.

"Naku, pasinsya na po, sir. Napagkamalan kayong tatay niya." Kinuha ng babae si Clarence. "Sige ho, sir. Maraming salamat, mauna na ho kami, baka nag-aalala na ang mommy ng alaga ko.

"Sa susunod bantayan mong mabuti. Baka kung saan tumakbo at hindi mo namalayan na nawawala na pala."

"Opo, sir. Samalat po ulit."

Tumango si Matthew. Tumalikod ang babae at karga-karga nito si Clarence. Ngunit ang mga mata ng bata ay nasa kanya. Ngumiti siya at gayon din ang bata. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mawala ang dalawa.

He heaved a sigh and turned his back going out. May hinahanap siya kaya napadpad siya sa mall. Ngunit hindi niya rin makita ang hinahanap. Didiresto na lamang siya sa bahay ng mga magulang.

Kadarating lamang niya galing US at hindi pa alam ng pamilya niya na naroon siya sa bansa. Sinadya talaga niyang hindi ipaalam ang kanyang pagdating.

He slipped himself into the car. Inilibot muna niya ang paningin sa parking area bago pina-andar ang sasakyan.

"SAAN KAYO GALING?"

"Hinabol ko ho kasi si Clarence dahil tumakbo. Mabuti na lang may humarang po sa kanya."

Clarence spread his two tiny arms. Kinuha iyon ng ina at hinalikan sa pisngi.

"Dada, dada... dada..."

"Pati ang mamang tumulong sa amin napagkamalan niyang daddy."

Napatingin ang ina sa anak. May humaplos na malamig na kamay sa kanyang puso habang tinititigan ang paslit, naalala niya ang nakaraan.

Kilala ni Clarence ang ama, madalas niyang ipakita rito ang litrato. Hindi niya magawang ipagkait na ipakilala ang ama nito kahit sa litrato man lang. Dahil iyon lang ang tanging paraan para makabawi siya sa ama ng kanyang anak.

"Dada..." muling bigkas ng paslit.

Masuyong hinaplos niya ang maliit nitong mukha.

"Daddy, will be back soon. Miss mo na si daddy?"

Tumango-tango ang paslit na parang naintindihan ang sinabi ng ina. "Dada..." bumaling ang ulo nito sa pinanggaling kanina. Lumikot ang mga mata na parang may hinahanap.

"Let's go home, naghihintay na si granny sa atin."

Doon lang lumingon ang paslit. He gave her a toothy smile and it makes him even cuter. Her heart melted instantly. Isang ngiti lang ng munting anghel niya ay nawawala lahat ng pagod. Gumagaan ang pakiramdam niya.

Nasa bungad na sila ng parking area ng may biglang nahagip ang mga mata. Isang pamilyar na pigura, naka-side-view sa driver seat.

"Matt..." bulong niya sa sarili. Kumabog ng husto ang kanyang dibdib. Mabilis na lumabas ang sasakyan at ngayon ay papalayo na ito. Sinundan niya ng tingin ang pawalang sasakyan.

Ipinilig niya ang ulo. Marahil ay namamalikmata lamang siya. Imposibleng si Matthew iyon. Ayon kay Jasmine-ang kanyang kaibigan na malapit ng ikasal kay Gabriel-kapatid ni Matthew. Hindi alam ng pamilya kung uuwi ang lalaki, wala naman itong pasabi kung makakadalo sa kasal o hindi.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon