Chapter 5

3.2K 96 6
                                    

Chapter 5

Nagpatuloy sa panliligaw si Angela kay Striker. Nagpapadala sya ng bulalak dito araw-araw sa opisina na may kasamang chocolate kahit hindi sya mahilig sa matamis. Nagdadala rin ito ng pack lunch araw-araw para sa kanya na minsan ay pina-aabot na lang ng guard sa kanya dahil idinaan lang ni Angela sa opisina. Pagkalabas naman nya ng trabaho makikita na lang nya ang dalaga sa labas ng building at matyagang naghihintay sa kanya tapos mangungulit at paglulutuan sya ng dinner saka aalis ng bahay. Minsan ay sasabay ito kumain pero konti lang ang kakainin o di kaya ang wheat bread at tuna na naman ang kakain nito.

"Alam mo iniisip ko na talagang may nilalagay ka dito sa pagkain ko. Madalas kasi tinapay at tuna lang yan kinakain mo." sabi ni Striker.

"Uy! hindi ah! Wala akong nilalagay sa pagkain mo kundi puro pagmamahal ko." banat nito sabay ngiti.

"Kailangan ko kasi ma-maintain yung figure ko kasi minsan may biglaan akong raket na kailangan ng model kaya dapat fit ako lagi." paliwanag naman ni Angela.

"Akala ko ba sa restaurant ka nag-ta-trabaho?" tanong nito.

"Yiiieee. Curious ka na sa akin baby? Part time ko rin lang yung pag-ta-trabaho sa resto bar." sagot at tukso ni Angela.

"Tss. Natanong ko lang kasi baka ilegal na pala yung trabaho mo tapos madamay pa ako." masungit na sagot ng binata.

"Kunwari ka pa baby, umamin ka na kasi. Gusto mo na ako?" tukso ulit nito.

"Pag di ka tumigil dyan Livori, papalayasin kita dito sa bahay ko kahit hindi ka pa tapos kumain." seryosong sabi ni Striker na kinatahimik naman ni Angela.

"Okay." matipid na sabi nito saka pinagpatuloy ang pagkain. Bago umuwi ay niyaya ni Angela si Striker na kumain sa sa resto bar na pinag-ta-trabahuan nya at sinabing sya na ang bahala sa dinner nito basta pumunta sya bukas ng gabi. As usual pumaraan na naman si Angela para makita nya si Striker dahil hindi nya ito masusundo bukas dahil nga may trabaho sya sa resto bar. Sa pangungulit nya ay napapayag nya si Striker at laking tuwa nito na kahit umuulan ay pumunta ito sa resto bar.

"Striker!" masayang tawag nito sa binata at sinalubong ito sa may pinto.

"Oh my! kinikilig ako baby! pumunta ka talaga." sabay hawak sa kamay ni Striker. Pinandilatan sya nito ng mata.

"Stop it, Livori." madiin nitong sabi at mabilis naman tinanggal ng dalaga ang pagkakahawak sa kamay nya.

"Sorry. Na-excite kasi ako. Tara." at hinanapan nya ito ng magandang pwesto para mag-dinner. Sobrang saya ni Angela sa pagpunta ni Striker kulang na lang ay ang binata na lang ang pagsilbihan nito pero baka pagalitan sya ng manager nya kaya pasaglit-saglit na lang sya sa table ni Striker. Sinabihan nya rin ito na huwag na magbayad at mag-order lang ng gusto pero hindi pumayag si Striker kaya kesa naman ma-badtrip sa kanya ang binata ay hinayaan na lang nya itong magbayad ng inorder. Medyo marami ang mga customer nila ngayon gabi pero hindi pa rin mapigilan na punatahan sa mesa si Striker at kumustahin kahit tinataboy sya nito at sinasabihan na mag-trabaho. Habang nag-si-serve ng alak si Angela sa isang table sa may bar ay biglang may humawak sa kamay nya na customer.

"Miss, you look so hot.. can you stay here in our table a bit more?" sabi ng lalaking nakahawak sa kamay nya at medyo lasing na. Pilit nyang tinanggal ang kamay ng lalake pero malakas ito.

"Sir, pasensya na po pero kailangan ko na po bumalik sa loob." magalang na sabi ni Angela pero hindi pa rin sya binibitawan sa pagkakahawak sa wrist nya.

"Stay here Miss, we're customer ya know." sabi pa nito.

"Sir.." pakiusap ni Angela pero mahigpit pa rin ang hawak sa kamay nya. Nagulat na lang sya ng biglang sumulpot sa likod nya si Striker at tinanggal ang kamay ng lalaki sa kamay nya.

"S-Striker.." mahinang tawag nito.

"Show some respect." seryosong sabi ni Striker sa lalaki.

"Bakit?! Girlfriend mo ba 'to pare?" maangas na tanong nito. Nagalala naman si Angela na baka magkagulo kaya pumagitna na sya.

"S-Striker, please." mahinang pakiusap ni Angela. Sinungitan lang sya nito saka kinuha ang kamay at naglakad palayo sa table.

"I'll talk to your manager." saka dire-diretsong pumasok sa loob ng staff area. Hindi na napigilan ni Angela si Striker ng kausapin nito ang manager at pagsabihan tungkol sa nangyari kanina. Humingi naman ng dispensa ang manager nya at kinausap din ang customer na nambastos kay Angela. Hinintay ni Striker si Angela na matapos ang shift at sabay silang umuwi.

"May pasa ka sa may pulsuhan mo..where did you get that?" kunot noong tanong ni Striker habang nasa byahe sila pauwi. Tinignan naman ito ni Angela.

"Ah eto, napahigpit kasi yung hawak nung lalaki kanina, nagkapasa pala." sabay tawa ng mahina.

"Hindi mo dapat hinahayaan na bastusin ka ng ganun kahit na customer pa ng restaurant nyo." masungit na sabi ni Striker. Hindi naman nakaimik si Angela. Napatingin sa kanya si Striker at mas lalong nangunot ang noo nito.

"B-Bakit?" "You have bruise on your knee and you have the guts to wear skirt?!" inis na sabi nito at nag-focus ulit sa pag-da-drive. Nahiya bigla si Angela.

"N-Nakalimutan ko." sagot nito.

"Tss, ano bang pinaggagagawa mo?"

"Nabunggo kasi ako sa upuan kanina. Alam mo na, may pagka-clumsy kasi ako." at tinabunan ang pasa sa tuhod.

"Tss, ang stupid ng upuan." mahinang sabi ni Striker.

"Promise mag-iingat na ako sa sunod, huwag ka na magalit boyfie." lambing nito. Mag-re-react pa sana ito pero inunahan na sya ni Angela.

"Napagkamalan akong girlfriend mo kanina tapos hindi mo tinanggi. Ibig sabihin ba nun tayo na?" kilig na tanong ng dalaga. Mabilis naman ang naging sagot ni Striker.

"Hindi, kaya bumaba ka na." sabi nito. Hindi namalayan ni Angela na nasa may kanto na pala sila kung saan malapit ang tinutuluyan nya.

"Hmp! Hindi pa rin ako susuko hanggang sa sagutin mo ako, Bleh!" sabay labas ng dila nito. Hindi naman ito pinansin ng binata at sinabihan lang syang bumaba na.

"Eto na nga bababa na. Good night baby and thank you sa pagpunta sa restaurant at paghatid sa akin pauwi."

"Okay" tipid na sagot nito.

"Walang I love you too?" hirit nito.

"Livori." seryosong sabi ni Striker.

"Biro lang. Ikaw talaga.. ingat paguwi." sabi ni Angela at mabilis na humalik sa pisngi ni Striker saka bumaba agad ng kotse.

"Napaka pasaway mo talaga!" inis na sabi ni Striker na kinatawa naman ni Angela.

"I love you too, baby!" nakangiting sagot nito saka naglakad papuntang apartment nya.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

When she fell to a nerd guy (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon