LOMD Part 5

25 1 0
                                    

Pfeeewww...

Grabe..

Anu ba tong nasulat ko nung bata pa ko. Haayy... Ilang taon ko na bang di nahawakan itong Lumang Diary ko? napaka emotero ko pala nung bata ko. Di ko alam na makakagawa ako ng ganitong istorya ng buhay. Sa bagay gnun naman talaga ako till now.

4years na din ata ang nakalipas. Grade 3 ako nung unang beses kong naisipan mag Diary kuno. Narinig ko kasi sa classmate kong mga girls dati na nagkwekwentuhan sa likod ko yung about sa Diary. Kaya ginaya ko.

Eh ano naman kung pang babae lang daw yun? pakialam ba nila eh gusto ko eh. Tsaka di naman nila alam eh haha. Tsaka ngayon nag evolve na ang lahat. Dati mga girls lang nag Da-diary pero ngayon pati lalaki. Kaya nga malakas loob kong i-share sa inyo di ba? haha.

Sya nga pala, nasa Mall ako ngayon. Lumabas ako nung matapos kong basahin yung Diary. Syempre may bantay akong kasama. Pero type ko sila ha, mga gwapo na magaling pang makisama.

Ehem ehem.. Mga isip nyo ha. Di yun ibig kong sabihin. Lalaki to noh! Ang ibig kong sabihin ay ok silang kasama.

para nga akong walang bantay eh.

Habang naglalakad ako eh parang may naaninag akong isang babae sa kaliwa ko. Parang pamilyar, pag tingin ko sa kaliwa eh buhok nalang nakita ko, kumaliwa sya. Sinundan ko sya. at pag tingin ko sa nilikuan nya, kumanan naman sya. Nasa damitan kasi kami. Dun sa nilikuan nya sa kanan, nandun na sya sa mga dress,  tumitingin sya ng damit.

Ang gandang ng buhok nya. May pag ka red. Nagpakulay ata sya ng buhok, at pa V-cut ang buhok nya at mahaba hanggang sa likod nya. Ang ganda nya kahit nakatalikod. Naka blouse syang puti na my parang curl ang manggas nya tas medyo baloon style. Tas naka fit syang pantalon na maong.

Di ko alam pero naaaliw akong panuorin syang tumitingin ng damit. Nasa likod ako ng hangeran ng mga damit, at dalawang hangeran pa ang pagitan namin, para di nya ko mapansin

Hinihintay kong lumingon sya sa pwesto ko or mag sideview man lang para makita ang mukha nya. Mahiyain kasi ako sa ibang tao. Laking bahay kasi ako. Now lang ako nakaka labaslabas

May mga magaganda kasi talaga ang likod dahil sa ganda ng katawan nila at buhok nila, sabi nga ng kapitbahay namin sa mga ganun eh,

''Mare ang ganda mo pag nakatalikod, tumalikod ka nalang, wag ka ng haharap''

Haha... Ang sama eh nuh.

Uy di ako nagsabi nun ha. ni-share ko lang sa inyo.

Maya maya pa ay nakita ko syang lumingon sa kanan nya para magtanong sa sales lady, kaya medyo naaninag ko yung mukha nya, kumunot pa nga yung kilay ko sa seryosong pagtingin sa kanya. Tapos ma-may balat syang bilog maliit sa kanang braso nya. Lalakad na sana ko pakanan tas para papunta sa kanya, (remember my nakaharang na mga naka hanger na dami sa pagitan namin) ng biglang may tumawag sakin sa may kaliwa ko. pag tingin ko sila ragiv at louei,

''anung ginagawa mo jan?''

''mukang may tinitingnan ka ah''

tsk wrong timing naman mga to, biglang baling ko sa kanan para puntahan na kagad sana yung girl eh biglang may nakabangga ako kaya napa upo ako.

Yung sales lady pala nung mga damit na tinambayan ko.

''Oy!'' napasigaw yung dalawa habang papunta sakin. Bigla ko namang tayo pati nung sales lady, natumba din kasi

''Sory (sir)'' sabay pa kami.

Pag lingon ko sa may pinagmamasdan ko kanina, eh wala na yung girl. Nanlaki ang mata ko sabay takbo papunta dun.

Life of My DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon