Life is full of surprises. Yung iba ikasasaya mo, yung iba naman nagdudulot ng sakit at galit. But that's how it is. Hindi natin alam ang plano ng Diyos para sa atin. Minsan, we can say we are lucky, o di kaya'y malas.
Sometimes I wonder, why do I have to experience all the kamalasan in this world? Bakit kailangan ko pang mabuhay sa isang kasinungalingan?
"Glory!!" Pagtatawag sa akin ng isang pamilyar na pamilyar na boses. I looked to where the voice came from, and I was right. It was Clarisse, my ever supportive best friend.
"Hey." I said in return as she was walking towards me.
"Natapos mo na ba yung movie?" she asked. We were tasked to watch a movie and make an opinion about it.
"Yeah." tipid kong sagot.
"What about your opinion?"
"Done."
"Ba't ang tipid mong sumagot ha?! Umandar na naman yang attitude mong ewan. Bakit, may problema na naman ba? " she never really liked that side of me. Minsan kase akong ganito pag may iniisip.
"Nothing." sagot ko.
"Eh what's with you nga?"
"Wala naman, feel ko lang."
"Okay."
Tapos sabay na kaming naglakad patungo sa room namin.
Clarisse is a sweet and kind girl. Di naman siya yung tipong maingay masyado. Ginagawa nya lang yan kapag nasa ganitong mood ako, yung tipid magsalita.
She's that kind of girl that boys would like. Girly na medyo sporty. She's an athlete also, she plays table tennis. Isa din siya sa mga famous na tao dito at sa labas ng school dahil sa pagiging pretty athlete niya. Minsan na rin siyang nakuhang model. Pero she treated me the same kahit na napakafamous na niya.
Ako naman, the intelligent, perfectionist, achiever. Valedict ng batch at representative ng school everytime may contest related to academics. Ganyan ka boring ang life ko. I only have few friends dahil sa takot akong magtiwala basta-basta.
Hindi naman ako nerd sa school, in fact mataas ang tanaw nila sa akin, hindi sa pgmamayabang. They all think that I am the almost perfect girl dahil matalino at talented. At natawa ako dun. How I wish I was that kind of girl.
"Glory, pinapatawag ka sa guidance office." pagsasabi ni Orland, kaklase ko.
I stood up and went directly to the guidance office. No negative thoughts, alam ko namang I will never be involved to any kind of fight or quarrel, puera na lang kung official debate.
I went inside the office at kumatok pintuan ng guidance councilor.
"Come in."
I went inside. Nakita ko na may mga bagong mukha na nakaupo sa front ng table ni Ma'am Avenido, ang guidance councilor ng school.
"I heard po pinatawag niyo ako."
"Yes, uh.. Meet Mr. Rivera and Ms. Carson."
Tumingin sa akin yung dalawang.. studyante siguro.
"Hi, I am Glory Angela Mendez." pagpapakilala ko.
"They now belong to the section you're in and I thought that you are the perfect person to guide them with regards to the policies of this institution." sabi ni Ma'am Avenido.
I got a little nervous about what she said. Yes I'm smart but I am not that confident.
"Uh.. Sure." I simply said.
After that, we simply got out of the office and I started telling them about the rules and regulations and their schedules.
"So we're here. I hope you'll enjoy the rest of the school days."
"Sana nga." pagsingit nung babae. Yes babae, na Carson ba yon. Medyo masungit pero maganda. I can see that she is a half filipino and maybe half american, because of her fair skin, tangos ng ilong, at kulay ng mata. Dominant yung foreign blood niya. Kung di siya nagtatagalog, you would think na dayuhan sya.
"Well, nasa sa inyo na yan kung mage-enjoy kayo or just be serious about your studies."
"We'll see about that."
"Chleo." pagsingit nung lalaki.
Matangkad, maputi, medyo athletic yung dating, may itsura, chinito siya, at mukhang mayaman.
Di ko na lang pinansin yung Chleo at nagsmile na lang ako to cut the conversation. I opened the door for them at pumasok na sila.
I feel a little bit threatened sa pagdating nila. Dahil siguro sa takot kong mapalitan sa pagiging no. 1 sa klase. Well, alam ko naman ang kapasidad ko, at alam kong kaya ko sila.