Prologue

5.4K 161 21
                                    

THIRD PERSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THIRD PERSON

Royal Kingdom ( oras ng digmaan )

"L-Leann, itakas mo ang p-prinsesa ! Iligtas mo ang a-anak ko" ang sabi ng mahal na reyna sa isa niyang tagabantay

"Pero, Mahal na reyna h-hindi --" hindi na natapos ni Leann ang kanyang sasabihin ng sumigaw ang mahal na reyna

"ITAKAS MO NA ANG A-ANAK KO ! NGAYON NA"

"Anak patawad kung hindi ako ang makakasama mo sa paglaki mo. Pero sa oras ng iyong ika-labing anim na taong gulang ay muli ta-tayong magkikita" pagtapos bigkasin ng mahal na reyna ang huling mensahe niya para sa kanyang anak ay itinapat niya ang kanyang dalawang kamay sa braso ng prinsesa, nilagyan niya ng palatandaan na hugis puso ang sanggol.May sinuot din na kwintas ang reyna sa sanggol na hugis bituin.

"M-masusunod po M--" hindi na natuloy ni Leann ang kanyang sasabihin ng may pagsabog na naganap sa labas ng kaharian

*BOGSHHH* isang malakas na pagsabog ang narinig.

"Aira Dela f-fuente ang kanyang pa-pang--"

*BOGSSSSHHHHH*

May isa pang pagsabog ang naganap sa loob ng kaharian, kaya hindi na natapos ng mahal na reyna ang kanyang sasabihin dahil dali-dali na siyang gumawa ng portal.

"AMIRAH ? NASAAN KA MAHAL KONG KAPATID,GUSTO KONG MAKITA ANG AKING PAMA--" hindi na natuloy ni Akira ang kanyang sasabihin sapagkat nakita niyang pumasok sa portal ang kanyang pamangkin kasama ang isang tagapagbantay sa kanyang kapatid na si Amira.

"Ako m-muna ang makakatapat mo bago mo makuha ang anak ko" mahinahong sabi ng kanyang kapatid.

"MAGHINTAY KA LANG AKING KAPATID ! BABALIK AKO AT SA PAGBABALIK KO SISIGURADUHIN KONG MAPAPATAY KITA KASAMA NG IYONG ANAK"sigaw ng kanyang kapatid.Biglang naglaho ang mga Dark wizard at mga Dark creatures kasama ang kanilang Reyna ng kasamaan.

Someone's POV

"Pasensya kana mahal na prinsesa kung iiwanan kita dito,pangako babalik ako para hanapin ka.Kailangan ko balikan ang iyong ina" hinalikan ko sa noo ang mahal na prinsesa at inilagay sa basket. Kumatok ako ng tatlong beses sa napili kong mapag-iiwanan at tingin kong aalagaan ang prinsesa bago tumalikod at nagtago sa isang puno.

Nang makita kong pinasok na sa bahay ang prinsesa at tumalikod na ako.

At sa huling pagkakataon nilingon ko ang mahal na prinsesa at tuluyan ng umalis.

-

16.05.11
20.26.09

Theocracy of Amirah: Finding The Long Lost Princess (On-going)Where stories live. Discover now