Chapter 4: Not the real Nathan

553 81 113
                                    

Chapter 4: Not the real Nathan

"Señorito! Mas lalo kang gumwapo!" Lumapit ang isang matandang babae dun sa Nicholai at niyakap ito. "Nathan! Hijo, ikaw na ba 'yan?! Kay tangkad na bata! Mas lalo ka ring gumwapo!" Lumawak ang ngiti ni Nathan. So, mag-bestfriends pala ang mga mokong na 'to.

Nagkagulo ang mga kababaihan. Para bang ngayon lang sila nakakita ng sobrang gwapong mga nilalang. I admit, gwapo talaga ni Nathan. Like hello, he's a Prince. That's what everyone called him. He has this red lips, cute eyes, pointed nose and fixed hair. Idagdag mo pa ang magagandang pangangatawan niya at ang height niya na nasa 6'1.

"Nathan..." Pagpapakilala niya sa mga babae rito. His even shaking his hands with them. Pero sa school, ayaw na ayaw niya sa mga babae. May mga nagiging girlfriend naman siya pero iwas rin siya sa mga babaeng naghahabol sa kanya. Sobrang kinikilig naman ang lahat. Lalo na si Marian sa may tabi ko na feeling ko namumula na ang braso ko kakahampas niya.

He was about to extend his arms on me ng makilala niya kung sino ako. I raised my eyebrows that made him confused why I am here. Tumingin siya kay Nicholai na wala namang emosyon ang mukha na para bang expected niya na andito ako. "What are you doing here?"

I crossed my arms, "Same question for you. What the hell are you doing here?"

Ang lahat ay nakatingin lamang sa aming tatlo nina Nathan at Nicholai. "Mga hijo, magkakakilala kayo?" Sunod-sunod na tanong sa amin. We're staring at each other trying to read each other's mind. Damn these two guys.

"Schoolmate ko po sa Manila." Lahat ay napa-woah sa narinig.

"Bongga ka pala 'te! Mayaman ka pala ah!" Bulong sa akin ni Marian na kinikilig pa rin sa tabi ko. Halatang-halata na gusto niya isa sa dalawa nina Nathan at Nicholai.

"Ikaw Sir Rico, kilala mo ba siya?" Napatingin ako sa direksyon ni Nicholai na nakatitig lang sa 'kin. Sir Rico? Siya ang anak ng may-ari nito? So, siya si Nicholai Rico Quen? Oh my god. Everything made sense now.

"She's a princess." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Gayun din ang lahat. "...known as a princess of Howard Academy." Pagpapatuloy nito. So he knows me as a Princess of Howard Academy. Dahil sa sinabi niyang 'yon, mas lalo yatang namangha sa akin ang mga tao dito.

I'm a princess. Yeah, a princess whose world turns upside down in just a blink of an eye.

Umubo ng peke si Nicholai at niyaya na magsikain ang lahat sa may garden. Kaya pala abala ang lahat sa pagluluto ay dahil parating ang dalawang 'to.

Imbis na makikain ako, nagpaalam ako kay Marian na babalik na ako sa palengke. Nag-aabang ako ng tricycle na dumaan ng biglang may nagpayong sa 'kin kaya naman kaagad akong napalingon sa likod ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at lumayo ng kaunti sa kanya kaya naman muli na naman akong nainitan.

"Ang arte oh." He said with an annoying tone, "Bakit ba kasi uuwi ka na? Have some food before you go."

Hindi ko ulit pinansin si Nathan at ginawi nalang ang atensyon sa pag-aantay ng tricycle. "San ba punta mo? Hatid kita."

Napalingon ako sa kanya, "Anong sasakyan?"

"My car, ofcourse." Is he the real Nathan? Ang kilala kong Nathan ay hindi ako kinakausap.

"Where's your car?" My question that force a smiled on his lips. Ayokong sumakay sa maliit na tricycle dito sa probinsya 'no. He offered and I don't want to insist. Ilang minuto rin ang byahe at  sobrang init ng panahon. 

"Wait up." Tapos ay pinahawak niya sa 'kin yung payong na hawak niya kanina. Hindi naman ako ganoon katagal nag-antay sa kanya dahil ilang sandali lang ay muli na ulit nagbukas ang malaking gate at nilabas non ang sasakyan ni Nathan.

Beautiful MonsterWhere stories live. Discover now