Chapter 5

1.8K 117 5
                                    

Aira's POV

"Ughhhhhh" napahawak ako sa ulo ko, ang sakit ng ulo ko. Bakit hindi ko maimulat ako mata ko.

0_-

-_0

0_0

^_^

Omaagaaaddddd

Bakit magkahawak kami ng kamay n-ni Adrian. Tinapik ko mukha niya hanggang sa magising siya. Tumingin siya sa akin na parang nagtataka kaya naman tinignan ko siya ng 'Yung-kamay-ko look', duon lang niya na-realize na magkahawak kamay kami kaya bumitaw na siya.

"S-salamat"nahihiyang sabi ko

"Your welcome." Tipid siyang ngumiti sa akin.

"Hala ang cute!" pinisil ko yung pisngi niyang parang siopao.

"mashaket shaira ahu bha" inis na sabi niya sabay tapik ng kamay ko at lumayo ng kaunti sa akin.

"Sorry,"

"Okay lang, bibilhan lang kita ng foods wag kang aalis dito" sabi niya tumango ako at ngumiti.

Tinanguan niya lang ako at lumabas.

Tumayo rin ako pag alis niya at nagstrech ng konti dahil masakit katawan ko, hindi ko alam kung bakit may mga tao pa rin na nangaapi bigla bigla. Nang may lumapit na Healer sa akin ay inabutan ako ng tubig at pinahiga. Pinagbawalan akong gumalaw galaw muna.

Adrian's POV

Umalis na ako agad duon sa clinic at pumunta ng Cafeteria. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasan ang paghawak ko sa aking dibdib, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Hindi ko alam kung bakit natibok ito. Nababaliw na ata ako, dahil hindi ako pwedeng mahulog sa kanya.

Aira sino ka ba talaga?

Kailan kaya babalik si Len.Kung tatanungin niyo kung sino si Len siya ang aking nakakatandang kapatid na nakatakdang hanapin ang nawawalang prinsesa.

Pero nakita ko talaga siya, nakita ng dalawang mata ko.Sana nga nakabalik na siy-- Teka kung nandito siya ibig sabihin nahanap na ang nakatakda sa akin.

Aira's POV

Ang tagal naman ni Aidrian siguro di na iyon babalik. Hirap umasa n-- WAIT hindi ako umaasa, hindi na ako babalikan nun.

"Gising na pala ang sleeping beauty." Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Ace at Kyline.

Napangiti naman ako, "Anong ginagawa niyo dito?"

"Malamang binibisita ka," irap sa akin ni Ace pero agad din naming ngumiti. "Dinalhan ka ng pagkain ni ate, sanamahan ko na rin siya."

"Wow Ace, ngayon mo lang ako tinawag na ate. Iiyak na ba ako?" pinunasan ni Kyline ang imaginary tears niya kaya hinampas siya ni Ace.

"Nagugutom na ang pasyente ate. Wag ka na mag-inarte." Nilapitan nila ako at inalalayan umupo.

"Sabayan niyo na ako," Pag-aaya ko sa kanila. "Nakakalungkot kumain mag-isa."

"Nagdrama pa nga." Tumawa si Kyline at inayos ang dala niya.

Habang nakain kami ay nagkwentuhan kami ng kung ano ano. Tinanong ko rin sakanila kung sino yung pasimuno kung bakit ako nandito sa Clinic.

"Insecure lang 'yon si Nica." Irap ni Kyline.

"Inaangkin niyang sakanya si Prince Adrian," sumubo ng kanin si Ace. "Kaya lahat ng nakikita niyang lumalapit sakanya ay pinagiisipan niya ng masama at katulad ng nangyari sayo."

"Pero wag kang mag-alala, nireport na namin sa HM ang nangyari sayo." Napatingin kami sa nagsalita.

Natawa naman ako ng nabilaukan ang dalawa at sabay na tumayo. Yumuko sila kay Aaron.

"Don't mind me," ngiti sakanila ni Aaron.

"Uy, halika kain tayo." Nginuso ko sakanya yung bakanteng upuan na pinagpwestuhan ni Adrian kanina.

Lumapit naman siya at umupo, pero tinanggihan niya ang inalok ko sakanyang pagkain. Busog pa raw siya.

"Ayos ka na ba?" tanong sa akin ni Aaron.

"Yep, salamat sa inyo."

"Kay Adrian ka magpasalamat kasi siya nakakita sayo," tinignan ako sa mata ni Aaron.

Natigilan ako at naalala ulit si Adrian, ang sabi niya kukuha siya ng pagkain pero di na siya bumalik. Ngumiti lang ako ng pilit kay Aaron at nagpatuloy sa pagkain. Naiilang ako kasi tinititigan ako ni Aaron.

"Una na kami," napatingin kaming dalawa sa magkapatid na parehas ng nakatayo. "Pahinga ka lang Aira sunduin ka namin mamaya." Di na sila lumingon at nagtuloy tuloy sa paglabas.

"Nahihiya sayo," natatawa kong sabi kay Aaron, ngumiti lang siya sa akin at mas tinitigan pa ako. "Bakit?"

"Alam mo," huminto siya sandali at tumingin sa gilid ko. "Parang nakita na kita dati."

"Huh? Saan naman?"

"Hindi ko nga alam e,pero parang nakasama na kita dati. Hindi ko lang matandaan kung saan at kalian. Tinanong ko sila pero hindi ka pa naman daw namin nakikita, ngayon lang nung napunta ka dito." Nilapit niya sa akin ang mukha niya kaya napaatras ako.

"Sino ka ba talaga?" bulong niya at umayos ulit ng tanong.

Alanganin akong ngumiti sakanya, "Kung nagkita na tayo dati, bakit hindi kita matandaan?" ani ko sakanya

"Sabagay, baka nga nagkamali lang ako." Pagtapos niyang sabihin yun ay natulala na siya.

"Pwedeng paabot ako ng tubig?" kalabit ko sakanya, mukang natauhan siya at daling tumayo para kuhaan ako ng tubig.

Pagkaabot niya sa akin ay nagpaalam na rin siyang aalis siya kaya naiwan nanaman akong mag-isa dito. Pinilit ko nalang ang sarili kong makatulog.

Nasaan ako? At sino sila?

Pag dilat ko ay wala na ako sa Clinic, hindi ko alam kung nasaan ako at kung sino ang dalawang kasama ko. Isang lalaki at isang babae, pero hindi ko maaninag ang mukha nila.

"Mag-iingat ka, Aira." Nilapitan ako ng lalaki at niyakap.

"You have to take care of yourself first, before taking care of others." Ani ng babae at nilapitan ako.

Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sakanila. Anong nangyayari?

"I-

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at bigla akong napadilat. Nasa clinic na ulit ako, napabangon ako at nilibot ang paningin. May nakita akong babaeng palabas na kung saan ako naroroon, gusto ko siyang tawagin pero di ako makapagsalita.

I have to take care fo myself first? For what?

Sinubukan ko ulit na matulog at baka sakaling mabalikan ko ang nangyari kanina pero hindi ko na nagawa. Kaya naman bumangon nalang ako at nagpaalam sa Healer na babalik na ako ng Dorm. Tinanong niya muna ano bago ako tuluyang palabasin. Nakayuko akong naglalakad pabalik ng dorm, tulala. Hindi ko alam pero kinabahan ako.

Kung hindi ko pa nakasalubong ang magkapatid ay tuloy tuloy lang ako sa paglalakad kong tulala.

"Ayos ka na ba? Bakit ka naglalakad mag-isa." Inalalayan ako ni Kyline

"Baka balikan ka ng mga bruha," lapit sa akin ni Ace. "Iwasan mo munang lumabas ng mag-isa."

"Naboring lang kasi ako sa Clinic," ani ko "Wala akong kausap."

"Sa kwarto mo nalang ikaw magpahinga." Kyline

"Kami ng bahala magsabi sa mga maghahanap sayo na nagpapahinga ka." Ace

Nang makarating kami sa Dorm ay dumeretso na ako sa taas at humiga sa kama. Hindi ko alam kung panaginip lang ba yung nakita ko kanina. Pero parang totoong nangyari kasi o mangyayari palang? Hindi ko alam.

Inalis ko muna yun sa isipan ko at tuluyan ng nagpahinga.

-
16.09.09
20.26.09


Theocracy of Amirah: Finding The Long Lost Princess (On-going)Where stories live. Discover now