Tok tok tokNaalimpungatan ako sa katok sa labas ng aking kwarto.
“Pasok.” sambit ko habang naghihikab pa ako. Tiningnan ko ang orasan it's already 9 o clock.
Pumasok si manang teresa sya ang mayordoma dito sa bahay o sabihin na nating mansion kasi mayroon ditong 10 kasambahay at 2 driver.
“Senyorita pinasabi po ni sir nakahanda na po ang pagkaen sa baba.” sabi ni manang teresa.
“Sige po pakisabi baba na ako.” saka nagmadali na akong pumasok ng banyo. Hay ngayon lang ako nagising ng late hindi tuloy ako nakapaghanda ng almusal para kay xander.
Papalapit na ako sa dinning nakita ko nakaupo na nakatalikod si xander ito lang ang pagkakataon matitigan ko ang aking asawa.
Sa loob ng 3 buwan naming pagsasama bilang magasawa naging cold ang pagtrato sa akin ni xander, magkaiba rin kami ng kwarto. Hindi ko nga minsan naalala na ngumiti sya dito sa loob ng bahay lalo na sa akin. Madalas hindi kami nagkikita kasi lagi sya nagkukulong sa office nya o sa study room o sa kwarto niya.
Dito lang sa hapag kainan nagkakaroon ng pagkakataon na makasama ko sya. Kaya ako talaga personally naghahanda ng pagkaen namin.
Umupo na ako sa kanang bahagi ng lamesa malapit sa kinauupuan ni Xander. Tahimik kaming kumaen nang magsalita si Xander.
“Sam mag eenroll ka ba this coming sem? pinapatanong ng papa mo.” sambit ni xander habang sumisimsim ng kape.
“Oo, maybe later mag inquire ako diyan sa Saint Catherine University.”
“Bakit lilipat ka ayaw mo ba dun sa dati mong school?”may pagtatakang tanong ni xander.
“Ok naman dun kaso sobra layo unlike sa SCU mas malapit yung school dito.”
“Ok, si michael diyan din nagaaral. Mas ok kasi may kakilala ka na, sige alis na ako bye the way i think mas makabubuti wag mo sabihin may asawa ka na ok” tumayo na si xander saka nagmamadaling umalis at iniwan ako dito mag isa.
Napasimangot ako at tumayo siguro kinahihiya niya akong asawa, kahit nga anung party dinadaluhan nito hindi ako sinasama. Bigla na lang tumulo ang luha ko saka nagmadali akong pumasok ng kwarto at dun ko hinayaang umiyak.
Papunta na ako ngayon sa school para mag enroll. I'm taking up HRM, 2nd year college na ako this sim balak ko pagnakatapos ako magtatayo ako ng sarili kong restaurant.
“Senyorita nandito na po tayo sa school po.” Sambit ni mang nestor ang driver ko.
Bumaba na ako tiningnan ang paligid it's a good school, isa nga itong sikat na school almost mga nagaaral dito mga anak ng kilalang tao, politician, businesman, ambassador.
“Hey, Samantha.”
Napalingon ako sa tumawag sakin at napangiti ako ng si michael nakita ko at palapit sakin. 4th year college na sya sa course na Architecture.
“Hi, Michael panu mo alam nandito ako?” nakangiti kung tanong.
“Si kuya nagsabi sakin at nagbilin hintayin kita at tulungan sa pageenroll mo.”
Kahit papanu may concerned din pala sakin ang mokong na yun.
“By the way pinapasabi din pala ni kuya wag daw sabihin na kasal ka na at may asawa.”
“As if naman walang may alam eh buong mundo ang nakakaalam ng kinasal kami, hay tara na mageenroll na ako” nakasimangot na ako habang nagsasalita.
“Miss Mondragon we are glad that you enrolled here in our school.” sabi ng principal ng school at tinawagan na pala sila ni papa para maayos agad ang pageenroll ko.
“Astig talaga ng papa mo Sam kahit ang super Strick namin na principal nababahag ang buntot pag papa mo ang kausap.” tumatawang sambit ni michael.
“Wag ka nga maingay michael, nakakahiya sa makakarinig” napapailing na lang ako habang pabalik sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko.
Napatawa ng malakas si michael bago magsalita
“Your such a sweet girl i ever known Sam.”“Sige bye Michael see you tomorrow.” kumaway na ako saka sumakay ng kotse.
“Mang nestor sa Rustan po tayo.”
Naglalakad na ako Papunta sa isang boutique sa isang mall para kunin ang pinaorder ko na latest Hermes bag, mahal pero worth it naman ang quality at bagay siya sa bagong bili ko na dress na gawa ni Ms. Vera Wang.Habang naglalakad na ako pauwi napatingin ako sa isang cafe balak ko sana bumili ng coffee ng mapansin ko si Xander at may kasamang girl Magkayakap.
Nanghina ang tuhod ko at nanlamig ang buong katawan ko sa aking nakita. Gusto ko sila sugurin pero anu ba karapatan ko? Baka lalong magalit sakin si Xander.
Mabilis ako nag lakad para makalayo sa lugar na yun. Isang lugar na nagbigay sakin ng sobrang sakit. Mahirap ba talaga kay xander na mahalin ako? Kaya pala hindi niya ako sinamahan para magenroll kasi may iba siyang kalampungan.
Yung girl na yun siya rin yung nakita ko kasama ni xander sa garden nung araw ng kasal namin. Sino ba siya sa buhay ng asawa ko? Kaylangan malaman ko.
Sa inis ko kaya dumiretso ako sa isang sikat na salon, isa ito sa nagpapawala ng stress sakin kaylangan kong maging mas maganda dun sa babaeng yun.
“Good Morning Miss Sam.” nakangiting bati sa akin ng manager ng salon.
“Si alice pwede ba sya?” tanong ko ang baklang hair styles ko.
“Syempre maam ikaw lagi priority ng aming salon, dito ka na lang umupo at darating right away si alice.”
Habang naghihintay siya kay alice nagbabasa siya ng magazine ng nakita niya ang pamilyar na mukha, ang babaeng kasama ni xander kanina at sa kasal ay isa pa lang international model siya si Alexa Tzui.
Hay, pareho pa silang singkit bagay na bagay silang dalawa. While ako misteza kasi ang beauty ko marami nagsasabi hawig ko si Chloe Grace Moretz isa sa bida sa movie na the 5 Waves at Kick Ass minsan magkasama kami ni xander nagmumukhang akong younger sister nya.
“Hello maam Sam, anu po gusto nyo gawin natin?” nakangiting lumapit sa akin si alice.
“Gusto ko alice gawin mo akong isang babaeng nababagay kay Xander.”
-----
BINABASA MO ANG
The Stubborn Princess
RomanceInlove ka? Kanino? Sa taong walang paki sayo? WOW! Congrats!!! Prinsesa ka nga napakalaki mo naman TANGA!!! Oo na! ako na ang tanga sino ba nagsabing hindi?