Chapter 02- Her Savior
Danica’s POV
Ano ba yan tatlong oras na akong nakakulong sa loob ng kwartong ito siguro naman naka-alis na si MC.
Sana nga...
Madami pa akong gagawin sa booth.
Napatayo ako nang maalala ko yung booth.
"YUNG BOOTH?! PATAY AKO NITO KAY MISS ENGRED!"
Kailangan ko ng lumabas. Huminga ako nang malalim. Dinikit ko ang tenga ko sa pintoan upang makiramdam. Nang masiguro kong tahimik ang paligid lakas loob kong binuksan ang pinto. Dahan-dahan akong naglakad palabas sa pag-aakalang makakaalis ako ng mapayapa ngunit hindi pala. May biglang humawak sa likod ng damit ko.
"And where do you think your going? Akala mo ba mapagtataguan mo ko?" Matigas niyang sabi.
Nilingon ko siya para makita ang madilim niyang mukha. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawang ibuka ang mga labi ko. Hindi ako super human para hindi matakot sa presensya niya. Sobrang nangangatog ang mga tuhod ko. Naramdaman ko nang malapit na ang kamatayan ko. By the looks of him kaya niya akong patayin.
Anong gagawin ko? Tulungan niyo ko!
Gusto kong umiyak at sumigaw!
Bago pa ang lahat hinila niya ako. Halos lahat ng mga studyante na nadadaanan namin sakin nakatingin. Tuwang tuwa pa sila sa posibling gawin sakin ni Christoffer. They all shouted his name in unison.
"Go for it Lord Master kill her!"
"She deserve a hard beat!"
"Ang dapat sa babaing yan binabato!"
Yung totoo may puso ba sila? Lezzeth nasaan ka? Tulungan mo ko please...
"Uhhmm—" naputol ang sasabihin ko sana nang malakas niya akong binitawan dahilan para masubsob ako sa paanan ng mga babae. Narinig ko silang tumawa ng malakas.
"FUCK! SHUT UP!" He scold.
Umayos ako at lumuhod sa harapan niya ma-iyak iyak kong pakiusap. "Sorry na hindi ko naman sinasadya! Patawarin mo na ako!"
He just looked at me without any expression like he doesn't care at all. Bago niya ako tinalikuran sumenyas muna siya doon sa mga kababaihan. Pinagmasdan ko ang tuluyan niyang paglayo.
Halimaw siya. Wala siyang puso.
"Okay girls be ready!"
Sunod-sunod ang ginawa nilang pagbabato at pagkuyog sakin. Ang mga hapdi at sugat na dulot ng pagpalo, paghampas at paghila sa buhok ko hindi ko na nraramdaman. Umiyak ako nang umiyak. Ang mas masakit doon ay may mga gurong dumadaan sa harapan namin hindi man lang nila ako tinutulungan o kahit pagsabihan ang mga ito na itigil ang ginagawa nila. Nakakainis!
Yung ibang babae vini-video-han ako. Lalong lumakas ang pag-iyak ko.
Sinusumpa ko ang lalaking yon! Wala siyang kwentang tao!
Mayamaya pa may isang babaing lumapit sakin upang tanggalin sana ang damit ko. Sa kagustuhan kong protektahan ang katawan ko sinipa ko siya palayo.
"LUMAYO KA SAKIN!!" takot na takot kong sigaw at mahigpit kong niyakap ang aking sarili.
Mabilis siyang tumayo tapos binigyan ako ng malakas na sampal sa mukha. Doon na nagsulputan ang iba pa nitong kasama upang hawakan ang mga kamay at paa ko. Pinilit kong pumalag at kumawala ngunit hindi ko magawa masyado silang madami.
"PARANG AWA NIYO NA BITAWAN NIYO KO!!"
Bawat pagtanggal nila ng botones sa damit ko kasabay non ang walang humpay na pagpatak ng luha ko. Alam ko kung ano ang kahihinatnan ko. Huhubaran nila ako habang kinukunan ng video saka ipagkakalat sa buong campus kagaya ng ginawa nila dati sa isang babae. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sakin. Two years akong nagtiis, umiwas at naging mabuting mag-aaral sa eskwelahang ito dahil ayokong mabangga si Christoffer o isa man sa Infinite bad. Sa tagal kong naging maingat sa bawat kilos ko bakit ngayon pa? Bakit nakita ko pa siya?
Sana hindi ko nalang siya pinatulan. Sana hindi na lang ako kumibo gaya ng ginagawa ko dati tuwing nakakabangga ko siya. Sobra na kasi siya e! Masisi niyo ba ako kung naubos na ang pasensya ko sa kanya. Sa tuwing magk-krus ang landas naming dalawa palagi niya akong tinataponan ng kung ano anong mabibigat at matutulis na bagay meron pa nga akong maliit na piklat sa gilid ng pisngi ko dahil binato niya sakin yung hawak niyang gunting. Tapos ngayon helmet naman. Sino bang hindi aalma?
"SAKLOLO! TULUNGAN NIYO KO!" Talaga bang walang tutulong sakin?
"What are you doing?" Isang boses ang narinig ko mula sa aking likuran.
Mabilis silang tumigil sa pagkuyog sakin at parang mga takot na batang nag-atrasan.
Naglakad siya papunta sa unahan ko at doon ko nakita kung sino ang mabuting tao ang magliligtas sakin. Doon ko napansin na si Mr. Mark Cedric Sebastian pala. Ang swerte ko naman! Siya ang nakakatandang kapatid ni Christoffer. Siya ang pinakabata at pinakagwapong namamahala ng Star Academy. Hula ko nasa 22 years old palang ito. Lahat ng mga babaing nakakasalubong sa kanya hindi pweding hindi siya titigan.
Aaminin ko kahit 18 palang ako hindi ko ikakaila na crush ko siya. Sino bang hindi magkakagusto sa kanya?
Look how handsome he is. Tall, intelligence, he has a long eyelashes, black shiny hair na parang hindi ginagamitan ng Wax. Chinito expressive eyes, pointed nose, and he has a body to die for. At ang pinakaimportante sa lahat napakabait niyang tao. Lahat kaming mga babae pinapangarap siyang maging boyfriend.
Nagbend siya ng knee tapos nakipaglevel sa mukha ko. Medyo nailang ako dahil ang lapit lapit ng mukha niya.
"Are you okay?" He asked worriedly then he wipe my tears.
Sobrang nagulat ako sa ginawa niya. Yung mga babae halos patayin na ako sa tingin. Tapos bigla niyang hinubad ang jacket niya at pinatong sakin na mas lalong kinagulat ng lahat.
Ewan ko ba kung bakit kinikilig ako.
"Hindi." Straight forward kong sagot. Alangan naman sabihin kong okay ako kahit hindi naman.
He gave me a quick smile bago siya tumayo.
"Anong ginagawa niyo sa kanya?" Tanong niya ulit sa mga babae.
"Tinuturuan lang namin siya ng leksyon, Sir." Sagot nung isang babae na sumampal sa mukha ko.
"Bakit teacher ba kayo? Sa susunod na mangyari ulit ito palalayasin ko kayo sa school na 'to, nagkakaintindihan ba tayo?" Masungit niyang turan.
"Si Lord Master naman ang nag-utos samin kaya wala kayong karapatan na paalisin kami if ever na binully ulit namin ang panget na yan!" Sabay turo sakin.
Wow, ang hard niya. Sige te ikaw na ang maganda.
Biglang tumawa ng malakas si Cedric na siyang kinagulat ng lahat tapos tinulungan niya akong tumayo. Humarap ulit siya sa mga ito.
"Alam kong nabibilang kayo sa mayayamang pamilya sa bansang ito pero kung makapag-asta kayo parang daig niyo pa ang asong ulol. Bigyan niyo naman ng kahihiyan ang apelyedong ginagamit niyo. Bye girls!" Sabay naglakad kami palayo.
Nakatanga lang ako sa sinabi niya. Ang lakas niyang maka-insulto. Ang galing niyang mangbwisit ng tao.
Narinig ko nalang ang pagwawala ng mga babae sa likuran namin.
"Salamat po." Bulong ko.
"No need to thank me." Ginulo niya ang buhok ko. "Sorry sa ginawa ng kapatid ko."
"Ayos lang po." Hindi ayos yon.
"Wag mo na akong i-po 22 years old lang naman ako hindi pa ako senior citizen." Tapos tumawa siya ng malakas.
Huminto siya at hinarap ako. Medyo nailang ako sa pagtitig niya sa mata ko. Nakakatunaw!
"By the way, anong pangalan mo?"
Waaaaah!! Tinanong niya name ko?!! Tinatanong niya ba ang name ko? Omg!!
"Danica." Kimi kong sagot.
"Hi Danica, Im Cedric." He smile on me.
To be continue....

BINABASA MO ANG
Someone Like You
HumorKapag nagustuhan ka ng crush mo parang heaven. Pero ang ma-inlove ka sa BAD BOY AT MAYABANG na gaya niya ay isang malaking bangongot!! -Danica This is a work of fiction, any resemblance to actual person, name or event is entirely coincedental. thank...