LOMD Part 2

21 0 0
                                    

Pasensya na ha, nagutom ako sa kababasa, bababa muna ako para kumain.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto eh muntik ko pang makahalikan si manang.

''Ahaysus mahariyusep!!!... Anu kabang bata ka, bigla bigla kang magbubukas ng pinto! Muntik mo pa akong nakawan ng halik ah! ahay sus kang bata ka! Pakakasalan mo ako ng di oras!''

Hindi ko napigilang tumawa hahahaha...

''Manang naman! kayo ang bigla biglang tatapat sa pintuan ng kwarto ko eh. tsaka taasan ka naman ng balahibo sa sinasabi nyo manang. kinikilabutan ako eh. bat ba kayo anjan?''

''Abay tatawagin ka para kumain. bumaba kana para kumain.''

Haaayzss... at ayun kumain na kami.

''Ma lalabas lang ako ha! papahangin lang ako sa labas.''

''Isama mo si Louie at Rajiv. Hindi ka pwede lumabas pag di mo sila kasama!''

''Pero Ma!''

''Period!''

Tsk! Para naman akong bata neto eh. Ano pa nga bang magagawa ko. hay nako! talaga naman.

Lumabas ako na kasama ko sila.

Pero bumulong sila sakin...

''Dont worry bro, you can go wherever you want.''

''Bibigyan ka namin ng privacy, mag distance kami sayo, lalapit lang kami pag napansin naming need mo kami.''

Napangiti nila ako dun. At yun nga ang ginawa nila.

Mga pamangkin sila ng kaibigan ng parents ko kaya pinagkakatiwalaan sila at sila na ang madalas kong makakasama ngayong bakasyon ang nagaalaga sakin.

Pero sa tingin ko ay mas makakasundo ko sila.

Umupo lang ako at nanunuod ng mga nagbabasketball, naiingit ako sa kanila kasi pinagbabawalan akong magbasketball.

Umaasa ako at pinapangako ko sa sarili ko na darating ang araw na magagawa ko din ang lahat ng anumang gusto ko.

ngayon ay hawak hawak ko ang Diary ko.

Dala ko ito kahit saan ako magpunta. Syempre para mabasa ko sa inyo yung kasunod na pahina diba. tsaka isa pa, sa likod ng Diary kong ito ay may totoong kwento ng buhay ko nung Elementarya pa ako. About yun samin ng First Girlfriend ko na na meet ko sa ilog kasi nilapitan nya ko dahil nagiisa lang daw ako.

Oy oy! Babaeng kaibigan ha! Kayo ha kung anu-ano iniisip nyo.

Malalaman nyo din yung tungkol dun someday!

Pero sa ngayon ay pakinggan nyo muna ang continuation ng Diary ko.. ^____^

#2 Hello Baby boy

''Baby wag yan!''

Rinig ko habang pilit kong inaabot ang plato sa lamesa at todo tingkayad ako. ito ang Kauna unahang pagkakataon na natatandaan ko na ang lahat ng mga nangyayari sa paligid ko. di na ako sanggol na di alam ang pinaggagawa sa buhay.

curious kasi ako sa plato kaya ko inaabot.

Lumapit sakin si naynay, lumuhod at hinawakan ako sa bewang at inuumpog ang ilong nya sa ilong ko sabay sabing, ''ang kulit kulit mo talaga baby!'' habang taglay ang napakagandang ngiti at binuhat na ako.

1year and 8months old na ko, yun ang naririnig ko. wala akong ginawa kundi ang ibato ang mga kotse kotsehan ko sa bintana at magabot ng mag abot ng mga bagay bagay na ayaw ipahawak sakin.

Life of My DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon