1st Kaechosan

45 1 0
                                    

Hey guys! It's me Kekay! Kerie Kayla Valderama for long! Ang pinakamagandang nilalang na nilikha ng aking ama't ina. 18! Philippines! At ako ay mahilig sa mga gwapo-- ay este, mahilig magliwaliw sa kung saan saan. Dahil ako ang  pinakamagandang living things na nag-eexist sa buong universe! Ang living proof ng isang tunay na dyosa! Kung iniisip niyong baliw ako, mas baliw ka. At kung iniisip mong mas maganda ka, edi wow.

"Ay putragis!"

May pumatak sa mukha ko.

Kinapa ko ito dahil medyo malagkit 'yon. Ay mahabagin! Ipot ba 'to ng ibon!?

Sa lahat ba naman ng pwedeng iputan ay iyong mukha ko pa. Bwisit ha! Mabaog sana iyong ibon na iyon. Di siya magkakaanak! Maaagasan siya kung mayroon man! Priprito ko itlog niya!

"Hoy Kekay!"

"Ay itlog ni kwan!" Nagulat ako sa taong sumulpot sa likod ko.

Lumingon ako dito upang komprontahin ngunit pagkakita ko sa kaniya natulala ako. Hindi pala 'to tao. Dyosa ba itong aking nakikita?

Literal! Ganda niya kasi. "Ano ba Tintin bakit ka ba nanggugulat-- ay wait? Tin!?" Napasigaw nalang ako sa narealize ko.

Siya si Christine, siya ang kaibigan kong dyosa samantalang ako'y tikbalang. Dahil namiss ko siya bigla ko siyang niyakap. "Namiss kita frieny Kamusta sembreak mo?"

"I miss you too frieny! Masaya grabe, Paris is great! Sayang ayaw mo kasi sumama eh. Ikaw ba? Ay teka sandali, bakit ang baho?" Sabi niya tapos umupo kami pareho sa lilim ng puno na aking kinalalagyan kanina pa. Ay susko po, pabango ko yun friend. Imported pa from the sky.

"Naku frieny may amoy tae kasing dumaan dito kanina, naiwan siguro 'yong amoy. Tsaka anong isama sa Paris? Ano ka ba nakakahiya kaya sayo no! Tsaka sa family mo. Masaya din naman ang sembreak ko eh, sa palayan at sa ilog. Sariwa pa ang hangin alam mo naman sa probinsya diba? Amoy sariwang hangin na may kasamang amoy ng tae ng kalabaw tsaka damo. Di ka din sumama eh, tuturuan sana kitang umakyat ng puno ng niyog." Natawa siya dahil siguro sa kung anu-ano na namang kalokohang naiisip ko. Liban na lang doon sa pag-akyat ng puno ng niyog. Magaling kaya akong mag-alipud sa punong iyon.

"Sige, this coming vacation isama mo ko. Masyado kasing istrikto ang mga magulang ko alam mo naman. Pero siguro naman, payagan na nila ako this vacation kasi mage-18 na ko, which is legal age na." Sabi niya. Naiintindihan ko siya. Masyado kasing over-protective yung mga magulang niya lalo na't nag-iisa lang siyang anak. Pero nabanggit niya din sakin na parang wala naman pakialam yung mga magulang niya sa kanya kasi madalang lang naman nito makita sila. Yung mga butler niya at personal maid niya lang ang nakagisnan niya. Halos twice a month daw siguro niya makita dahil sa busy sa trabaho. Lagi lang daw siyang tinatawagan para kamustahin, pero iyong presensiya daw nila, hindi niya madama. Kahit nga ako di ko pa nakikita yung mga magulang niya. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya.

"Kekay!"

"H-ha? Bakit? May sinasabi ka ba?" Naguguluhan kong tanong. Masyado palang na-okupa ung utak ko.

"Ang sabi ko sa next next vacation ikaw naman isasama ko. Ang lalim naman ng iniisip mo. Gutom ka na siguro noh? Tara nga sa cafeteria i'll treat you."
Hinila niya ako patayo kaya di na ko naka-angal pa. Sa totoo lang, gutom na nga talaga ako. Di pa ko nag-aagahan eh. Nagtitipid kaya ako ngayon kasi baka madelay na naman ang padala sakin ni nanay na nasa probinsya. Pasalamat talaga ako, scholar ako sa pinapasukan ko ngayon. Matalino kaya 'to. Infairness, best in Math kaya ako since kinder until grade 1. Oh diba.

Pancake, spaghetti at softdrinks ang inorder ni Tin para sakin. Samantalang sa kanya naman ay salad lang. Medyo nahiya naman yung lalamunan ko kaya di ako makakain. Okay lang sana kung marami din ang sa kanya. Aba salad lang eh. Kayo kaya nasa kalagayan ko, di kayo mahihiya? Aba tigas naman ng apdo nyo kung sakaling hindi.

Kaechosan Untold Story (of Kerie Kayla Valderama)Where stories live. Discover now