Chapter 01- The Beggining

400 18 4
                                    


Chapter 01- The Beggining

Danica's POV

"Iyan tignan mo ang mga pictures na yan!" Pagalit na hinagis ni Lezzeth ang mga pictures sa study table ko.

Isa-isa ko itong tinignan. Okay, anong meron sa mga pictures na ito?

Kumunot ang noo ko nang tignan ko siya. "Anong meron?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Tinatanong mo ako kung ano ang meron? Ilang taon ka na ba Danica? Gusto mo sabihin ko kung anong meron diyan sa litratong yan?"

Tumango ako na parang tanga. Napabuntong hininga siya. "Okay. Si Marian Revira maganda, sexy, sikat at mayaman kahit nanganak na ito ay para paring dyosa. Look at Angel Locsin, Lovi Poe, Carla abellana at Yassi. Ginamit nila ang ganda para sumikat. Bakit hindi ka tumulad sa kanila?"

"Pero hindi ako maganda at wala akong balak mag-artista." naka-simangot kong tugon.

Pinitik niya ang noo ko. "Ang tanga mo! Hindi ko naman sinabing mag-artista ka! Ang ibig kong iparating diyan sa maliit mong utak na mag-ayos ka. Tignan mo nga yang itsura mo para kang pinag-iwanan ng panahon. Paano ka magkaka-boyfriend kong pinapabayaan mo ang sarili mo! Your turning 19 soon pero wala ka paring love life. Hindi ka ba nagtataka doon bestfriend?"

Kinuha ko ang mga pictures at nilagay sa drawer. Binaon ko ang mukha ko sa mesa. Tama siya. Walang lalaking magkakagusto sa isang manang na gaya ko. Mahaba ang palda na umaabot sa sakong at blouse na parang pinaglumaan na nang hindi mabilang na matatanda. Dinaig ko pa si Maria Clara sa sobrang conservative. Lampas dibdib ang mahaba kong buhok. Nakatungtong ang bangs ko sa taas ng mata ko. Minsan nagiging kamukha ko na si Sunako Nakahara ng Yamato Nadeshiko. Hampaslupa ako kaya nagkakaroon din ako ng pimples sa mukha ngunit madalang lang sila bumibisita. Yung black and white heads ang nakikipag-digmaan sa mukha ko. Hindi matangos ang ilong ko, katamtaman lang. Medyo makapal ng kunti ang labi ko. Sungki ang ipin ko. Pandak at hindi masyadong kaputian. Sabi ng iba cute daw ako dahil baby face ang mukha ko. Ewan ko kung inaasar lang nila ako basta ang laging kong sagot sa kanila magpa-eye vision test na sila at nanlalabo na ang kanilang mga mata.

I lift my head. "Wala akong balak magkaboyfriend! Pag-aaral at ang pamilya ko lang ang tanging nasa isip ko. Pare-pareho lang lahat ng lalaki, sa umpisa sweet sayo kapag tumagal na kayo iiwanan ka din niya at lolokohin lalo na kapag sawa na sila sa iyo! Masasaktan ka at iiyak so bakit ko pa gugustuhin magkabiyfriend?" i stated.

Umupo siya sa higaan ko. "Bakit ba ang bitter mo pagdating sa lalaki? Hindi lahat ng lalaki manloloko. Tignan mo Cindirella mahirap lang pero nagustuhan parin siya ng isang Prince Charming. Si Junpyo kahit ubod ng mayaman minahal parin niya si Jandi sa kabila ng pagiging mahirap nito at hindi kagandahan ika nga nila. Tapat siyang minahal ni Junpyo. Malay mo makakahanap ka ng ganyang lalaki."

Binato ko sa kanya ang hawak kong ballpen. "HOY!! Reality ito hindi fairytale at koreanovela! Umayos ka nga!!"

"Bakit ba?! Wala namang masama kung maniniwala ka sa destiny! Hindi mo alam ang mangyayari bukas kaya pwede ba huwag kang bitter diyan!" masungit niyang turan. "What if isang araw makilala mo ang lalaking nakatakda sa iyo anong gagawin mo?"

"Wala! Wala akong gagawin dahil wala akong pakialam!"

"EWAN KO SAYO! BAHALA KA DIYAN SA BUHAY MO!" Nagdadabog siyang lumabas ng kwarto.

Sinundan ko siya ng isang matalim na tingin. Kinabukasan.

Danica's POV

"Bakit ba ang tagal tagal mo? Marunong ka ba tumingin sa relo diyan sa kamay mo?! Pinagbigyan ko kayong magpart time sa event na ito dahil akala ko mga professional kayo!" Malakas na sigaw ni Miss Engred.

Someone Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon