Chapter 4

12.1K 476 12
                                    

"Kumusta kana?"

She frozed. Pinakiramdaman niya ang sarili ganon na rin ang lalaking nagsalita sa likuran. Present ang lahat ng Altamonte sa kaarawan ng abuelo maliban sa isa at nagpapasalamat siya na nawala ang pangamba na maaaring mag-kros ang landas nila ni Matt. Ngunit sa boses na narinig ay tila nais niya tumakbo palayo.

Kinalma niya ang sarili at unti-unting nilingon ang lalaki, "Kuya Lance!" Bulalas niya. Pinakawalan ang hiningang kanina pa pala pinipigilan. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Akala niya kasi ay si Matthew ang nagsalita.

Ngumiti ito, " why? are you expecting someone, else?" Panuksong tanong ni Lance.

Umiling siya, saktong may dumaan na waiter at kumuha siya ng tubig.

"W-wala naman," she stammered. Cursing herself in silent.

Lumakad si Lance sa unahan niya. May bitbit itong wine, tumanaw sa ibaba ng bahay kung saan nagkakasayahan ang maraming bisita.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Nasaan ang asawa mo?"

"She's busy chatting with her sister in laws and some friends," sagot nito. Nilagok ang laman ng kopita saka lumingon sa kanya, "ikaw why are you hiding yourself here? Bakit hindi ka makihalobilo sa kanila sa ibaba?"

Tinungo niya ang barandelya ng terrace kung saan sila naroon, humugot siya ng malalim na paghinga. Iginala ang paningin sa ibaba, hoping to see the man who she really wanted to, but scared at the same time. Nakita niya si Jasmine with Lance's wife, Drew and Clarke. May panghihinayang siyang nakapa sa puso. Siguro kung maayos pa rin sila ni Matt, naroon din siguro siya kasama ng mga ito. She heaved a soft sigh.

"I'm not hiding here, Kuya. Nagpapahangin lang ako," she answered trying to act normal. "Kumusta na pala kayo ang tagal na rin simula nang huli tayong magkita. Parang kailan lang, walong taon na pala ang nakalipas. Masyado akong nawili sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa." She added.

"Heto maayos naman, as you can see. Masaya at kontento sa buhay with my kids and wife." Mahihimigan ang pagmamalaki nito sa pamilya. Sumulyap ito sa gawi niya, "ikaw Sha, are you really happy? Balita ko engaged kana with your doctor's boyfriend."

May kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Masaya nga ba siya? Siguro, Oo. Siguro, hindi. Ewan! Nakalimutan niya ang totoong kahulugan ng saya, ang alam lang niya ay kontento siya na mayroong Jerome sa buhay niya. Na nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya.

"Yes, that's true I'm already engaged and I'm happy... happy to be with the man I love." She chocked.

"I see," tumango-tango si Lance. Halatang hindi kumbinsido sa isinagot, "That's good to know, si Matt nagkita na ba kayo?" Pasimpling dagdag nito.

Marahan siyang umiling, hindi iba ang pamilya Altamonte sa kanila. She was their little sister noong mga bata pa sila but in not in Matthew's side pero sa mga kapatid nito ay parang nakakabatang kapatid ang turing sa kanya.

She fell in love with Matt and so he was... hinayaan sila ng mga magulang dahil mina-match din sila ng mga ito. They were became a couple when she was graduated in elementary. Mas matanda kasi ng ilang taon si Matt. Hindi sila seryoso sa una, dahil nga mga batang isip pa. Para sa kanila, nag-eenjoy lang sila sa tuwing magkasama. Hanggang sa naging mabilis ang paglipas ng panahon, anim na taon na pala ang nakalipas. She was in her sophomore years in college when things got rough.

And now... another 8 years had been past. Ang bilis ng panahon.

She looked around. Dahil gabi na, maraming bituin ang lumalabas. Umihip ang malamig na hangin. She rubbed her arms using palm.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon