Kabanata 49

30 10 1
                                    

Kabanata 49

Nalaman kong hindi biro ang pinagdaanan nila. Nasanla ang mansyon ni Ninong pero naibalik rin ng makapagtapos na sa pag-aaral si Roderick.

Minsan nilang sinubukan ibalik ang hardware store dito sa kalagitnaan noong nag-aaral si Roderick pero nanghihina parin sila tila bumalik ulit sa pinakaibaba. Hindi sila nag tagumpay dahil nagkaroon rin sila ng kakumpitensya at nawala ang mga dati nilang regular customer at kliyente. Si Roderick ang naging daan para umangat uli ang buhay nilang biglang bumagsak.

Kaya pala sarado ang hardware sa labas dahil sa maynila na ang negosyo nila ngayon, mas maganda ang lokasyon at marami silang mga customer doon.

Gustuhin man ni Ninong na buksang muli ang hardware store sa labas ngayong nakabangon na ulit sila ay hindi na rin maaari dahil sa maynila na rin pala ang buhay nila.

Hindi ko alam kung bakit nandito pa sila kung gayon. Ang alam ko lang ay unuuwi rin sila dito paminsan-minsan o di kaya tuwing weekend kaya sa mga katulong nila muna pinapaubaya ang bahay habang busy sila sa maynila.

Tinutulungan ni Roderick si Ninong sa mas malaking negosyo nila sa maynila at ayon sa nakuha kong impormasyon may iba pang pinagkakaabalahang business si Roderick. Ang hindi ko alam kung ano bang klaseng negosyo iyon, ayoko mag-tanong at baka mahalata ang pagiging sobrang interisado ko sa kanya. Malalaman ko rin naman iyon kalaunan kaya pinigilan ko muna ang kumakalat na curiousity sa aking sistema.

Natapos ang merienda na punong-puno ng impormasyon sa aking isipan. Malalim ang aking iniisip at ipinagtatagpi-tagpi ang bawat impormasyong aking nalaman.

Pasulyap-sulyap ako kay Roderick na medyo kumakalma na ang ekspresyon sa mukha.

Nanatiling nakasandal ang likod nya sa upuan tila napakakomportable sa kanya ang ganyang posisyon. Nakabukaka ang mahahaba nyang hita habang nakausog ang isang paa sa aking harap na halos dumampi na rin sa sarili kong mga paa.

Tapos na kami kumain at nagkukwentuhan na lang. Mas magaan na ang topic ngayon at nagagawa na naming tumawa.

Napansin ko ang biglaang pagiging attentive ni Roderick sa pakikinig ng malipat sa personal kong buhay ang topic. Damn, nasa hot seat ako hindi na ako makapaghintay na malipat sa iba ang usapan.

"Nasa tamang edad ka na at tumatanda na rin ang mga magulang mo. Ano ng plano mo?" Halakhak ni Ninong, tunog nanunuya.

Naiilang ako sa tuwing ako ang pinaguusapan halos mamula ang magkabilang pisngi ko.

"Bata parin po ako."

"Mag be-bente kwatro ka na. Noong mga kabataan namin wala pa sa bente ay nag-aasawa na. Yes, you're young but old enough." Halakhak na naman nito. "H'wag kang gumaya sa akin sa sobrang tutok sa trabaho kaya nakalimutan ng pumag-ibig. Kaya nga itong pamangkin ko di ko alam ang dahilan nya kung bakit pinapatagal nya pa ang mga bagay bagay."

Sinulyapan ko si Roderick na naka ngisi tila gustong-gusto nya na nasa ganitong sitwasyon ako.

Wag nyang sabihin na wala palang alam si Ninong Mike kung anong namagitan sa amin nitong pamangkin nya. Ang akala ko ay may alam ito at aware sa pananakit ko kay Roderick.

Di ko alam kung ngingiti na lang ba ako o ano. Narinig ko ang mahinang pagpigil ni Cheryl sa pag-hagalpak at nararamdaman ko ng may lalabas na kung ano sa madaldal nyang bibig.

"Ay naku po, Ninong wag nyo masyadong asahan yan si Jem. Malayo pa 'yan, hindi muna ngayon. Napaka-imposible talaga." Sunod-sunod nyang wika. Gusto nya pang ibuka ang kanyang bibig buti na lang talaga ay di nya ginawa kung hindi talagang mayayari s'ya sa akin.

The Long Drive (Jem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon