Kabanata 40

27 11 0
                                    

Kabanata 40

Alam kong hindi matatapos ang araw na 'to hangga't hindi ako nakukumbinsi nila Mommy at isa pa 'tong si Cheryl na desidido ring mapapayag ako.

Hindi ko alam kung nangaasar lang ba sya o ano. Pero imbes na mainis ako sa kanya ay mas nangingibabaw pa ang tunog nang malakas na kabog ng dibdib ko na rinig na rinig ng magkabilang tainga ko.

Namumutla kong tinignan si Mommy at bahagyang naiilang na umiling.

This is gonna be hard. Alam kong marami pa akong sasayangin na laway bago ko mapatigil si Mommy.

Halatang desidido itong mapapayag ako. Naiintindihan ko naman sya na gusto nya lang akong makapagpahinga mula sa pagod at maaliw sa ibang bagay kaya medyo nagdadalawang isip rin ako na tanggihan sya.

Alam kong makokonsensya lang ako pag tatanggihan ko si Mommy dahil panigurado malulungkot ito at baka isipin nya na hindi ko na a-appreciate ang pagaalala nya sa akin.

"Hindi ako magiging busy sa susunod na buwan. Diba? Parang bonding na rin natin 'yon?" May pangungutyang wika ni Cheryl.

Hindi ko alam kung seryoso ba talaga sya o gusto nya lang akong pakabahin dahil alam nyang tumatakbo na ng mabilis at walang tigil na rin na hinahampas ng marahas ng puso ko ang dibdib ko ngayon.

Hindi ko maatim na salubungin ng tingin ang mga mata nilang desidido at determinado akong mapapayag.

Hindi sila titigil iyon ang panigurado lalo na ang mukha ni Cheryl na may malaking ngisi na para bang handa na akong lapain sa oras na tumanggi ako.

"Alam ko ang ganyan mong mukha, Jem. Ganyan rin ang mukha mo noong nag desisyon kami ng Daddy mo na manirahan dito at ngayon ganyan ulit? Diba dapat matuwa ka kasi makakabalik ka na." Nagugulumihanan na ani ni Mommy.

Siguro ganito lang talaga ako na sa tuwing aalis ako sa isang lugar ay masyado akong nagiging sensitibo. Baka ganito lang talaga ako na hindi sanay umalis at lumayo.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Mommy.

"Kailangan nyo nang mag pa-book ng ticket. Mas maaga, mas maganda. Matigas ang ulo ng pinsan mo kaya ikaw na lang ang umasikaso, Cheryl." Dire-diretso nyang litanya na para bang hindi nya na problema kung gusto ko man umapila o hindi.

Biglang ngumisi si Cheryl at inangat ang isang kamay sa gilid ng noo bago bahagya itong tinaas tila asong madaling mapaamo.

"Yes, Tita. Alam mo namang masunuring bata ako." Halakhak nya pa.

Hindi ko na nasundan ang mga sumunod na nangyari dahil napatulala na lang ako at napalalim na ang mga naiisip ko.

Ang huling nakita ko ng nasa matino pa ang pagiisip ko ay ang paghalik ni Mommy sa pisngi nila Cheryl at Maricar bago ito nagpaalam para umakyat muna sa kwarto nya.

Tila kinilabutan ako ng kalabitin ako ni Cheryl dahil sa paglapat ng daliri nya sa balat ko ay kasabay nang pagpasok nang tuluyan sa utak ko ng mga posibilidad na mangyayari.

Kung ano-ano na ang mga eksenang umiikot sa isipan ko sa oras na tatapak ulit ako sa kinalakihan ko.

Tatlong pangalan agad ang pumasok sa utak ko. Tatlong pangalan ng tao na buong labis kong pinapanalangin na sana ay kaya parin akong tanggaping muli.

"Sobrang salamat po, Tita sa hospitality." Nakangiting pagpapaalam ni Maricar.

Bigla na lang bumagal ang oras at ngayon ay uuwi na kami.

Yinakap ako ni Mommy at binulungan.

Ngumiti na lang ako at tinanguan sya.

Nilingon ko si Louie na nakaupo sa couch at may hawak na naman na gadgets habang kagat-kagat sa ngipin ang binake kanina ni Mommy. Wala parin talagang pinagbago ang kapatid ko hanggang ngayon mukha parin syang bugnutin.

The Long Drive (Jem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon