Tumatakbo si Alice. Hinahabol siya ni Antonette. Takbo siya ng takbo. sigaw siya ng sigaw. Pero walang lumalabas na boses. Nahirapan siyang huminga. Napaluhod siya. Nakita niya ang paa ni Antonette sa harap niyana may dugo. Hanggang sa maging malabo na ito.
Nagising si Alice sa isang pangit na panaginip. Hirap na hirap huminga si Alice. Pawis na pawis.
Nasa tabi niya si Drake. Nagising ang lahat sa sigaw ni Hannah.
"Aaaaah ..", sigaw ni Hannah. Bumangon agad si Drake at tiningnan si Hannah. Sumunod si Lex at Alice.
"Ate Hannah, are you okay?", Alice ask.
Nagulat siya sa nakita sa salamin sa may banyo.
Get Ready, Alice. Iyon ang nakalagay sa salamin sa banyo. Dugo mismo ang pinang-sulat dito. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Alice. Hanggang sa mapaluhod na lang siya.
"Alice? ...", inalalayan siya ni Drake.
Nandidilim na ang paningin ni Alice. Bakit kasi siya ipinanganak na sakitin? Sa mga oras na iyon, gusto na niyang sumuko. Pero hindi pwede. Kailangan niyang maging matatag. Hindi pwedeng isa isang mawawala ang mga kaibigan niya. Lalo na si Darryl. Yes. Si Darryl. Si Darryl ang pinakamahalaga sa kanya ngayon. Hindi pwedeng makuha ni Antonette si Darryl. Mahal niya si Darryl. Yes. Noon pa man. Si Darryl na ang mahal niya. Laging si Darryl ang kasama niya. Kaya nga best friend diba? Lahat ng nangangasar sa kanya, inuupakan ni Darryl. Kahit babae, pinapatulan. May pagka-bad boy kasi si Darryl noong highschool pa sila. SI Darryl ang personal assistant niya plus body guard. Hindi na niya namalayan na mahal na niya ito. Kaya pala noong naging girlfriend na niya si Antonette, selos na selos siya.
"Alice ...:, namulat si Alice. Nakita niya si Darryl. Tinatawag ang pangalan niya. Para siyang bata. She felt special.
"Are you okay now?", tanong ni Darryl. Nasa hospital siya. What? She's in the hospital? Nag-panic si Alice.
"Darryl, si Lex. Kuya Lex.", pilit na gustong tumayo ni Alice.
"Alice, calm down. ", sabi ni Darryl. Niyakap niya si Alice.
"Okay lang sila Drake, Hannah at Lex. Relax. Bumili lang sila ng agahan. Sabi ng doktor, makakalabas ka na mamaya. Baka bukas na tayo lumakad.", paliwanag ni Darryl.
"Darryl ...", pilit ni Alice.
"Shhh ... everything will be okay. Trust me", sabi ni Darryl. Alice felt calm. Natahimik lang siya. Basta si Darryl ang nagsabi, tatahimik na siya. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Pinilit niyang mag-relax. Huminga siya ng malalim. Pag dilat niya, si Darryl ang nakikita niya. Nakatitig sa kanya. Nakangiti. Natawa na lang siya. Pero nakatitig pa rin sa kanya ito.
"You know what? You've changed a lot.", puna ni Alice. Natawa si Darryl.
"Bakit mo naman nasabi?", tanong ni Darryl.
"Hmmmm ... Kasi, noong bata pa tayo, payatot ka. Noong highschool naman tayo, yang kilay mo. Laging magkasalubong. Ako lang nga ata ang ningingitian mo eh ....", sabi ni Alice. Kinurot niya ang pisngi ni Darryl.
"Hindi ako nagbago.", sabi ni Darryl.
"Paano mo nasabi?", tanong ni Alice. Tinitigan siya ni Darryl.
"Because, all the things and people I want when I was a boy, I still want them until now.", sabi ni Darryl. Natahimik muli si Alice.
"Darryl ...", ani Alice.
"I still want you, Alice.", sabi ni Darryl. Their eyes met. Namumula na si Alice.
"Darryl, huwag ka ngang mag-biro.", nangangatal na sinabi ni Alice. Paano nga ba uli siya kiligin? Ah! Sa tuwing kinikilig siya, nanlalamig siya't nanginginig. Nabubulol, namumula, At kailan ang huli siyang kiligin? When she was nine years old. Darryl kissed her. Where? Sa lips. Yup. Darryl was her first kiss. Sheeeet na malagkeeet. She was only nine when she got her first kiss.
"Ahem. Ahem, ahem, ahem-hem.", panira ni Drake. Napayuko si Darryl. Yun na nga yung moment niya eh.
"K-Kuya!", bati ni Alice sa Kuya niya. Drake is very handsome. Napakaswerte ni Hannah at nakilala niya si Drake. And Hannah, isang simpleng babae lang naman na may "LIHIM" na pag-ibig sa kanya. Ang nais lang naman ni Drake, ay lokohin si Hannah. But he fell, then .... BOOM !
"Darryl, may sakit si Alice, hindi ba?', tuloy pa ni Drake. Nilapitan ni Hannah si Alice.
"Hey. Okay ka na ba?", tanong nito. Hinalikan niya si Alice sa pisngi. Tumayo naman si Darryl para paupuin si Hannah.
"Babe, Alice is already okay. Nandito kasi si Darryl.", singit uli ni Drake. Nilapitan siya ni Hannah at binatukan.
"Ikaw talaga, love life ng kapatid mo, pinakikialaman mo.", pangaral ni Hannah.
"Oo nga naman, Drake. Bakit ikaw wala?", biglang pumasok si Lex sa pinto. Nilapitan niya si Alice.
"Okay ka na ba, Babe?", tanong ni Lex. Natatawa lang si Alice. Nilapitan ni Drake si Lex at inakbayan.
"Lex, kapatid ko yan. Okay lang kung si Darryl ang pumatos diyan, wag lang ikaw.", paliwanag ni Drake. Tawa na lang sila ng tawa. Alice wishes this moment will last forever. Sa oras na iyon. Parang walang problemang inaayos sina Alice. Masaya lang silang nagtatawanan. Nag-aasaran.
BINABASA MO ANG
Antonette's Secret (On Hold)
Tâm linhHindi na natahimik si Alice simula ng makita niya si ANtonette. Bakit nga ba nagpapakita si Antonette sa kanya? Salamat sa pag babasa :DD