Chapter 6

1.9K 111 6
                                    


Aira's POV

"Aira, gising na. Malalate ka na." napadilat ako ng marinig ko ang sinabi ni Ace

Ano ba 'yan, ang aga kasi manggising nila Ace. Inaantok pa ako, ilang beses kasi akong nagigising kagabi dahil pakiramdam ko may nagmamasid sa akin.

"Mauuna na kami." Tinanguan ko lang siya at hinintay makalabas ng kwarto. Paglabas niya ay saka lang ako tumayo at nagstretch, medyo masakit pa kasi talaga katawan ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para mag-almusal, tatawagin ko pa sana sila kaso naalala ko nauna na pala sila. May nakita akong nakatakip sa lamesa kaya nilapitan koi to, may note na nakalagay 'Eat well, Aira!- Kyline'

Habang nakain ako ay bigla akong may naalala, Patay! Di ko pala alam kung anong section ko at saan yung room. Napatayo ako at nagmadaling kunin ang gamit para magtanong sa Headmaster kung saan ako pupunta.

Eto ako ngayon naglalakad--- TEKA kanina pa ako lakad ng lakad di ko pa naman alam section ko-- NAPAKATANGA KO... Para na akong baliw. Makapunta nga kay Headmaster.

FAST FORWARD

*tok* *tok* *tok* *tok*

Ang tagal naman bumukas,pasukin ko nalang kaya bigla? Pero wag na baka mapaalis ako ng maaga dito sa Academy.

*tok* *tok* *tok* *tok*

Wala naman ata siyang balak buksan itong pintuan na--- OH MY GOSH, sabog si Headmaster dejowk, nakabusangot yung gwap---- HAHAHAHAHA

"Ano bang problema m--, ay sorry ikaw pala ano ang aking maipaglilingkod?" tanong si Headmaster

Napakamot muna ako ng batok bago magsalita. "Hehe, itatanong ko po sana kung anong section ko, at kung anong room po ang pupuntahan ko?"

"Hindi mo ba tinignan ang binigay kong sched, sayo?" sabi ni Headmaster na may halong pagkainis, HALA oo nga pala may binigay si Headmaster na sched.

"Ay! Hindi pa po Headmaster eh" pahiya ako. "Di ko na po natignan dahil rin sa nangyari kahapon."

Ngumiti naman siyasa akin.

"Oo nga pala iha, nabalitaan ko ang nangyari sayo. Ayos ka na ba?" tanong ni Headmaster

"Opo, maayos na po ako. Medyo masakit po ang katawan ko pero kaya ko naman po."

"Mabuti 'yon iha," tumingin sa akin si Headmaster "Di ka paba aalis? Sigurado akong malapit ka ng malate sa una mong klase."

Muntik ko ng makalimutan yon ah!

"Sige po una na po, ako titignan ko nalang po sa dorm ko yung sched, pasensya na po sa abala! PEACE" sabay takbo pabalik sa dorm. Masyado akong nagmamadali kaya sa kakatakbo ko may nabangga na pala ako

"Sorry *bow* sorry talaga nagmamadala ako eh" paghingi kong paumanhin.

"Ok lang, sige na baka mahuli ka pa" mabait naman pala siya

"Sorry ulit" sabi ko sabay takbo, nakarating agad ako sa dorm at hinalungkat ang gamit.

Hanap

Hanap

Hanap

Gotcha

Yun nakita ko na sawakas, tinignan ko kung anong room ang nakalagay

Room 305

Matignan nga kung ano oras yung kla--- HALA kanina pa yung nagumpisa ang unang subject, late na ako.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, umalis ako ng dorm. First day of Class, absent? Second day, late? Mygahd how wonderful Aira.

Theocracy of Amirah: Finding The Long Lost Princess (On-going)Where stories live. Discover now