Hintay

1K 9 1
                                    

"Wow, ang ganda naman ng binigay sayo ng boyfriend mo, Alice!" Pinagkaguluhan nila ang bigay na iPad ng boyfriend ni Alice na puno ng pictures nila. Sundalo kasi ang boyfriend niya at minsan lang sila magkita...pero loyal ang boyfriend ni Alice sa kanya at palaging nakikipag-communicate sa kanya. "In love na in love talaga siya sayo! Nakakainggit ka naman!" At nag'awwww ang mga katrabaho ko sa sinabi ng isang babae.

Malayo-layo ang pwesto ni Alice sa akin kaya hindi ko makikita ang pinagkakaguluhan nilang lahat. Yumuko na lang ako para hindi ko sila marinig. Ayokong mainggit sa isang simpleng kahon na may mga litrato. Ayoko. Babalik siya, alam ko. Bumalik ako sa ginagawa ko at humupa na din ang ingay sa bagong gamit na natanggap ni Alice. Huminga ako ng malalim at tumingin sa orasan.

7:00 PM na pala. Ni hindi ko man lang namalayan. Kailangan ko nang umuwi.

Iniligpit ko ang mga gamit sa desk ko at kinuha na ang bag ko. Tapos na naman ang isang araw ng trabaho. Kailan kaya kami ulit magkikita? Lumabas na ako ng building namin at nag-abang ng masasakyan. Gusto ko ng umuwi at matulog. Ayoko nang magising sa isang realidad kung saan wala naman siya. Isang realidad kung saan ang oras na tumatakbo ay hindi para sa aming dalawa.

Sumakay na ako ng jeep at niyakap ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin.

Ilang buwan na ang nakalipas pero wala pa akong natatanggap na kahit anong mensahe galing sa kanya. Kahit isang hibla ng buhok man lang, wala. Hindi naman siya sundalo para matagal bumalik at matagal mawala, pero pakiramdam ko ganun na rin. Nangako siya sa akin eh. Nangako siya sakin na susulat siya araw-araw. Nakahanap na ba siya ng iba at ako'y tuluyan ng kinalimutan?

Bumaba na ako dahil mukhang lalampas na ang jeep.

Naglakad na ako papunta sa bahay ko. Ako lang ang mag-isa. Noon, kaming dalawa ang magkasama. Pero, ngayon pakiramdam ko parang ako na lang ata ang gustong tumira doon. Sabi niya bubuo kami ng pamilya, sabi niya ako lang ang magiging ina ng mga anak niya, sabi niya...gagawin niya lahat para sa akin. Papakasalan niya raw ako.

Mga walang laman na lang ba ito na pangako?

Binuksan ko ang ilaw at nahiga agad sa sopa. Puro balita lang ang nahagilap ko sa telebisyon kaya hindi ko na ito pinanuod at ito'y pinatay na lang. Pagod na pagod na ako at gusto ko ng matulog...pero ayaw pa 'ring magpahinga ng utak ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at umakyat sa taas para magbihis. Pagkatapos nito ay pumunta ako sa bakanteng kwarto katabi ng akin. Puno yun ng mga kahon. Kahon na may laman na mga litrato naming dalawa.

Tristan, nasan ka na ba? Sabi mo babalik ka agad pagkatapos ng isang linggo pero bakit naging buwan? Sabi mo may aasikasuhin ka lang na trabaho, pero bakit ang tagal naman? Hindi ka man lang nagsabi kung ano yun. Hindi ka man lang nagpaliwanag kung bakit. Iniwan mo na lang ako bigla pagkatapos mong sabihin sa akin. Gusto kong magalit sayo pero inintindi ko dahil isang linggo lang ang hinihingi mo.

Siyam na buwan na akong naghihintay sa isang linggo mo.

Nakalimutan mo na ba ako? Ako ang girlfriend mo ng 2 taon. Ako yung pinangakoan mo ng habangbuhay. Ako yung babaeng sabi mo na magiging ina ng mga anak mo. Ako yung babaeng sabi mo mahal na mahal mo. Gusto kitang puntahan doon pero ano naman ang kasunod? Babalik ka kaya kapag sinabi ko? Babalik ka kaya pag lumuhod ako at sabihing matagal na akong naghihintay sayo? Araw-araw yan lang ang tumatakbo sa isipan ko.

Sabi  ng mga kaibigan ko, wag na raw akong maghintay. Nagmumukha na raw akong tanga dahil wala naman daw'ng mangyayari. Ano bang alam nila tungkol sa atin? Ano bang alam nila sayo? Ako lang naman ang nakakakilala sayo. Ako lang naman ang may alam ng tungkol sayo. Anong karapatan nilang husgahan ang mga pangako mo? Anong karapatan nilang patigilin ako sa pag-asang makasama ka ulit? Wala silang alam. Wala silang alam.

Ayoko nang mag-isip. Ibinaba ko na ang hawak kong litrato nating dalawa at lumabas ng kwartong yun. Itutulog ko na lang ito. Baka sakaling bukas eh may magandang mangyari. Ayokong makita ng mga katrabaho ko na nagpupuyat ako dahil malalaman na naman nila ang dahilan---ikaw. Habang palabas ako, ibinaba ko na ang huling sulat na ibinigay mo sakin. Maikli lang ito pero itinago ko. Itinago ko sa pag-asang baka may milagrong dumating at maisip mong wag na 'siyang' mahalin.

Itatapon ko na ito sa basurahan dahil meron na naman akong napagtanto.

Papakasalan lang kita pag hindi ko na siya mahal. Maghihintay ka pa rin ba?

-- Tristan

Humiga na ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Handa na akong sumuko sa paghihintay.

*One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon