Chapter One : Heart Attack

662 19 6
                                    


  Halos 8 hours na biyahe bago namin narating ang Galvan City Jail. Kung bakit naman kasi eto pa ang pinili ng leader namin na si Jessie pero ngayon wala naman siya at hindi man lang sumama sa pag punta dito. Naturingan ngang leader wala namangsilbi.
Tatlo lang kaming magkakasama kasama ko si Jake at si Arcie.

Kung kailan kasi deadline na saka kami nag aapura ngayon na matapos ang Research  para kay Ms. Thompson.
Ito pa naman ang Professor nila na walang dahi dahilan,bagsak kung bagsak. At hindi ako puwedeng bumagsak  dahil matatanggal ang pinakaiingatan kong scholar.

  "Jenny sa tingin ko mag imbento na lang tayo ng bilanggo hulaan natin ang name then gawan natin ng imbentong info niya kung pano sya nakulong diba Arcie?"
Wika ni Jake na isa ding walang plano ata sa buhay tulad ng tamad naming leader.


"Ano ka ba jake? Dapat di ka na lang sumama kung magiisip ka ng ganyan!".
Sabay irap ko sa kaniya. Iba ang talino ni Ms. Thompson kaya mahirap itong lokohin at tsaka nandito na kami ngayon pa ba kami babalik ng walang nagawa?.


"Tsk..buti na lang maganda at sexy ka kung hindi talagang di na ko sasama".
Ngumisi pa si Jake at inakbayan ako agad  ko naman itong siniko  sa tagiliran.

"Mahiya ka nga sa sinasabi mo!"
Tumayo na siya at papahinto na din ang bus. Matagal na niya kong pinopormahan  pero wala akong plano na pumatol sa taong walang pangarap sa buhay kahit pa anak ito ng isang businessman.
Sabay kaming bumaba ni Arcie at kinausap pa ni Jake ang driver.

"Buti na lang Jen inarkila ni Jake  yung bus kundi ang layo ng lalakadin natin,malayo naman kasi to sa kabihasnan".

Nangiti na lang ako sa sinabi ni Arcie .Kinuha ko ang I.d niya at kailangan mag iwan sa guard. Mahigpit  talaga sa mga kulungan. After namin mag filled up sa log book may another form na pipirmhan ulit. Tinignan nila ang request ng school at agad na inapproved iyon.

Sa Cell 18 kami idinala ng warden, doon daw kasi sure na mababait at disiplinado ang mga bilanggo.
Habang naglalakad sa pasilyo ay nadidinig namin ang hiyawan ng mga bilanggo. Ang iba ay pumapaswit at pumipito pa.
Kumapit sa braso ko si Arcie na halatang kabado sa lamig ng kamay.


"Nakakatakot naman, tara na kasi at umuwi na lang tayo".
Saad ni jake at kumapit na din sa braso ko.


"Ano ba kayong dalawa? Tinanggal ko ang mga kamay nilag  halos pumalupot na sa kamay ko.Pano tayong mayayari kung napaka duduwag niyo?Kailangan matapos tayo at bukas patay tayo kay Ms.Thompson!



Nagpatiuna na kong pumasok sa Cell no. 18.Kasama naman si warden kaya hindi ko kailangang matakot. Una naghanap ako ng taong gusto at handang magpa interview samin.

"Hello po ako po si Jenny Roman ng Hilton University at andito ko para sa isang Research at kailangan ko po ng isang taong payag po na magpa interview sakin".
Ngumiti ako para naman makakuha ng trust sa mga ito pero sa sampung tao dun wala ni isang nag taas ng kamay. "Please po may ilan lang po kaming itatanong at saglit lang po iyon".wala pa ding nagtaas o tumayo man lang. Ang iba ay naglalaro ng baraha at iba naman ay nakahiga.
Tumingin ako kila Jake upamg manghi ng tulong sa pangungumbinsi pero nasa labas lang ang mga ito at takot na pumasok sa loob.

"Sa iba na lang tayo maghanap. Kaso minsan kasi masyado daw personal magtanong ang mga estudyante kaya ganiyan sila."
Muling inilock ni Warden ang bakal na gate.


"Salamat po..sana po makapili pa din tayo kailangan po namin kasi chief".
Pakiusap ko sa kanya ngumiti naman ito. Muli kaming dumaan sa kabilang pasilyo. Ang ibang preso ay nilalabas ang kamay kaya pinupukpok ito ni warden. Nakakatakot talaga sa loob ng kulungan.

Oh My Professor!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon