1V

5 0 0
                                    


“Hi, Sam ang ganda mo ah? New look?” nakangiting tanong ni Michael habang papalapit sa akin kasama ang mga lalaking friend nya.

“Ang agang biro niyan! sige pasok na ako michael.” napapailing na lang ako na napangiti at nilagpasan sila.

Habang hinahanap ko ang room ng section ko napansin ko may nakasunod sa akin ang isa sa mga kasama ni michael kanina.

Napadako ang tingin ko sa isang pinto ayun pala ang section ko kaya dali dali ako pumasok.
Bago pa ako pumasok lumingon muna ako sa likod ko at tiningnan ang lalaking sumusunod sakin.

Pero bago ko pa siya komprontahin pumasok din siya sa room ng section ko at dinaanan lang ako. "Hay, yun ang tamang hinala." Bulong ko.

Kaya umupo na lang ako sa gintang bahagi ng room at may bakante naman dun. Nang umupo na ako laking gulat ko ng tumabi sa akin ang lalaking kaibigan ni michael.

“Hi, I'm Kenneth Alcantara and you are?” nakangiting bati sakin. In fairness ang pogi niya parang yung local actor na si Xian Lim.

“I'm Samantha Mondragon.” nakangiti ko rin sagot.

Maya maya dumating na ang isang professor namin at nagsimula narin magturo.

Naging isang magandang araw ang unang school sakin almost mga ka klase ko ok sila at mukhang mababait at sosyal lalo na ang mga girls panu pag wala ang prof puro pinaguusapan about sa mga latest signature bag, dress, accessory etc.

“Hey, Sam!” narinig kung may tumawag sakin at nang lumingon ako ang ibang ka klase ko kasama si kenneth.

Huminto ako para hintayin sila.
“Yes?” tanong ko.

“Wanna join us bonding tayo? Kakaen lang sa labas.” si katie ang nagsalita siya ang pinaka classy, blond hair, slim at ambassador ang daddy niya.

“Sige maaga pa naman.” nakangiti kung sagot.

Nakasakay na kami sa kanya kanyang sasakyan. Huminto kami sa isang cafe resto. BookLoverCoffee ang name ng cafe.

Pag pasok namin sobra ako nagandagan sa ambiance ng lugar amoy mo ang coffee sa buong paligid. While maraming iba't ibang libro kaya lalo ako natuwa kasi sobra ko talaga hilig magbasa.

“What do you think the place Sam? Tanong sakin ni Camz siya ang pinaka sweet face at ang ganda ng hair pwede pang commercial ng shampoo, mommy nya ay judge while daddy nya ay isang attorney.
I think bf nya si ronnel isa sa kasama namin kasi grabe ang sweet ng dalawa.

“This place is amazing.” naeexcite na ako tikman ang mga pastries nila while nagbabasa ako ng ibat ibang libro.

“Sam bakit pala HRM course kinuha mong course? Mukhang hindi bagay sayo kasi mukha kang pang model.” tanong naman ni Jethro mukhang happy go lucky person maybe because ang parents niya ang nagmamay-ari ng mga malalaking banko sa bansa.

“Yeah right, tama si  jethro ang ganda mo ay hindi nababagay sa kusina o maging owner ng resto. Dapat diyan nirarampa girl.” maarting pagsasalita ni Debbie habang umiinom ng cappuccino . Isang siyang formal gay hindi mo nga mapagkakamalan na bakla siya ang pogi naman kasi at ang ganda ng katawan parang si Paolo Avelino na local actor dito sa bansa. Kaya din siguro mahirap lumantad kasi anak siya ng isang general.

At si Kenneth Alcantara anak ng isang Senador. Bigatin talaga ang mga nagaaral sa school ng SCU.

Tumawa na lang ako sa tinuran ni Debbie. I hope sana yung nakikikita nila sa akin makita rin ng taong mahal ko.

Naging masaya ang pagbonding namin sa cafe at nagkayayaan ng umuwi.

Bago pa ako nakasakay ng sasakyan biglang nilapitan ako ni kenneth para personal magpaalam.

“Thank Sam sobra ako nagenjoy and i want you to know more better.” saka siya ngumiti at inabot ang isang cupcake na hugis rose.

“Nag enjoy din ako, and this cupcake this is for what? Bakit binibigyan mo ko ng ganito? May pagtataka kung tanong.

“For our friendship, Sige Sam bye.” nakangiti niyang saad. Saka tumalikod at sumakay na sa sasakyan.

Masaya siya umuwi. Hindi ko nga namalayan nakatulog na pala ako.

Nagising ako parang dinuduyan ako at amoy ko ang swabing amoy parang amoy ni xander kaya lalo ako nagsumiksik para maamoy ko siya lalo.

Naramdaman ko parang binababa ako at ramdam ko ang lambot ng kama.

“Sleepwill my princess.” at naramdaman ko na may malambot na dumampi sa labi ko.

Saka ko naramdaman ang palayong yabag at pagbukas at pagsara ng pinto.

Bigla ako napatulala at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba yun o panaginip lang ang lahat, tinawag niya akong princess at hindi sam. Ang mas nakakakaba yung HALIK totoo ba yun?

Kusang hinawakan ng daliri ko aking labi kung saan dumampi ang labi ni Xander.
Sana kahit konti matutunan niya rin ako mahalin.

-----







The Stubborn PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon