111

5 0 0
                                    


“You look more stunning Ma'am Sam.”

Naalala ni Sam kung panu siya purihin ni alice at sa tingin niya mas na enhance ang beauty niya. Ang mahaba niyang buhok ay ginupitan nito ng apple cut, kinulayan ng chestnut brown at nilagyan ng highlight.

Mabilis silang nakauwi sa bahay kaya nagmadali siya nagbihis ng simple white sando at brown short na medjo maiksi na mas makikita ang mapuputi niyang leegs.

Ngayon lang ako nagsusuot ng ganitong outfit kasi usually naka dress above the knee  kahit sa bahay lang o aalis. Feeling ko kasi i'm a princess at hindi tinututulan ni papa yun but now iba na kaylangan ko ng maging isang lady para bumagay ako kay xander bilang misis nya at hindi younger sister.

I prepared our dinner, i prepared rib eye steak with stuffed potatoe and fried scallops with a vegetables salad and vinaigrette and the dessert mango float with chocolate fudge. Bata palang ako mahilig na ako magluto yun lang maipagmamalaki kung alam kong gawain sa bahay. Kaya nga HRM kinuha kung course eh at balak ko kukuha rin ako culinary arts.

Narinig ko na ang ugong ng sasakyan kaya inayos ko ang sarili ko bago ako lumapit sa pintoan.

Nakita ko ang nakakunot na noo papalapit sakin si xander. Kaya tuloy bigla akong kinabahan.

“ Anu yang suot mo Sam? Kita na lahat kaluluwa mo ah, porket lumipat ka ng school at umalis ka na sa girls school ganyan ka na manamit?” naiinis na sabi ni xander.

“Uso naman to ah and i think bagay naman to sakin.” pangangatwiran ko.

“And your hair bakit mo pinaputulan ha?” tiim bagang sambit ni xander.

“May problema ba kung magbago ako ng haircut ha?” naiinis narin ako sa reaction niya.

“Sa tingin mo ba maakit mo ako sa mga ginagawa mo? You wish little witch.” pabulong nyang sinabi.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa aking narinig at nag init ang aking mukha sa galit.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko siya ng malakas.
Saka tumakbo paakyat sa kwarto ko. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko sa aking narinig.

Ginagawa ko to para sa kanya kasi mahal ko siya tapos ipapamukha niya sakin na kahit kaylan hindi niya ako papatulan. Umiyak ako ng magdamag dahil ang taong minahal ko kahit kaylan hindi ako mamahalin.

Maaga akong nagising para pumasok sa school at ayaw ko makita si xander.
Binago ko na ang pananamit ko kung gusto niyang pang model na asawa like nung alexa pag bibigyan ko siya.

Sabagay papasa akong model, noon marami nag alok sakin maging ramp model, commercial model kahit artista kasi maganda   ang hubog ng aking katawan, angelic face, may taas ako na 5'7.

Pero hindi ko hilig yun eh, mas hilig ko sa house mag bake, mag gawa ng iba't ibang dishes.

“Manang teresa.” tawag ko sa mayordoma.

“Good morning Senyorita, anu po yun?” nakangiting bati sakin ni manang teresa.

“pakihanda yung ginawa ko kagabi na mango float ibabaon ko po sana ngayon manang.”

“Wala na po senyorita ubos na.”

“Panu po naubos?” may pagtataka kung tanong.

“Si sir po kasi kagabi nakita niya lahat ng hinanda mo po ayun nilantakan tapos inubos pati po yung dessert.”

Bigla akong napangiti at may konti na naman pagasa akong nakikinita. Kaya ginanahan tuloy ako maghanda ng almusal para sa asawa ko.

Ginawaan ko siya ng best brewed coffee at alam ko favorite nya yun kasi ako lang nakakagawa ng timplang gusto niya with love kasi pag gumagawa ako ng ganun.
Saka pumasok ako sa school.

Habang si Xander nagising sa sikat ng araw kaya nagmamadali siyang naligo at nagayos sa sarili marami na naman gagawin sa office.

Pag baba niya naamoy niya agad ang amoy ng coffee na alam niya si Sam lang gumagawa.
Nakahanda na ang pagkaen sa lamesa at tiningnan ang paligid at hinahanap ang pamilyar na bulto kaso hindi niya nakita kaya hindi niya napigilan magtanong.

“Manang si Sam po?” may pagkapormal kung tanong.

“Nakaalis na po sir papuntang school kanina pa po, pero siya po naghanda ng almusal niyo po.” may panunudyong kwento ni manang.

Napangiti tuloy ako kasi sobrang maalaga ni sam.
Bigla niya tuloy naalala ang suot ng asawa kagabi, nanibago sya kay sam kasi nasanay siya ang suot ni sam ay always dress parang little princess tapos kagabi naka short ng pagkaiksi iksi.

Nakaramdam siya ng pangamba
kasi mas lalo gumanda ang batang asawa niya at alam niya maraming mahuhumaling na mga kalalakihan na nagbigay sa kanya ng selos.

“Manang anu po suot ni Sam?”

“Naka skinny jeans hapit na spaghetti  at blazer. Nanibago ako sa pananamit ng batang yun, dalagang dalaga na kung manamit parang mga model sa magazine.” kwento ni manang teresa .

Napasimangot siya sa kanyang narinig, may pinapagandahan bang ibang lalaki ang asawa niya? Malaman ko lang buburahin ko sa mundo kung sino man yung lalaking yun.

------




The Stubborn PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon