Panimula

183 3 2
                                    

Panimula

Ang buhay ay parang bagyo. Hindi mo alam kung kailan ka babayuhin ng mga problema. Ang matindi pa, minsan ang bagyo hindi mo alam na sa inyo na pala daraan. Hindi ka man lang nakapaghanda sa pagdating. Lumihis pala ng patutunguhan. Tulad ng buhay. Hindi mo alam na daraan na pala ang problema. Nakatunganga ka pa, dinaraanan ka na pala ng mga problema.

Ang pag-ibig ay parang lindol. Hindi mo alam kung kailan ka yayanigin. Ang matindi pa, hindi ka na nga nakapaghanda, may aftershocks pang mga kasunod na tila hindi mo mawari kung kailan huhupa. Malas mo pa kung ang mga susunod na pagyanig ay patindi pa ng patindi. Kumbaga sa unrequited love, tanggap mo ng nayayanig ka na ng pakiramdam na ito, hindi mo pa alam kung kailan huhupa ang nadarama mo. Ang mas nakakagulantang pa, hindi ka na nga magawang mahalin, mas lalo pang patindi ng patindi ang iyong nadarama. Masugatan nga lang masakit na. Paano pa kaya ang mahulog ng walang sumasalo?

Ang pag-ibig ay parang pagbabayad ng pamasahe sa jeep. Hindi porke't nagbayad ka ng buo, susuklian lagi yung pera mo.

Ang pag-ibig ay parang sakit. Minsan may sintomas, minsan wala. Malas mo kung tinamaan ka ng walang sintomas. Umiibig ka na pala, hindi mo pa alam. At kung kailan handa ka ng gamutin ito sa pamamagitan ng pagtanggap sa iyong nadarama, saka naman huli na ang lahat. Kung kailan nga naman.

Kaya't kung may kumakatok sa pintuan ng iyong puso, huwag mong balewalain. Baka kung kailan napagdesisyunan mo ng pagbuksan, saka huli na ang lahat. Kung hindi nagsawang kumatok o baka naman nakahanap na ng ibang pintuan na siguradong pagbubuksan siya. Kung kailan nga naman, oh!

Kung kailan, kung kailan....

________________________________________

A/N: Dedicated sa matalik kong kaibigan sa labas at loob ng wattpad. Oo alam ko! Sesermunan mo ako dahil gumawa na naman ako ng bago, samantalang may dalawa pa akong hindi natatapos. Don't cha worry! Maikli lang to. Mga 5 chapters. This story bothers me a lot this past few days! Kaya naman sinulat ko ito asap. Baka mawala sa isipan ko yung kwento, sayang naman. Saka bumalik na ang alter kong writer kaya naman nakakapagsulat na naman ako. Hahaha! Kaya yun. Sige na! Enjoy reading!

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon