Twisted Tale

654 24 5
                                    

Sa milyon-milyong tao sa buong mundo, how would you know you've met the right person for you? Pwedeng nakasalubong mo na siya pero may humarang na truck. Pwede din namang nakatabi mo na siya, pero lumingon ka. Maaaring nandiyan lang siya pero hindi mo siya nakikita kasi abala ka sa pagtingin at paghanga sa iba. Buhay nga naman di ba? Punong-puno ng mga misteryo at surpresa.

May mga maswerte naman na mga tao na nahanap na 'yong taong nakalaan para sa kanila. May mga patuloy na naghahanap, 'yong iba nga sumuko na. May mga mayroong masaklap na kapalaran na nasa kanila na pinakawalan pa. Pero ang pinakamasakit 'yong umasa ka na baka sakaling siya na talaga pero hindi naman pala. Narealize ko na kung hindi ka kayang ipaglaban ng taong mahal mo. Wag ka na rin lumaban. Mapapagod ka na nga mukha ka pang tanga.

Today is a very special day. Monthsary namin ng boyfriend ko ngayon! Kaya ito excited ako para sa sorpresa niya. Medyo hindi ako kuntento sa regalo kong varsity jacket para sa kanya kasi gusto ko talaga may effort lahat ng ibibigay ko sa kanya. Alam niyo na para may memories -I mean- para dagdag sa marami pang memories na pagsasamahan namin.

"Agatha! Nakita mo si Jay-Ar?" masigla kong tanong sa common friend namin ni Jay-Ar na si Agatha. Actually kaklase ko si Agatha this year."Hindi pa tangkad eh'!" mapangasar na sagot ni Agatha. Hindi naman kasi ako katangkaran kaya nakakainsulto tuwing tinatawag nila akong tangkad. Ang bastos lang di ba? Napansin ata ako ni Agatha na sumimangot kaya natawa siya.

Mabilis na tumakbo ang oras ngayong araw. Dumaan ang flag ceremony, apat na subject, recess at tatlong subject ulit pero wala pa ring paramdam si Jay-Ar. Nagwoworry na ako sa kanya. Okay lang kaya siya? "Janna! Okay ka lang?" tanong sakin ni Jazlene. Isa siya sa mga kaklase ko na naging kaclose ko. Nginitian ko lang siya sabay tango. Okay lang naman talaga ako eh', ang feeling ko 'yong boyfriend ko hindi. Asan na kaya 'yon? Kumain na kaya siya? Sana hindi siya nagpapagutom. Hindi ko pa siya nakikita. Paano ko kaya ibibigay 'tong regalo ko? Sana naman magustuhan niya. Hay. Asan ka na ba Jay-Ar? Ang lakas mo naman magpamiss eh'. Sagad talaga, kaya naman ito ako nagkaklase kami pero lutang ako. Iyong utak ko kasi malayo sa lesson namin, paano  na sa'yo.

"Hoy Janna! Okay ka lang ba? Para kang constipated diyan eh'." tanong ulit ni Jazlene sa'kin. Ano ba itsura ko ngayon? Nakakaconcious naman. Bakit ba kasi parang kabadong kabado ako. Jay-Ar naman kasi eh'. Bakit wala kang paramdam? "Ano ka ba? H'wag mo na masyadong isipin 'yong jowa mo malay mo naman pinaghahandaan lang 'yong surprise niya para sa'yo!" pagpapagaan ni Jazlene sa loob ko. Sana nga Jazlene. Sana nga.

Speaking of surprise. Hindi ko pa rin nabibigay 'yong regalo ko sa kanya. Nakita ko namang dumaan si Agatha kaya naisip ko naipabigay na lang sa kanya 'yong regalo ko kay Jay-Ar. Medyo nakakailang din kasi bumisita sa pugad ng Juniors para lang magbigay ng regalo sa boyfriend ko siguradong puro kantyaw lang aabutin ko doon. "Agatha! Pupunta ka ba sa Juniors?" tanong ko kay Agatha ng makalapit ako sa kanya. "Oo! Bakit?" sagot niya at balik ng tanong sa'kin. "Uhm. Pwede bang humingi ng favor?" tanong ko sa kanya. Pakapalan talaga ng mukha 'to. "Sige, ano ba 'yon?" tanong niya muli sa'kin. "Pakibigay naman kay Jay-Ar oh." sabay abot ko sa kanya noong varsity jacket na regalo ko sa boyfriend ko."Asus! Ayon lang pala. Sige." sagot niya sabay kuha noong varsity jacket sa'kin at lakad na paalis. "T.Y." sigaw ko sa kanya sabay balik na sa loob ng room namin.

Masaya akong nakikipag bonding sa class 2-C nang pumasok si Agatha at hinanap ako. "Janna, sabi ni Jay-Ar; break na daw kayo." saad niya sabay labas na sa room ulit. Ano daw? Parang nabingi ata ako doon. Naramdaman ko naman na may mga kamay na humawak sa magkabilang  balikat ko. "Hoy Janna! Okay ka lang?" "Okay ka lang girl?" "Hoy! Bakit ka umiiyak?" sunod-sunod na tanong ng mga kaklase ko. Doon ko lang napansin na may tumutulo ng luha sa mga mata ko na agad ko din namang pinunasan. Ngumiti muna ako sa kanila "O.A. niyo! Okay lang ako. Wala 'yon. Wala lang 'yon." pahina ng pahina kong sabi. Okay lang ako- ang pinakagamit na kasinungalingan.

Twisted Tale [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon