Antonette's Secret Chapter I

118 0 1
                                    

“Alice, you’re too weak para pumasok sa school.”, Paliwanag ng Mama ni Alice. Inatake kasi siya sa puso that’s why she’s still in the hospital for almost a month and a half. Kinukulit pa rin niya ang kanyang Mama dahil nais na niya pumasok. She had missed all the lessons and all her friends. Especially her boy bestfriend na si Darryl.

            “Alice, musta na Dre?”, Darryl asked her. Hinampas siya ni Alice sa braso nang Tumabi ito sa kanya.

            “What do you think?”, Alice said.

            “Yeah. You’re not okay because Tita Anna won’t let you to go to school.”, Darryl answered. Ngumiti si Darryl at kinurot ang pisngi ni Alice.

            “Alam mo Dre, kahit ako hindi rin ako papayag na pumasok ka. Why? Kasi mahina ka pa!”, Darryl explained her. Pero ayaw talaga niya. Sino ba naman kasi ang gusto sa ospital ng isang buwan at tatlong linggo? Sino nga naman kasi ang dahilan para atakihin siya sa puso. Right, the girl in the comfort room.

            “Eh, Alice, bakit ka nga ba kasi inatake sa puso?”, tanong ni Darryl. Natahimik si Alice. Para bang  natatakot siyang ikuwento kay Darryl.

            “Darryl, I saw Antonette that day.”, Alice answered. Tumawa lang si Darryl.

            “Dre, kahit ako, Kapag nakita ko yung ex girlfriend kong two years ago nang patay, aatakihin din ako sa puso …”, Darryl replied.

            “Antonette is already dead. Remember? She died in a car accident.”, patuloy ni Darryl.

            “Darryl, I am serious! Kaya ako inatake. She’s trying to reach me. Para bang gusto niya akong kunin.”, takot na takot na sinabi ni Alice. Natahimik na lang si Darryl.

            “Nasaan na ba ang pamilya niya?”,Alice asked Darryl. Natahimik saglit si Darryl.

            “Her fam—“

            “Alice, nandito si Doctor Garcia.”, her Mom came in with her doctor. Umaasa si Alice na okay na siya so she can go to school. She’s a Third Year college sa course niyang Management sa Polytechnic University of the Philippines.

            “… I’ll let you to go to school, pero magbibigay pa rin ako ng Doctor’s Letter okay? You should take your medicines regularly. Iwasan mong mapagod at magulat ng sobra. Avoid smoking and specially drinking okay?”, her doctor explained. Napangiti lang si Alice at Darryl. Sa wakas, makakalabas na siya sa malawak at nakakatakot na kulungang tinatawag na ospital.

            “Alice, help me. Help me. Alice! Please! … Alice …”

            Nagising si Alice sa isang nakakatakot na panaginip. Bakit si Antonette? Bakit niya napanaginipan si Antonette? Antonette was crying. May dugo ang ulo niya at kamay. Hinawakan siya nito at binitawan agad. Humihingi ng tulong. Pero, bakit siya hihingi ng tulong? She’s dead two years ago. Bakit ngayon pa siya nagpapakita? Alice looked at her arm. May dugo! Gulat na gulat siya. Then she screamed. Umiiyak siyang nakatingin sa kamay niya. Agad na umakyat si Darryl at ang Mama niya.

            “Dre what happened—“, napatigil si Darryl nang makita ang dugo sa braso ni Antonette. Halatang may humawak sa kaniya dahil kita pa rin ang bakas ng kamay.

            “Ano yan?”,tanong ni Darryl. Nagulat ang Mama niya ng makita ang dugo sa braso nito. Agad na pinunasan ito ni Darryl at pinakalma si Alice.

            “Darryl, si Antonette.”, Alice said.

            “Shh. She’s dead.”, Darryl replied.

            “No she isn’t! She’s still here!”, bigla niyang binitawan ang kamay ni Darryl at lumayo.

            “Ano ba Dre? Anong nangyayari sa iyo? Patay na siya!”, napasigaw si Darryl.

            “Tell me Darryl, what did you do to Antonette?”, Alice asked him. Tahimik lang si Darryl.

            “Darryl!”, sigaw ni Alice.

            “Nothing! …”, Darryl said.

            “I broke up with her that day before she died.”, nagulat si Alice sa nalaman.

            “Bakit siya humihingi ng tulong? Hindi naman siya pinatay, o nirape …”, Alice said.

            “I don’t know.”, gulong gulo na ang isip ni Darryl. Lumabas siya ng kwarto ni Alice at pumasok na sa school. Alice left standing near the window. Bakit sa kaniya humihingi ng tulong si Antonette?

            Her mother woke her up. Oras na para kumain. After she ate her pancake, naligo na siya agad at nag bihis. Feeling niya, sasalubungin siya ng tanong ng mga kaklase niya. Si Darryl, kamusta na kaya si Darryl? Hindi na siya binibisita nito. Ano kaya ang nangyari dun? Nasanay na kasi siyang laging nasa tabi niya si Darryl.

            Pag pasok niya sa Campus, agad niyang hinanap si Darryl. Pero hindi niya ito mahanap. Para kasing may issue kay Darryl ang pagkamatay ni Antonette. All she knew that, Antonette was driving her car and Darryl was trying to call her pero hindi ito sumasagot. Nag-aalala na nga ang magulang nito kay Antonette. Creepy, but true.

            “Alice!”, tawag ni Jaera sa kanya.

            “Kamusta? Long time no see! Anong nangyari sa iyo?”, Jaera ask her. Tahimik lang si Alice. Iniisip kasi niya si Antonette at Darryl.

            “Hey! Alice, are you okay? Ano ba ang iniisip mo?”, tanong ni Jaera. Nagpunta sila sa canteen at nag-usap.

            “Jaera, do you know something about Antonette and Darryl?”, Alic said.

            “Malay! Ikaw ang best friend diyan, eh.”, simpleng sagot ni Jaera.

            “No, I mean, everytime na nag-aaway ba sila, may issue ako, or something?”, tanong uli ni Alice. Tahimik si Jaera na nag-iisip.

            “Ah! One time kasi, I saw Antonette crying. Doon sa may waiting shed. She’s with Darryl that day. Ewan ko kung anong issue dun. Pero noong araw na yun, hindi na pumasok si Antonette. Remember, hindi siya pumasok ng almost 2 months? Sabi nang professor namin, she’s just sick. Tapos two days after niyang pumasok, she died …”, kwento ni Jaera. Jaera Martinez was Antonette’s classmate. Malapit din ito kay Antonette.

            “Teka, bakit ka nga pala inatake sa puso?”, Jaera ask.

            “Because of Antonette.”, Alice simply answered.

            “Let me guess, nagpakita siya sa iyo?”, tanong uli ni Jaera.

            “Paano—“

            “Alam mo Alice, hindi na ako magtataka kung magpakita man sa iyo si Antonette. Una, sobra ang insecure niya sa iyo. Pangalawa, I know that hindi pa siya natatahimik …”, Paliwanag ni Jaera.

            “Anong, ‘hindi pa siya natatahimik’?”, tanong ni Alice. Natahimik lang si Jaera. Biglang nag-bell at nagkahiwalay na sila. Hanggang sa paghihiwalay nila, hindi pa rin mawala sa isip ni Alice ang sinabi ni Jaera. Bakit ba hindi pa rin natatahimik si Antonette. At bakit siya pa ang ginugulo ng dalaga? Mababaliw na siya sa kakaisip, at si Darryl, bakit hindi siya pumasok? Ano nanaman ang nangyari sa lalakeng yun? Nahihiwagaan talaga siya sa mga nangyayari. All of her questions are too many to answer.

            Hindi kaya nag-away ang dalawa at ako ang pinag-initan ni Antonette? Kung ganoon, bakit siya humihingi ng tulong? Sabi ni Alice sa isip.

            “Miss Fernando, parang napakalalim ata ng iniisip mo.”, saway  ng Professor niya.

            “Ay! Sorry sir!”, paumanhin ni Alice.

Antonette's Secret (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon