Tear two

9 0 0
                                    

Cliche POV

Near Death?

Ang weird naman ng CR na to,bakit may ganitong vandal dito?May problema kaya sya? o malakas lang talaga sapak nya? Sabagay muka syang tatalon sa bintana..Teka?TATALON? SA BINTANA? Luh bakit hindi ko kaagad napansin?

Nasapo ko na lang ang sarili kung noo at mabilis na tinapos ang letseng tawag ni mother earth at naghugas ng kamay,

Pero nasayang lang yung pagmamadali ko,Sana fineel ko na lang muna,eh mukang wala namang balak magpakamatay,tumakas lang! At ang cheap ng naisip nyang way ng pagtakas-ang common, MASYADO NG GASGAS

Pasyente yun dito malamang nakahospital gown pa eh,Hay nako Clich! Minsan talaga napaka-humorless mo!

Mabilis na kong lumabas ng kwarto nung lalaki-sa pagmamadali ko may nabunggo pa kong babae tsk >_< ang tanga mo kahit kailan!

"Sorry po Miss! Ok lang po ba kayo?" tanong ko habang dinadampot ang mga bitbit ng nabangga ko, Tantya ko mga late 40's yata sya? Ewan.

"ok na ko hindi rin naman kasi ako tumitingin sa daan nag mamadali kasi ako" nanghihinang sabi ng babae at natatarantang dinampot ang mga natitira pang gamit nitong nalaglag.Namumutla sya parang wala pang tulog.

"ah ganon po ba sige po." Nagbow ako ng slight at umalis,napansin ko pang pumasok pa sya sa kwarto na pinasukan ko kanina-Nanay nya siguro.

Bago pa ko makaalis may naramdaman akong matigas na bagay sa paanan ko.

Pinulot ko ito at tinignan,Tsk,Infairness ang gwapo ng anak nya, ID picture, Keep it Clich souvenir yan sa lahat ng katangahang ginawa mo ngayong araw,Tinago ko ito sa bulsa ng bagpack ko,Napatango pa ko para mas makumbinsi ang sarili,

Paglabas sa Ospital, ang daming taong may kung anu-anong ginagawa sa kanilang Cellphone,kinain na ng sistema ng Pokemon Go.

Sorry pero meron din ako nun,huh!

Napagdesisyunan ng matino kong utak na maglaro muna habang naglalakad pauwi, Ang bilis kumalat ng larong to infairness, ang galing kasi! IBA!

Naenjoy ko na sana yung laro kaso putspa! May nabangga na naman ako!Great!

"Aray ha! Kota na ko sa bungguan scene,Tigi- I-Ikaw?!"

Napatigil ako sa pagdakdak ng makita kung sino ang letseng bumunggo sakin,tsk mag-ina nga sila,(¬_¬)

"Oy ikaw Balahurang babae Dalhin mo ko sa bahay mo!"

sabay hablot sa braso ko,

"Teka anong pinagsasabi mo?masyadong masakit sa braincells,"

(✖﹏✖)

tumigil pa talaga sya at nakangising tumingin sakin,

KINILABUTAN AKO PUTSPA.

"Patira sa bahay mo"

Pagkatapos nun nagpadala na lang ako sa paghila sa lalaking hindi ko naman kilala, nakakatanga mga pinagsasabi nito,may sapak nga!

"Teka nga! Paano ka naman nakakasiguradong papasukin kita sa bahay ko aber?"

nakapameywang pa ko para kunwari maangas akong tao,huh! Matakot ka sa kin!

"Tsk magbabayad ako sa pagtuloy dun ok na ba yun?" napailing na lang sya, para sa sakit sa ulo na ibibigay nya sakin? o dahil sa sakit sa ulo nya?, may benda pa kasi sa ulo.

"Ok sige madali lang naman akong kausap, mamaya na lang natin pagusapan yung tungkol sa bayad"

Mabilis kaming nakapara ng taxi at sumakay,wag sana sya magreklamo sa sinasabi kong bahay, manghila ba naman sya ng mahirap na kagaya ko kung hindi ba naman tanga? Aish! Bahala na si psyducks,maglalaro na lang ako ng pokemon go baka sakali may pokemon sa tabi ni manong driver hehehe ^ω^

------

Part two done! Alam kong naaaapaaakabilis ng pagkikita ng main character ganun talaga para maraming moments ฅ'ω'ฅ

Maraming scenes na pumapasok sa isip ko pero ang gulo gulo na kaya nevermind na lang ,sana naenjoy kayo ^ω^

Gumawoyo ʕ•ﻌ•ʔ

C L I C H ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon