CHAPTER THREE : OH MY PROF!

401 20 3
                                    

At last Graduating na siya kaya mas double time sa trabaho at mahal ang tuition sa dami ng tour at syempre ang pinaka magastos e yung part two ng Research nila. Dalawa ang naging part time job niya 4 hours isang fast mall at 4 hours din sa isang fast food na tabi lang ng school kaya ang pasok niya ay mag start ng 6 pm to 11:00 pm. Nakakapagod pero wala siyang choice ngayon pa ba siya susuko.

Muli siyang nag ayos at haggard na sya sa dami ng inurungan niya kanina. Naging customer pa nila ang mga regular niyang classmate na sila Jake. Hindi naman sa kinakahiya niya ang trabaho pero minsan nanliliit din siya kapag pinagsisilbihan niya ang mga ito.

"Jenny yung ot mo bukas ko na lang ibibigay."
Sabay abot ni Aling Ermy ng sweldo yan. Arawan kasi ang bayad niya dun at part time lang.

"Ok po,salamat pasok na po ako".

Tumawid na siya at nandun lang sa tapat ang school nila.
Madilim na din sa hallway hindi tulad sa araw kaya medyo nakakatakot din pag magisa ka. Mas binilisan niya ang lakad para makapunta sa Room.

"Jenny!"malakas na sigaw ni Ana sa kaibigan. Tumayo pa ito para salubungin siya. Halos 20 lang pala sila kalahati sa regular class at malamang working student din lahat yun.
Sa tabi siya ni Ana umupo. Classmate niya dati ito kaso nagpa pm na 3rd year pa lang sila.

"Ang konti pala natin"humihjngal niyang saas. Inilagay niya sa likod ang suot na bagpack.

"Maganda na mas konti mas masaya. Tska walang maarte dito lahat family right guys".

Sumagot naman ang mga ito kay Ana.

"Anyway this is my friend Jenny Roman, oi hi ka sa kanila"
Utos pa nito. Kahit naaalangan ay sinunod niya ito.

"Hi".

"Ang ganda mo naman po, pwede bang manligaw agad?".
Preskong saad ng isang lalaki na nasa gawing likod. Buti na lang at masa harap sila kundi nabatukan na niya ito.

"Yan si ken mabait yan ganyan lang talaga".
Binulungan agad siya ni Ana at kilala siya nito. Madali kasi siyang mainis sa mga pa famous.

"My god anong oras pa ba dadating yun prof natin?".
Naiinis nyang saad. Tinignan niya ang suot na relo. See? 7:00 na.

"Baka na traffic lang siya pinag uusapang nga kahapon sa faculty. Napaka galinh daw ng Prof na to kaso ayaw magpa sched sa umaga kinukuha siya ni Dean".

"Eh magaling? Mukang nagsasayang lang siya ng bayad natin 1 hour na nga siyang late".
Inis na inis niyang saad ng biglang may pumasok.

"I'm sorry kung sinasayang ko ang bayad niyo."

Gulat na gulat ang lahat lalo na siya. Hindi dahil sa nadinig nito ang sinabi niya kundi sa itsura nito.
Imposibleng magkamali siya. Ang tangkad nito at ang mukha niya..

"Ana kurutin mo ko".utos niya sa katabi. Sumunod naman ito at kinurot nga siya. Nakatitig pa din siya dito. Tumingin ito sandali sa kaniya at binilang na kung ilan sila. Maya maya ay nagpamigay ito ng papel.

"Get one and pass".

Lumapit ito at may iniaabot na papel sa kaniya. Pero nasa stage pa din siya ng shock. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat na ang lalaking hindi niya makalimutan sa loob ng dalawang taon ay nasa harapan niya ngayon take note nakatitig pa ito ngayon sa kaniya.
"Hey Ms. Pakikuha".
Utos nito.
Ubod lakas na tinampal ni Ana ang balikat niya.

"Jen napapano ka ba yung papel!"sabay turo ni Ana sa harap niya.
Nagulat naman siya kaagad niyang kinuha ang papel dito.

"Oi Ana napapano ka ba?"
Nagtatakang tanong ni Ana. Namumutka ka pa! May problema ka ba?

Umiling na lang siya dito.

"Good Evening I'm Attorney Keanne Kelvin Austin,24 years old and i will be your Professor on these subject Research two".
Ngumiti ito na parang nagpahinto ng oras niya. Hindi niya alam kung papaano ipapaliwanag ang nararamdaman niya ng mga oras na yun.

"So nasa harap niyo ang isang blangkong papel at gusto ko ilagay niyo dyan ang reason niya bakit Political Science ang kinuha niyo. Para naman ngayon pa lang makita ko kung karapat dapat ba kayong pa graduatin."
Maya maya ay lumabas ito.

"Grabe guys napaka hot na Prof nun ang cool!"
Malakas na sigaw ni Ana.

"Oo..akala ko artista haha!Hindi pa naman kasi siya naka uniform!
Sagot ng isa din sa mga kaklase niya.

Gulong gulo ang utak niya. Ang nailagay na lang niya ay Gusto niyang mag abogado. Maya maya ay dumating na ito. Habang nakatayo ito sa harap niya lalo niyang napagtatanto na iisa lang ang lalaking yun at ito..ang lalaking tumulong sa kaniya at ang professor nila na ito ay magkamukha mula sa hitsura sa height pati na din ang boses nito.

"Ms. Kindly collect all the papers".
Tumingin ito sa kaniya.

Ako po?gulat niyang tanong. Nakatitig ito at tsaka humalukipkip.

"Ikaw nga Jen".bulong ni Ana sa kaniya.

Agad siyang tumayo at nangolekta na ng papel.

"Ok class dismiss".
Napalingon siya dito.

"Sir tapos na po tayo?".nagtatakang tanong ni ken habang tumayo na at tinutulungan na siyang mangolekta.

"Yes,we will resume tommorrow. Ms.pakidala na lang yan sa faculty".
Lumabas na ito kasunod ang iba pa niyang kaklase.

Inayos niya ang pagkakasalansan ng papel. Gusto niya sanang magpasama kay Ana pero naisip niyang siya na lang para makausap din ito. Pero pano nga ba niyang itatanong dito na siya ba ang nasa kulungan? Naiiling siyang nagtungo sa faculty.
Dahil pm walang ibang tao doon kundi ito, tanaw niya ito sa bintana na salamin. Nakaupo ito at may suot na earphone. Napakagwapo nito kahit nakapikit.
Nabitawan nya bigla ang mga papel ng bigla itong dumilat nag sign ito na tumuloy na siya. Nagmamadali niyang pinulot ang mga nalaglag na papel.

Hey Miss ok ka lang ba?"
Lalo siyang natuliro ng madinig ito. Lumabas ito at tinulungan na siyang mamulot.

"So..sorry po"
Nakayuko niyang saad. Tumayo siya at iniabot ang ilang paoel dito.
Madami siyang gustong sabihin pero wala ni isang lumabas sa bibig niya. Nakatitig lang siya dito at ganun din ito parang naghihintay sila ng isang may magsasalita sa pagitan nila. Ilang minuto silang ganun l parang sila lang ang tao sa paligid. Parang sasabog ang dibdib niya sa lakas ng kabog nito. Parang may ilang libong daga na nagtatalunan doon.

"May gusto ka bang sabihin Miss?"
Tanong nito na nag pa gising sa diwa niya.

"Wa.wala po".sagot niya.

"Sige salamat hah".
Pumasok na ito sa loob .

Kahit nanlalata ay naglakad na siya pabalik sa room.

Imposibleng nakalabas siya sa kulungan at siya ang prof namin ngayun. Sa two years nakapag aral sya at naging Attorney pa?Kailangan kong malaman kung sino ka ba talaga...

Oh My Professor!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon