LOMD Part 4

20 0 0
                                    

Sa pagbalik ng diwa sa bagong umaga,

At pag dilat ng aking mga mata.

Wala na akong nanaisin pang makita,

Kundi ang iyong napakaamong mukha.

Ngunit ang pagdilat at pagmulat,

Ay waring walang pagkakaiba.

Ika'y Panaginip lang sa aking ala-ala,

Ang mahawakan ka'y di ko man lang magawa.

''Anu ba yan! nag fee-feeling nanaman ako maging makata. wala naman sa rhythm. haha''

Sensya na, kagigising lang. ganto talaga ako pag umaga. Abnormal lang ang peg. Naiisip ko nanaman kasi sya. Sana makita ko na sya. Gagawin ko ang lahat makita ko lang sya ulit

Tumayo na ako at nag hilamos. nagsipilyo na din, at bumaba na para kumain.

Bihira kong matyempuhan sila mama at papa pag gising ko, di tulad kahapon. Nakapag paalam pa ko na lalabas ng bahay.

Masipag sila masyado sa trabaho nila, at halos nakalimutan na nila ako.

laging mga katulong at guard lang kasama ko sa bahay. Pag lalabas ako ng bahay may nakabuntot din lagi na mga nagbabantay sakin.

Piling ko naka posas ako. Di ko naman pinangarap maging mayaman eh. Teka parang nasabi ko na to ah?! hhmmm...

Kakain na nga lang ako. Anung date na nga ba? May 16 na pala. mga 2 weeks nalang pala papasok nanaman sa school.

Sabi nila, pag pumapasok ka ng school, hinihiling mo na sana bakasyon na. Pero pag Bakasyon na, sabik na sabik ka naman pumasok. Ang weird nga daw eh.

Pero para sakin, wala naman halos pagkakaiba. kasi paglabas ko ng class room, nasa labas ang mga bantay ko. Diretso na ko uwi nun. kaya di ako excited pumasok.

Buti pa sila feel nila yun.

Habang sumusubo ng Pagkain, iniisip ko kung anu ang magagawa ko sa maghapon.

Hhaayy... walang buhay ang buhay ko.

Pasensya na ha. parang tamad na tamad ako ngayun. di ko alam kung bakit.

hhaayyy...

4th year High School na ako sa pasukan.

Gusto kong maramdaman yung kasiyahan, dapat naman kasi talaga masaya dapat ako diba? pero bakit ganun? Wala akong maramdaman...

Tsk! sige na nga, aakyat na ko para kunin ang Diary at basahin sa inyo.

~Continuation.....

Hawak hawak ni Babe ang kamay ko palabas ng puting palasyo.

Nag call sya ng taksi, nilagay ang bishikleta ko sa taksi tapos nag alis na kami.

Nagbaba kami dun sa parang Hotel? Kasi malaki kasi sya eh. Maganda tapos may elebetor. Yun tawag dun sa nag baba at akyat na room na maliit diba? Sumakay kami dun tapos pag baba namin dun, nagkaliwa kami.

Kita ko sa dulo may mga tao dun na mga nakaupo sa labas, medyo maliit lang yung daan parang school lang namin, tapos may mga door ng room sa kaliwa. Dito sarado nga lang yung ibang pinto. Yun dulo lang bukas.

Paglapit namin may parang manipis na table sa gilid ng door, tapos may parang notebook sa ibabaw tas may nagsulat dun at pumasok na sya sa door. Baka yun yung entrance dun? pero di ko abot eh. Pabuhat nalang ako kay babe. Pero nilagpasan lang namin yun. Bat ganun? Bat di kami nagsulat?

Pagpasok namin nagulat ako kasi malaki pala sa loob.

Parang classroom din namin yung itsura pero mas malaki, may daan sa gitna tas upuan sa kaliwa at sa kanan na mga plastic. Pero imbis na table ni teacher sa dulo eh parang box na malaki at mahaba na puti?

Madami ding tao. May kakilala ako sa nakaupo sa kaliwa, si ate lyka. Frend sya ni taytay. Pero bat kaya sya naiyak? Tapos nakita ko naman sila ate mary ann at ate lisa sa bandang kanan. Bat kaya sila andito?

Ang ganda dito. Tapos my mga bulaklak at magaganda yung mga lights.

Nung malapit na kami dun sa malaking box, may biglang tumayo sa unahan parang si taytay. Tapos may hawak syang ice cream na itim pero bakit may tale?

Nagsalita sya at nagulat ako kasi ang lakas tapos ang laki ng boses nya! nakaka tacute... hehe

Di nya ko nakikita kasi ang dami tao. Tapos nagsalita na sya. Pinakinggan ko lang muna sya hbang nakawak pa din kamay ko kay babe.

Taytay:

''Shaya Pinky Bluerdy...''

naynay ko yun ah?

''...yan ang pangalan ng kaisa-isa at pinakamamahal na babae sa buhay ko.

sya ang nagturo sakin magbuo ng robot sa lego. muka daw kasing tambakan ng basura ang robot na binubuo q...

[hahahaha]

nagtawananan ang mga tao

''sya rin ang nagturo sakin magmahal...''

bat parang naiiyak si taytay?

~sigh~ ''Napaka ganda nya. kitang kita ko ang kalinisan ng pagkatao nya sa mga mata nya. light gray eyes, light brown ang buhok nya, napaka puti nya. ntatawa lang ako dahil di ko maisip na ang isang mala prinsesang kagandahan ay magkakagusto sa mukang unggoy na gaya ko.''

tamo to si tatay, nagpapatawa. di naman bagay, yumuko sya tapos nya sabihin yun tapos ngumiti.

''Mahal na mahal ko ang asawa ko... sya lang ang mamahalin ko at mamahaling muli. Sya lang at ang nagiisa at pinakamamahal na...

Habang sinasabi nya yun umiiyak sya. Di ko na maintindihan, magpapatawa tapos iiyak. Anu kaya yun? Kaya lumapit ako ng konti sa kanya kasi di nya ko nakikita, natatakpan din kasi ako ng ibang tao. Tinawag ko sya, ''Tatay!'' habang nakangiti at kumakaway.

kaya napasigaw sya ng malakas sa karugtong ng sasabihin nya ang ANAK KO!!!..

parang ganito to oh..

''Mahal na mahal ko ang asawa ko... sya lang ang mamahalin ko at mamahalin muli. Sya lang at ang nagiisa at pinakamamahal na ANAK KO!!!''    :O

''Tay?''

Parang na estatwa kasi sya eh.

Tapos habang na estatwa sya, naka nganga pa eh, tas dahan dahan na parang robot na tumaas yung mata nya papunta kay babe. Tapos kumun0t yung kilay nya at noo na parang nagtatanong. Ako naman eh lumingon kay babe tapos nagtaas lang sya ng balikat kay taytay.

Tapos lumingon ulit ako kay taytay. Di na sya naka nganga.

Parang napalunuk sya at lumapit sya sakin. Lumuhod sya tapos...

''Nak....''

Bigla nya kong niyakap.

''patay na si naynay''

''waaaaahhhhhhhhaaaa!!!''  :'[]

Di ko lam pero nung sabi yun ni taytay sobrang iyak ko. Tapos... Tapos...

Pinarinig sakin ni taytay yung tugtog nila ni naynay sa tawagtawag (cellphone) nya.

Naalala ko bigla yung sinabi ni naynay. Tapos nahinto ako sa pagiyak, tapos sabi ni taytay wag daw ako iyak kasi magkikita naman daw kami ulit ni naynay paglaki ko.

Binuhat ako ni taytay , tapos lumapit kami dun sa malaking box na puti. tinapat nya ko sa ibabaw ng box. Nakita ko si naynay sa loob. Nakahiga.

''Naynay bat ka anjan sa loob.... maininit po jan tsaka masikip....

(habang parang ngongo boses ko kasi kakaiyak ko habang natulo ang mga luha ko sa may salamin. Tapos hinawakan ko yung salamamin tapos...)

Naynaaaaayyy!!!!''

Life of My DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon