Kabanata 18

142 57 7
                                    

Kabanata 18

Hindi ko na maalala kung ilang minuto kami nag tagal sa restroom para lang makabawi ako sa lahat ng nangyari.

Pag labas namin ay hindi ko alam kung paano pero inaayos na daw nila. Wala naman daw kasi gaanong na damage.

Wala rin naman kaming nasira kaya kaya na nila iyon maliban na lang sa nagawang eksena na hanggang ngayon ay inaayos parin.

Ang alam ko lang ay sila Marvin ang nag aasikaso. Ang iba sakanila ay nauna ng umalis.

Ilan na lang ang natira pero nandoon parin sila Roderick at Paulo na parehong medyo napakalma na.

Wala na rin masyadong customer iilan na lang dahil na rin lagpas na ang alas tres at bumalik na ang ibang mga kolehiyong estudyanteng nag memerienda dito kanina sa kani-kanilang eskwelahan.

Hinanap ng mga mata ko si Jirah at nakita kong nakaupo sya sa tabi ni Roderick habang inaabutan ito ng mineral water at kinakausap ito.

Nang makita ako ay biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha nito tila gusto ulit akong sugudin pero hindi ko sya binigyan ng pagkakataon at nagpatuloy na lang sa paglalakad palapit sakanila.

Lahat sila ay napalingon sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Roderick.

Kinuha ko ang bag kong nakalapag sa upuan at nilingon muna ang pinakamalamit sa pwesto kong si Paulo na may bandaid na sa gilid ng labi at sa ibabang bahagi ng pisngi di ko mapigilan mapangiwi ng mamataan rin ang nag kukulay lila na nyang pasa.

Bumuga ako ng hininga at napalitan ang galit na nararamdaman ko kanina sakanya ng pagkaawa nang makita ko ang mga sugat nya at dahil na rin alam kong kahit sino pa man ang nag simula si Roderick parin ang kakampihan ko.

"I'm sorry, Paulo." Nanginig ang labi ko hindi alam ang sasabihin.

"Sorry? Bakit ikaw ang nag so-sorry hindi naman ikaw ang sumuntok sa akin... " nagiwas sya ng tingin.

"I'm really sorry."

"What the, Jem bakit ka nag so-sorry, ha? Dahil ba hindi ka kakampi sa akin at doon ka pa rin sa tangina mong Roderick." Pilit ang boses nyang wag sumigaw.

Napakagat labi ako at nagiwas ng tingin ngunit ibinalik ulit sakanya.

"I know sya ang nag initiate kaya ako  nag so-sorry at dahil iyon sa akin pero please naman, Paulo..." diniinan ko ang mga mata kong nakatitig sakanya. "Sa akin ka dapat magalit hindi kay Roderick. Binubuhos mo lang sakanya kasi... hindi ko alam pero siguro dahil hindi mo matanggap." Mataman kong sinabi.

Hindi sya makapaniwalang napatingin sa akin at napailing-iling.

"Kahit ba naman dito si Roderick parin hindi ba pwedeng tanungin mo muna kung okay lang ba ako, kung kumusta ang kalagayan ko. Puro ka kasi sya. Nakakawalang gana... "

Humakbang ako palapit sakanya at iginaya ang mukha nya paharap sa akin. Nakita ko kung paano lumambot ang ekspresyon nya sa ginawa ko.

"Paulo, nagalala ako sayo... " Oo, totoo kahit puno ng takot ang sistema ko kanina hindi ko maitatanggi ang pagaalala sakanilang dalawa.

Umiling sya sa akin at tinitigan ang magkabila kong mata na titig na titig rin sa pagod nyang kulay kayumangging mga mata.

Ngumiti ako sakanya at pakiramdam ko ito ang unang beses na nginitian ko sya ng tunay.

Umupo lang ako sa tabi nya at kinakausap-usap rin sya paminsan-minsan gusto kong lumapit rin kay Roderick pero dumidistansya rin ako kay Jirah na nasa tabi nya.

The Long Drive (Jem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon