Epilogue

25 1 2
                                    


   

EPILOGUE

(Destiny's POV)

Malamig ang ihip ng hangin at kahit ang mga puno ay sumasabay sa galaw nito.
Maganda ang sikat ng araw at asul na asul ang kalangitan.

"Walong taon din ang nakalipas mula ng huli kitang nakita. 8 years din mula ng huli kitang dinalaw... dito sa puntod mo.
Kamusta kana kapalaran? Okay kalang ba diyan?
Pasensya kana ha kung sobrang tagal kong nakabalik..."

Unti-unti ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"kakapasa ko lang sa Board exam for Lawyer. Kung nuon sandali mo lang akong narinig magsalita ngayon palagi na akong nagsasalita."

Pinahiran ko ang mga luha ko.
" kita mo tong dala ko??? Naalala mo pa ba to? Ang librong gusto mong basahin ko para sayo.
Ang librong pangalan natin pareho ang title. Ang librong binili mo para sa akin. Ang librong naging huli mong alaala sa akin. 'Destiny's Fate'
Sabi mo nuon exciting to kasi pangalan natin pareho ang pamagat pero hindi siya exciting, kundi nakakamangha.
Ang kwento ng dalawang bida ay sobrang katulad ng kwento natin. Ang bidang babae na may mapait na nakaraan at madilim na kasalukuyan. Ang bidang lalaki na nagsilbing ilaw sa madilim na mundo ng bidang babae at handa siyang gawin ang lahat para rito.

At ang pangalan ng mga bida ay ang pangalan ko at pangalan mo.
Hindi bat parang isinulat ang librong to para sa atin??

Ayaw ko sanang tapusing basahin ang kwento kasi natakot akong katulad ng kwento natin ang maging katapusan ng kwento sa libro. Pero humugot ako ng lakas at nagpatuloy ako sa pagbasa.

Alam mo? Kung hindi kon pinagpatuloy ang pagbabasa baka nagsisi ako.
Baka hindi ko alam kung ano ang nagyari sa kanila at naniwala nalang na katulad natin ang kwento nila.
M<atapos protektahan ng bidang babae nag bidang lalaki, matapos niyang iligtas ito sa kamatayan ay naging masaya sila. Naging matatag at mas matatag sa pagdaan ng mga araw. Magkasama sila mula high school hanggang sa naging sila nung nag.college sila. Tapos nagpakasal, nagka-anak at tumanda.
Sa huli ng kwento ay nakamit nila ang 'Happily ever After' na hindi natin nakuha ng magkasama sa totoong buhay.
Ang character sa kwento ay tayo, ngunit sa mundo nga lang ng kathang-isip.
Fate? Kapalaran ...
Ikaw ang kapalaran ko. Ito ang kapalaran ko.
Ang aklat na'to ay itatago ko pagkat ito ang kwento natin... ito SANA ang naging kwento natin.
Salamat!!!!
Kasi kahit wala kana marami akong naipong ala-ala kasama ka.
Tinupad ko na promise ko. Binasa ko na ang kwento.
Sana masaya ka na....
Kasi ako masaya na ako katulad ng gusto mong mangyari sa'kin.
Magkikita pa naman tayo....somewhere...someday."

Habang naglalakad may biglang bumangga sa akin.
Nahulog tuloy ang dala kong libro.
"Sorry Miss beautiful! Here's your book! Nagmamadali ako eh.. I'm chasing for my shadow!"
Matapos niyang ibigay sa akin ay tumakbo na siya paalis.
Bahagya akong nagtaka sa sinabi niya.
Nakakita ako sa baba ng isang notebook.
Binasa ko ang pangalan sa may may cover.

"James Peterson Panlilio a.k.a. PETER PAN!"
O_o Peter pan???
You mean from Neverland? With wendy??

Well, his name is kinda cute
Tiningnan ko ang tinahakn niyang daan kanina baka bumalik siya pero wala.
Dinala ko na lang yung notebook at sumakay sa kotse.

-FIN-

Destiny's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon