Nakatunghay sa harap ng bintana si Sam habang tinitingnan sa baba ang pag alis ng isang sasakyan.
Lagi nalang ganito ang buhay ko sa loob ng 6 na buwan lagi na lang nakatanaw. Lumakad ako papalapit sa kama saka umupo sa isang Queen size bed.
I' m Samantha 18, years old at
Nagiisang anak ni Don Emilio Mondragon isang multi-millionaire may iba't ibang negosyo dito sa bansa kahit labas man ng bansa.Maagang namatay si mommy nagkaroon ng inpeksyon ang kanyang pagbubuntis at yun ang dahilan ng kanyang kamatayan. Simula nun nag fucos na lang si papa sa negosyo at sa akin masasabi ko nga na naging spoiled ako kay papa.
Pero hindi yun naging dahilan para hindi ako magpursige sa aking pagaaral. Simula kindergarten hanggang magtapos ako ng High School lagi ako Valedictorian gusto ko maging proud si papa sa akin.
Lahat ng bagay hihilingin ng isang babae mayroon ako mga latest signature clothes, shoes, sandal, bags kahit sasakyan mayroon ako hindi ko pa hinihingi binibigay na ni papa sa akin.
Masasabi kong isa ako sa pinagpalang anak dahil binigay sakin si papa, for me he is the best father in the universe.
Sa edad na 18 years old i'm already married kay Alexander Molina kasosyo ni papa ang kanilang pamilya. Malapit sa isa't isa ang pamilyang Mondragon at Molina kaya bata palang kami kilala ko na si Xander.
Xander is a very aloof man maybe sakin lang, siguro hindi niya ako gusto kaya sa tuwing magkikita kami sa party hindi niya ako pinapansin at lagi siya nakasimangot sa akin.
Iba naman sa younger brother niya close kami maybe because mas magkaedad kami ni Michael he is 20 years old while Xander is 26 years old.
First time ko makita si Xander sa isang party, it's a totally love at first sight panu ba naman makalaglag panty ang ka gwapohan niya. A tall, chinito, fair complexion man, Alexander Molino had taken my breath away.
But everytime na magkakaroon na ng pagkakataon magkausap kami parang siya ang umiiwas. Kaya wala ako chance to know him better kaya nag tyatyaga na lang ako sa mga kwento sakin ni michael.
Isang malaking problema ang dumating sa negosyo ng family ni Xander at isa sa makakatulong ang papa at balak nila umutang ng napakalaking halaga para maibangon ulit ang negosyo bago pa sila ma bankrupt.
Kaya nakaisip ako ideya para mapansin ako ni Xander. Pinilit ko si papa ma magmerge na lang ang dalawang kompanya pero pakakasalan ko si Xander.
Naalala ko pa kung panu nagalit si papa sa suggestion na naisip ko." Are you out of mind Samantha! Hindi mo pa nga ganun ka kilala si Xander ngayon gusto mo magpakasal sa kanya?" namumula na sa galit si Don Emilio.
"Papa, i'm in love with xander." nakayukong sabi ni sam.
"Baby your only 18 anu ba alam mo sa love, love na yan?" mahinanong ng sabi ni Don Emilio at niyakap ang anak.
"Papa, wala akong hiniling sayo kahit nung birthday ko, please dad ito na lang gift mo sa akin." naiiyak na sambit ni sam.
Napailing na lng si Don Emilio dahil alam niya nanalo na naman ang unica hija niya. Lumalambot ang kanyang puso pag umiiyak na ito.
Nang napagusapan ang kondesyon ni papa nakita ko ang malaking hindi pagsang-ayon ni xander may talim sa bawat titig niya sa akin na nagbibigay panginginig ng tuhod ko pero nagbibigay din ng kilig sa munti kung puso kasi tinitingnan na niya ako.
Naalala ko pa nung kinausap ako ni Michael may lungkot sa mga mata niya. Alam ko may gusto sa akin si Michael balak pa nga niya manligaw sakin kaso binasted ko agad kasi alam ko sa sarili ko nakalaan ang puso ko sa iisang lalaki lang at si xander yun.
"Sam bakit si kuya? Bakit hindi na lang ako? I think mas bagay tayo." malungkot na saad ni michael.
Hindi ko alam panu sasagutin ang tanong niya na mahal ko ang kuya niya.
"I think mas magiging mabuti tayong magkaibigan michael." niyakap ko siya para gumaan ang pakiramdam niya.
Walang nagawa si Xander kundi sumunod sa napagkasunduan kahit kita ko na labag sa loob niya ang kasalang mangyayari. Nagsimula narin magmerge ang dalawang kompanya.
Natapos ng isang buwan ang preparation ng kasal isa yung Engradeng Church Wedding tinawag itong Wedding of the year. Suot niya ang isang elegant ballon wedding gown na puno ng diamond she look like a princess. While xander is very dashing of his barong. Naririnig pa niya ang mga bulungan sa paligid. Habang naglalakad siya sa aisle. "Bagay talaga sila the Beauty and the Handsome." na nagbigay lalo sa kanya ng kasiyahan ng araw na yun.
Ginanap sa isang 5 star hotel ang kanilang Reception. Lahat makikita mo ang saya ng mga tao sa party pero may isang tao makikita mo ang malungkot at si Xander yun.
Habang nagsasayaw kami sa dance floor ni xander naaaninag mo na nagbabaga ang kanyang mga mata sa galit.
"Are you happy now Sam, nakuha mo na ako? Your such a brat and stubborn. Anu ako sayo trophy ha?" may diin ang bawat salita niya at ang higpit ng pagkakayakap niya.
"Xander,anu ba pinagsasabi mo? nasasaktan ako please." naiiyak kong sambit
Biglang lumambot ang pagkakahawak niya sakin.
"Sa ginawa mo sakin Sam pagsisihan mo dahil dadalhin kita sa impyerno hanggang ikaw na ang kusang kumalas sa kalokohang kasalan na to."
Akala ko yun na ang pinakamasakit na maririnig ko sa taong mahal ko.
Patapos na ang Party ng hanapin sakin ni papa si xander kaya hinanap ko siya kasi nagsisialisan na ang mga tao.
Habang naglalakad ako sa may garden nakarinig ako ng may nagbubulungan.Naaninag ko ang bulto ng isang lalaki at medyo kinabahan ako. Nang lumapit ako nakita ko si xander may kausap na babae parang familiar ang face nya.
"Mahal kita xander please iwan mo na ang babaeng yun." yumakap ang babae kay xander.
"Mahal din kita Alexa kaso ." bago pa matapos ni xander ang sasabihin biglang kinabig ng babae si xander at hinalikan sa labi.
Kusang naglakad palayo si Sam habang umiiyak.
ANU TO PARUSA SA AKIN PARA MAKASAMA KO LANG ANG TAONG MAHAL KO!!!
------
BINABASA MO ANG
The Stubborn Princess
RomanceInlove ka? Kanino? Sa taong walang paki sayo? WOW! Congrats!!! Prinsesa ka nga napakalaki mo naman TANGA!!! Oo na! ako na ang tanga sino ba nagsabing hindi?