Ikauna

90 3 8
                                    

A/N: Dedicated sa unang naglakas-loob na makipag-kaibigan sa akin sa wattpad, fHanShinJie. Nawa'y magustuhan mo ito. Next update is tom evening.

________________________________________

Ikauna

Sanay na sa mga pinupukol na mga tingin at titig sa kanya si Hera. Ikaw ba naman kasi ang biyayaan ng angking kagandahan at kaseksihan ay hindi ka ba naman pagtinginan ng mga tao. Mula sa kanyang matangos na ilong, kulay abong mga mata na tila nangungusap, mahahabang mga biyas at malaporselanang kutis ng kanyang mukha at katawan. Halos lahat ng kanyang features sa katawan ay namana niya sa kanyang lolang Espanyol.

Ang iba ay napapatingin dahil humahanga sa kanyang kagandahan, samantalang ang iba naman ay napapatingin dahil sa naiinggit sa kanya. Well, sanay na naman siya sa mga ganun. Simula high school at hanggang ngayong kolehiyo na siya ay sa parehong iskwelahan siya nag-aaral. Ang Elysium Academy na isa sa mga paaralan sa bansa na masasabing maganda ang kalidad ng edukasyon na kanilang ibinibigay sa mga mag-aaral.

Kasalukuyan siyang naglalakad sa catwalk ng Tourism Building ng kanilang paaralan nang makuha ang atensyon niya ng isang lalaking naglalaro ng soccer na mag-isa sa malawak na field ng akademiya, dahilan para mapahinto siya sa paglalakad sa harap ng isang shed. Pawis na pawis ito at kahit hindi mo alisin ang suot nitong t-shirt, mahahalata mo kaagad na maganda ang pangangatawan nito dahil sa bumabakat ang katawan nito sa basang-pawis na t-shirt. Mula sa matangos na ilong, malatsokolateng mga mata, taas na nasa mahigit anim na pulgada, kayumangging kutis, maamong mukha at magandang tindig at pangangatawan. Sino ba naman ang hindi hahaba ang leeg at hindi lilingon sa kanya? Ngunit tila hindi napapansin ng lalaki na maraming kababaihan ang pasimpleng sumusulyap sa kanya habang siya ay naglalaro. Para bang larawan siya ng kawalang-malay na sinusulyapan na siya ng mga kababaihan.

Sinisipa ng lalaki ang bola ngunit napalakas yata ang pagsipa nito dahilan para mapunta ang bola patungo sa direksyon ng shed malapit sa puwesto ni Hera. Hindi naman siya natamaan sapagkat medyo may kataasan ang catwalk na kanyang kinatatayuan.

May isang babaeng chinita ang kumuha ng bola para sa lalaki. Lumapit ang babae sa lalaki at ibinigay ang bola. Pasimpleng humaplos ang babae sa kamay at braso ng lalaki nang magpasalamat ito sa pagkuha niya ng bola. Napataas ang kilay ni Hera sa inasta ng babae. Para bang santo kung ituring ng babae ang binata para lamang mahawakan kahit sa sandaling panahon lamang. Tila ba nakadepende ang buhay nito sa paghawak sa lalaki at mamamatay siya kapag hindi nakahawak sa lalaki. Para bang nanghihingi ito ng himala sa binata para sambahin ng ganun-ganon.

Napahalukipkip siya at napapailing sa nangyari. Tumungo na ang chinitang babae sa kumpulan ng mga kababaihan na nasa shed na kaharap ni Hera. Nagbubungisngisan ang magkakaibigan na tila kinikilig.

"Ang swerte mo naman. Nakakainggit ka! Sana pala ako na lang ang pumulot ng bola. Kung hindi lang madumi yung bola, ako na talaga ang pupulot niyan." naiinggit na wika ng isa sa mga kaibigan ng chinitang babae.

"Ang arte mo kasi, eh! Nandiyan na nga ang pagkakataon, pinalampas mo pa." litanya ng chinita.

"Kyaaaaah! Friend, ano feeling nang mahawakan mo yung kamay at braso niya? Malambot ba? Matigas?" kinikilig na tanong ng isa pang kaibigan ng chinita.

Nang itanong ito sa kanya ng kaibigan, saka tila naalala ng chinitang babae na nahawakan niya sa braso at kamay ang lalaki. Kinikilig na hinawakan niya sa balikat ang kaibigan at nagtatatalon sa kilig. Tila nagdedelihiryo pa ito sa kilig. "Oo, friend! Super lambot ng kamay niya. Super tigas din ng braso niya. Shit! Bakat sa malapitan yung abs niya. Walo pa yata!"

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon