Ikalawa

56 3 8
                                    

A/N: Sorry kung late. Ginagawan ko rin kasi ng update yung ATGP.

________________________________________

Ikalawa

Napalingon si Hera sa kanyang likuran. Di niya inaasahan ang nakikitang tanawin sa kanyang likuran. Sa kanyang likuran ay may mga nakapilang mga estudyanteng may hawak-hawak na bawat letra na may design sa isang cardboard. Kung pagsasama-samahin ang mga letra, makakabuo ng mga salitang 'CAN I COURT YOU, HERA?'.

Napailing si Hera sa nakikita. Mukhang baguhan  ang lalaking kanyang kaharap kung kaya’t ang lakas ng loob nitong manligaw.  Mukhang hindi nito alam ang ginawa niya kay Zeus halos dalawang taon ang nakalilipas. Ngayong taon lang ba 'to nag-aral sa Elysium?

Kung titingnan, may itsura naman ang lalaki. Kaya lang, tulad ng kay Zeus, ayaw niyang makipagrelasyon. Eh sa ayaw niya, eh. Mas maganda pang diretsuhin na niya ang lalaki kaysa sa umasa pa ito ng tulad kay Zeus. Sa katunayan nga, hindi naman siya pusong bato kung tutuusin. Naawa pa nga siya kay Zeus nang gawin niya iyon. Pero wala na, eh. Nagawa na niya. What is done cannot be undone. Tapos na iyon. Hindi uso sa kanya ang hindi magmove-on.

Nilapitan niya ang lalaki sabay tapik sa balikat nito. May dala-dala pa nga itong isang bouquet ng bulaklak pati isang teddy bear ngunit hindi niya ito tinanggap.

“Makakamove-on ka rin sa akin.”tipid na wika ni Hera.

“Why don’t you give me a chance to prove myself to you?” wika ng lalaki ngunit napairap lang si Hera sa kanya. Tahimik namang nanonood ang ibang kasama ng lalaki na may mga hawak na cardboard.

Didiretsuhin na kita para hindi ka na umasa… I don’t like you… Ni hindi nga kita kilala, paano kita magugustuhan?”

Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Hera ngunit tinapik lamang ito ng babae. Sa halip, tumitig na lang ang lalaki sa mga mata ni Hera upang makumbinsing seryoso siya sa sinasabi. “Kaya nga gusto kong manligaw… Para makilala mo ako… Para malaman mong nararapat ako para sa’yo…”

Gasgas na linya. Wala na bang iba? Narinig na nga ni Hera ng ilang beses ang linyang iyan sa mga pelikula, teleserye at telenovela. Nakakaumay.

Naiinis na si Hera sa kakulitan ng lalaki. Ang ayaw pa naman niya ay ang sinasalungat ang nais niyang mangyari. Ayaw niya ng makulit. Pag sinabi niya, dapat mangyari. Hindi lang kasi ito ang unang beses na may nagtangkang magconfess sa kanya. Maraming beses na. Kung dati pinalampas pa niya, ngayon hindi na. Punung-puno na siya sa kakulitan ng mga lalaki. Hindi na siya nakatiis kaya naman kinuha niya ang isa sa mga cardboard at inapakan habang nagsasalita. Siguro naman kakalat sa buong iskwelahan ang gagawin niyang ito nang sa gayon ay iwasan na siya ng mga lalaki. Ika nga, may pakpak ang balita.“Pesteng buhay 'to! Sabing ayokong magpaligaw, eh! Nakakasawa na! Pag pinaasa, ano? Ako na naman masama… Binalaan na nga kayo, ang kulit niyo pa rin… Kapag sinabi kong hindi, hindi... Maliwanag ba?”

Nagulat ang lahat ng nakasaksi sa ginawa ni Hera. Kahit naman kasi na may pagkamaldita si Hera, hindi nito kailanman nagawa na gumawa ng bayolenteng bagay. Hindi na nagsalita muli ang lalaki. Natakot yata sa kanyang pagwawala. Tumalikod na ito at naglakad ng malungkot. Sumunod naman ang mga kasamang babae’t lalaki ng lalaki na  may hawak na cardboard. Napapailing naman ang mga kasama nitong mga lalaki, ang mga babae naman ay napapairap sa kanya. Nakarinig pa nga si Hera ng mga salita sa mga babae na feeling maganda daw siya na akala mo daw na kung sinong maganda. Hindi na lang ito pinansin ni Hera bagkus, pinagsawalang bahala na niya lang ito at tumungo muli sa balcony. Huminga siya ng malalim upang ikalma ang sarili. Napapikit pa siya ng humampas ang malamig na hangin sa kanyang mukha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon